Imahinasyon

36 0 0
                                    

 Masarap isipin 

 Na sa umaga ng iyong paggising 

Pangalan niya agad ang makikita mo sa iyong phone-screen 

'Yung sinasabi niya na,

 "Good morning bae, gising ka na? Maligo and kumain ka na! Punta ka sa school ng maaga ha?

 Di ba napakasarap pakinggan?

 'Yung tipong gaganahan kang pumasok sa paaralan

 'Yung tipong kahit maingay ang samahan, dedma lang ang asaran

 'Yung tipong sasalubungin ka niya nang yakap 

'Yung abot langit ang ngiti na dumadaan sa ulap 

'Yung tipong bibigyan ka niya ng tsokolate at bulaklak

 'Yung kahit minsan lalabas ang kaniyang pagkaka-topak

 'Yung puro matatamis ang mga salita na binibitawan niya

 'Yung kahit pick-up lines niya na luma ay maantig ka pa 

'Yung mga biro nya na walang ka kwenta-kwenta ay matatawa ka pa 

 Masarap pakinggan na ang taong minamahal mo ay laging nandiyan 

Makikinig sa mga problema na iyong dinaramdam

 'Yung sasabihin niyang, okay lang nandito naman ako, malalampasan natin iyan

 'Yung sa buhay mo may tao kang matatawag na inspirasyon 

'Yung pagmamahalan niyo ay parang walang limitasyon

 'Yung pag-iibigan niyong walang kondisyon 

'Yung walang isa sa inyo ang magpapatalo sa mga temptasyon

 'Yung hindi matatapos ang araw kung walang komunikasyon

 'Yung pagmamahalan na walang komplikasyon 

'Yung pareho kayong nagpapahalaga sa inyong edukasyon 

'Yung mahirap kalimutan ang isa't isa na parang tradisyon 

 Patawad,

 Dahil napahaba ko ang tula dahil sa aking natatanging determinasyon 

Ngunit ang lahat lang naman na ito ay dala ng emosyon

 Na patuloy na umiikot sa aking isipan na kung tawagin ay,

Imahinasyon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unspoken Poetry For YouWhere stories live. Discover now