Chapter 19

565 17 0
                                    


Civer Pov


Pag katapos ng eksena namin ni shitsui kanina ay dumeretcho kami ng clinic. 'F*ck parang mababali na ang braso ko!' Agad akong umupo sa upoan at tinawag nila si nurse Ysa.


"Oh my god?!" sabi niya." anong nangyare sa braso mo?"tanong niya at tinignan ang braso ko.'Ano pa ba sa tingin niya?'

"Pwede ba gamutin mo nalang !"inis na sabi ko kaya dali dali siyang kumuha ng first aid kit. Agad naman niyang ginamot ang sugat ko dahil sa pag kabasag ng flower pot sa balikat ko.Humanda talaga ang shitsui na yun pag nakita ko siya ulit.


"Na mamaga lalo ang braso mo I suggest na mag pa check ka sa doctor mo para ma suri kung may bali ba o wala."mahabang sabi niya. 


"Malala po ba yan nurse Ysa ?" shem.

"Maaari kasi sobrang namamaga ang braso niya"sagot ni nurse Ysa. "And there's chances na hindi na siya makakapaglaro ng basketball dahil dyan sa braso niya."Tumayo na ako dahil sa sobrang galit hahanapin ko pa yung bwesit na babaeng yun.

"Dre ?!!"sigaw nila Shem sa akin pero di ko sila pinansin.Agad akong nag tungo sa canteen sure akong nandito yung gagong yun.


Nang maka pasok ako sa canteen agad kong ginala ang mga mata ko sa paligid and good thing nakita  ko agad siya papalapit sa akin habang naka pamulsa ang isang kamay at ang isang kamay naman niya ay nasa sling ng bag niya.


"Hoy!!!" sigaw ko at sinugod siya napatingin siya sa akin ng deretcho ,kinuha ko ang tray ng babaeng may dala ng pag kain. Tinakbo ko ang pagitan namin at ihahampas ko na sana ang tray sa ulo niya.


"Mr.Larcon!!!"sigaw ni Asger kaya napatingin ako sa kanya at hinagis ang tray sa ground."to the guidance office right now!"turo niya sa akin."And you also Ms.Cronus!"na unang mag lakad si Asger sa amin at naka sunod naman kaming dalawa.


*guidance office*


"Kayong dalawa nanaman ?"galit na sabi ni Mr.Flores."Ano na naman ang ginawa ng dalawang to Mrs.Asger?"baling niya kay Asger.


"Itong si Mr.Larcon nakita kung inagaw niya yung tray sa babaeng may hawak kanina tapos akmang ihahampas niya sa ulo nitong si Cronus."paliwanag ni Asger.

"Mr. Larcon what came into your mind at ginawa mo yun?"baling niya sa akin. Npatingin ako kay shitsui na kampanteng naka upo lang.


'mapapatay ko na talaga ang babaeng to!'


"Sorry sir "sabi ko. "Kasi yang babaeng yan ang may kasalanan kung bakit nagka ganito ang braso ko!"sigaw ko kay shitsui.


"Is that true Ms.Cronus?"tanong ni Mr.Flores sa kanya.

"Hindi ako yun"maikling sagot niya.'Bastos talaga di man lang nag sir or po'

"Anong hindi e ikaw lang naman ang nandun kanina sa 3rd floor ng dumating ako and Im sure na ikaw ang nag hulog ng flower pot sa akin ng dumaan kami sa SHS building."galit na sabi ko pero tumingin lang siya sa malayo.

LESSEN THE PAIN IN YOU ( SEASON ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon