Chapter 7
Old Friends
"Girls!" Sigaw ni Alex sa amin nila Miles and Sunny. Hindi kami agad naka react kasi shempre ang tagal tagal namin hindi nagkita. Nung nakalapit na sina Alex, tska lang nagsalita si Miles. "Uy! Lex, kamusta?" Sabi ni Miles, na medyo gulat. "Okay naman, grabe namiss ko kayo!" Yinakap niya kaming tatlo.
Nandun siya. Nakatitig lang siya sa akin, hindi sa assuming pero kita ko sa peripheral ko. Bumati na din si Kobi sa amin. "Namiss ko kayo! Ang binata niyo na!" Asar ni Kobi. "Oh? Eh ikaw kelan ka magbibinata?" Asar pabalik ni Sunny.
Nagtawanan sila, pero ako tahimik lang pati si Jai. Ngayon na lang kami ulit nagkita pagkatapos ng lahat. Wala na akong nararamdaman sa kanya, gulat lang din talaga ako ngayon na makikita ko siya, pagkatapos ng matagal na di namin pagkikita.
"Sa dorm na lang muna tayo." Yaya ni Miles sa kanila, kaya pumasok na din kami sa dorm. Upo sa sala, kwentuhan at kamustahan.
Anim talaga kami na dating magkakaibigan, kasi nagbago ang lahat nung nagsimula na sila laging nag babar. Nagbago kasi sila, kaya hindi na kami ganon ka close. Dati kasi hindi mo talaga kami mapaghihiwalay e, pero nung natuto sila mag bar. Wala na. Kaya gulat din kami na bisitahin nila kami.
"Tagal na natin di nagkita kita ah." Sabi ni Alex. "Oo nga e, kamusta naman kayo?" Tanong ko. "Okay naman kami, pogi padin." Sabi ni Kobi. Tinignan lang namin siya, at walang nag react.
"Ah ge, ganyan kayo!" Patampo niyang sabi. "Ito naman si Kobi, di mabiro oh!" Lambing ni Sunny.
Nagtawanan kaming lahat pero natigil dahil nagsalita si Jai."Kamusta ka Shar?" Natigil ako sa pagtawa, tinignan ko siya. "Okay naman ako, ikaw? Buti nakabalik ka dito." Sabi ko sa kanya. Okay na naman talaga ako, naka move on na talaga ako kaya wala na sa akin yung amin dati. "May dapat pa kasi akong balikan at itama." Nakaseryosong tingin niya sa akin. Hay nako Jai, di na nagbago. Tumahik na lang ako at umiwas ng tingin.
"Dun padin ba kayo nagaaral dalawa?" Pag iiba ng topic ni Miles. "Oo naman. Ay oo nga pala, next month opening na ng first league namin at school niyo agad kalaban namin. Nood kayo?" Yaya sa amin ni Alex. Manonood naman talaga ako nun e, kasi nga niyaya ako ni Donny. Nayaya ko nadin yung dalawa, at nasabi ko nadin kay Donny yon.
Sabay pa tumingin yung dalawa sa akin. "Ay oo! Manonood kami niyan nina Miles at Shar." Excited pa na sagot ni Sunny. "Ay oh? May tickets na ba kayo? If wala bigyan na lang namin kayo, yun nga lang sa side namin kayo uupo at mag chcheer!" Asar na sabi ni Alex.
"Hindi na, may tickets na kami at sa side pa namin." Sagot ni Miles. "Edi good, pero kanino galing?" Takang tanong ni Kobi. "Secret! HAHA" Asar ni Sunny. Nilike zone lang siya ni Kobi at nagtawanan kami.
"Oo nga pala, maglalaro din sa amin si Jai." Sabi ni Alex. "Oh? Doon ka mag aaral?" Tanong ko at tinignan si Jai. "Oo, last year pa naman ako kinukuha don para sa team, tinanggap ko na ngayon." Sagot niya. Nag nod na lang ako. Edi good yun para sa kanya.
Hindi na kami ganon din ka close nila Alex dahil nung nalaman namin na kasabwat sila sa panloloko sa akin ni Jai dati, ay nasira na talaga yung dating pagsasamahan.
Gumagabi na at nagkakayaan na silang umuwi. "Mag 10 na pala, una na kami. Salamat girls. Sana maibalik pa yung dati nating friendship." Paalam ni Alex. Tinignan lang namin siya, kasi dati pa naman sila nag sosorry talaga ni Kobi, kaso mahirap na magtiwala ulit.
"Lex." Sabi ni Miles. Ngumiti na lang ng malungkot si Alex, gets na niya kasi yon. "Osige na! Ingat kayo ha!" Change topic na ni Sunny. "Ingaaat!" Sabi ko din habang hinahatid namin sa may gate. Kumaway na sila.
Pagbalik namin don ay nagsalita si Sunny "Besh? May iba akong nararamdaman kay Jai." Nakatingin lang ako sa kanya. "Baliw! Wag mo na lang pansinin, past na yun." Sabi ko naman. "Oo nga naman no, dahil si Donny na daw ngayon." Asar ni Miles. Kinurot ko na lang siya.
Nagayos na kami sa sala, at pumasok na din sa kanya kanyang kwarto. Hindi ko napansin yung cellphone ko na nagchacharge nga pala. Pagsilip ko may limang text galing kay Donny.
From: Donny Pangilinan
Thank you ulit sa kanina. I hope napasaya kita. :) Wag kana malungkot ha? Panget mo kasi e. :(
From: Donny Pangilinan
Aba yung panget di nagrereply.
From: Donny Pangilinan
Panget?
From: Donny Pangilinan
Superwoman?
From: Donny Pangilinan
Sharlene?
Magrereply na sana ako, kaso bigla ng tumawag.
Calling Donny Pangilinan...
"Bat di ka nagrereply?" Bungad niya agad. "Wala man lang bati? Good evening panget!" Asar ko. "Good evening. Bat di ka nagrereply? Okay na?" Asar niyang tanong.
Natawa naman ako ng onti. "Kumain kasi kami sa carinderia kanina, tska may bumisita sa amin kanina." Paliwanag ko sa panget. "Aaah." Tas tumahimik na siya.
"Wag mo naman ipahalata na namiss mo ako agad." Asar ko dito. "Sus! Hindi no. Chinecheck ko lang kung di kana malungkot at itatanong ko lang kung nabalik na sayo yung notebook." Sagot naman niya agad.
"Oh easy easy! Defensive ka masyado. HAHA. Okay na ako, at oo nabalik na sa akin. Salamat nga pala." Sabi ko naman sa kanya. "Kasama mo lang ako kanina, nawawala kana sa sarili mo. Hays." Sabi niya. "Edi wow!" Tatawa kong sabi.
Konting kwentuhan pa, hanggat sa nagkakayayaan ng matulog dahil may pasok pa bukas. "Inaantok na ako." Sabi ko dito. "Share mo lang?" Asar niya. "Ah ganon?" Sagot ko. "Joke lang! Sige, sleep na tayo." Sabi niya. Napangiti na lang ako.
"Good night panget . Wag mo sana akong mapanaginipan, baka di ako makatulog agad." Asar ko dito. "Good night mas panget ka. Ikaw kamo yun!" Sagot niya. "Sige na. Bye!" Binaba ko na yung tawag. Nagtext naman agad.
From: Donny Pangilinan
Good night sobrang panget! Wag excited na makita ako bukas. Kalma lang. :—)
To: Donny Pangilinan
Good night mas sobra pa sa sobra yung panget!! Ikaw kamo, baka di kana makatulog ha? Easy lang po. Wag mo ipahalata na miss mo ako. :p
From: Donny Pangilinan
Edi wow! Tulog na, para naman mabawasan kapangitan mo!
Di ko na nireplyan. Ang kulit din talaga! HAHA. Hindi ko akalain ang isang superstar player sa school namin ay ganyan ka kulit. What if malaman ng mga fans niya na ganito siya? Nako!
Makatulog na nga. Tomorrow is a new day!
———————————————-
Chap 7 done! 5+ votes for Chap 8! :)

YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?