Masyado yata akong nag inarte kanina. Masyado ko yatang dinamdam ang simpleng pakikipagusap nya sa babaeng yun. Hindi pa nga kami pero kung makapagselos ako parang asawa na. Nililigawan pa nga lang nya ako.
Haaaayyyyy...
Napabuntong hininga ako at binuksan ang laman ng paper bag na ibinigay nya sa akin. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang laman nun. Yung unit ng cellphone na ipinakita ko sa kanya at hindi nya nagustuhan. Napansin ko ang isang puting papel na nakatupi. Binuklat ko iyon at may nakasulat.
Package includes sim. Save my number below and give me a call once you saved it. Distance doesn't matter but not seeing you nor hearing your voice matters most. I already miss you.
-J
"Ang engot ko talaga..." Bulong ko sa sarili. Hindi ako nag iisip at basta basta na lang ako kumilos! Nagalit ko tuloy sya...
Kinuha ko ang sim at ininsert sa phone. Ilang minuto ko ding inayos ang settings and after 300 years natapos din ako!
I save his number.
Tatawag o hindi?
Tatawag o hindi?
Nagdadalawang isip ako. Ano kayang sasabihin ko sa kanya? Paano ko sisimulan? Paano kung hindi nya sagutin? Paano kung sagutin nga nya tapos patayin agad?
Lahat ng agam agam ko sa isip ay nawala nang biglang tumunog ang phone. Ganon na lamang ang kabang naramdaman ko nang magregister ang pangalan nya sa screen.
Nanginginig ang mga daliri ko nang pindutin ang answer button.
"Hello?" I said in a low key.
"Hello." His voice sounds like he's drunk... O baka bagong gising?
"Kamus----" napatigil ako nang bigla na lang naputol ang linya. 'tutututututututututut' (hahahaha)
Nag-try ulit akong tawagan sya pero unattended na. Ilang ulit ko syang tinawagan pero ganon pa din.
He seemed really mad.
Lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng tubig sa kusina. Nakita ko namang bukas ang pinto ng kwarto ni Vincent. Pumasok ako sa loob at inayos ko ang kumot ni Vincent na wala na sa kanyang katawan at nakalaylay na sa higaan. He must be so tired.
Lumabas na ako at isinarado ang pinto. Ilang minuto lang akong nakaupo sa lamesa at papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto at tumatawag sa pangalan ko.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na mukha ni Justin ang nasilayan ko. Nabigla pa ako nang bigla na lamang nya akong hatakin palabas at yinakap.
"I'm sorry kung umalis kaagad ako." Ramdam ko ang init na nagmumula sa palad nya sa likod ko. Nakapangtulog lang ako at manipis ang suot kong t-shirt. I don't even have a bra!
"Teka..." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. I smell something on him. "Lasing ka ba?" Hinila ko sya papasok at pinaupo. "Teka magtitimpla lang ako ng kape."
Tumango lang sya at nakapikit na sumandal sa upuan.Habang nagtitimpla ako ng kape ay lumilingon ako sa kanya. Napapailing na lang ako tsss... Lasing tapos nag-drive papunta dito! He's out of his mind!
"Drink this para mahimasmasan ka."
Iniabot ko sa kanya ang tasa ng kape at tinanggap nya naman."Thanks. " sabi nya bago hinigop ang kape.
Pinagmamasdan ko sya habang ginagawa nya yun at di ko maiwasang mapaisip.
"What?" Nagtatanong ang mga matang nakatingin sya sa akin.
Umiling naman ako at ngumiti. He's really something...
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...