W A L A N G K W E N T A

70 0 0
                                    


Wala Kang Kwenta

"Walang'ya ka! Anong kasalanan ko ha?! Alam mo ba na lagi kitang pinagmamalaki sa mga kaibigan at kakilala ko tapos ano? Ipapahiya mo lang ako?! Ginaya mo pa 'yong walang kwenta mong ate?! Ano bang pagkukulang ko ha?! Ano ba?! "

Agad niya kong sinampal nang marinig niya ang sinabi ko sa kanya. Isa. Dalawa. Tatlo at sa pang-apat na sampal ay tuluyan na kong natumba. Umiiyak lamang ako. Walang magawa, kasalanan ko naman kasi e.

Hinablot ni Mama ang buhok ko, agad kong naramdaman ang hapdi at sakit sa anit ko. Ngunit tahimik lang akong umiyak. Mas pinili kong tanggapin ang pananakit niya sa akin. Ang masasakit na salitang binabato niya ay pilit ko ring binabalewala.

Pinatayo niya ko habang nakasabunot ang kanyang mga kamay sa aking buhok. Matapos no'n ay muli na naman niya kong sinampal--ng paulit-ulit hanggang sa napagod na siya.

"Ma... " Umiiyak lang ako. Wala akong magawa. Anong laban ko sa kanya? Anong laban ng maliit kong katawan sa kanya? Anong laban kong may kasalanan sa kanya?

"Bakit ganyan kayo? Lahat na ng hirap ko alam niyo! Nakita niyo! Pero bakit ginaganto niyo pa rin ako?! Nung una yung ate mo ngayon ikaw naman?! "

Tila nanghina si Mama, napaupo na lamang siya sa sahig yakap ang kanyang sarili. Umiiyak din siya ng sobra gaya ko. Naroon ang panginginig ng mga kamay niya at wala akong magawa para pahintuin ang mga yun. Hindi ko siya mayakap dahil alam kong magagalit lang siya sa'kin.

"Ma s-sorry... " Bakit kasi nagawa ko pa yun? Bakit?! Alam kong walang magagawa ang paghihingi ko ng tawad pero hindi ako mapapagod, hindi ako mapapagod na sabihin ang salita na yan ng paulit-ulit hanggang sa dumating yung araw na mapatawad na niya ko ng tuluyan.

"Sorry?! Paulit-ulit ko ng narinig yang pesteng salita na yan! Pero ni minsan walang naitulong ang salita na yan sa'kin! Ngayon sabihin mo sa'kin aanhin ko yang sorry mo ha?! " Galit na galit siya. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang ganyan. Noong una'y kay ate nung magloko din siya gaya ko, ngayon naman ay ngayon, sa akin, sa kasalanang ginawa ko.

"Sinong ama?! " Sigaw niya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"Ma... " Umiling lamang ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, alam kong lalo lang siyang magagalit.

"Walang'ya naman oh! Sino nga Keila?! "

'Ayoko magagalit ka lang sa'kin... ' gusto ko iyong isatinig ngunit hindi ko magawa.

"Ano hindi ka ba magsasalita? Ha?! "

Wala na kong nagawa pa. Galit na galit na siya. Wala na kong kawala pa alam kong malalaman niya rin naman, kaya kahit na magalit siya sasabihin ko na rin, total naman ay galit na siya sa'kin. "Si Art po... H-hindi n-naman n-namin yun s-sinasadya e--"

"Pinagpapaliwanag ba kita ha?! At dun pa talaga sa anak ni Lourdes?! A-alam mo ang ginawa ng p-pamilya nila sa atin! Alam mo kung p-paanong p-pinatay nila ang ama mo! Alam mo yung h-hirap na d-dinanas natin dahil sa k-kanila! Pero bakit? B-bakit s-siya pa...? "

Sandaling nanahimik si Mama. Matapos ang sandaling iyom ay ang pagkadurog ng buong pagkato ko.

"U-umalis ka na! " Gulat akong napatingin sa kanya. Nagmamakaawa ang aking tingin. Humihingi ng patawad ang bawat kong hikbi at iyak ngunit hindi yata niya iyon napapansin.

"Ma...? "

"Umalis ka na sabi! Wala kang kwenta pareho lang kayo ng ate mo! Mga wala kayong k-kwentang anak! K-kung alam ko lang na m-maghihirap ako ng g-ganito sa inyo sana noon pa n-naipaampon ko na lang kayo! O kaya n-naman ay n-niligaw ko na l-lang k-kayo kung s-saan! "

Wala Kang Kwenta (one-shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon