Masaya ako kung anong meron ako. Masaya ako na nandyan siya sa tabi ko. Ang girlfriend ko-na nagpapasaya sa akin. Isang ngiti niya lang, mawawala na ang pagod ko.
Sa ngayon ay kuntento ako kung anong meron kami. Hindi kami madalas lumabas ngayon dahil sa busy rin kami pareho, pero masaya naman kami kahit pa sa cellphone lang nag-uusap.
"Kumain ka na ba, babe?" Tanong ko sa linya.
"Oo, ikaw?" Balik tanong niya. Natuwa ako dahil alam ko na concerned siya. Kahit pa mag-aapat na taon na kami ay ganun pa rin ang pakikitungo niya.
Napangiti ako bago sumagot "Yes, babe."
Narinig ko na bumuntong-hininga siya "Kamusta naman 'yung work mo?" Kasunod na tanong niya. Napatawa naman ako ng bahagya.
"Ayun, busy pa rin. Ang daming gagawin." Humikab pa ako "Nakakapagod talaga. Tsk."
"Oh?! Eh dapat pala magpahinga ka muna, babe. Baka naaabala pa kita?" Ramdam ko sa boses niya ang kalungkutan na may halong pag-aalala.
"Okay lang ako, wag ka nang mag-alala, matatapos na rin naman 'yung gagawin namin kaya magkikita na ulit tayo ng madalas." Paliwanag ko sa kanya.
"Oo nga, pero sa ngayon, magpahinga ka muna. May pasok ka pa bukas."
Napangiti ulit ako "Ang sweet naman ng baby ko." Tukso ko sa kanya.
"Tse!" Singhal niya, pero ramdam ko rin sa boses niya na natatawa siya. "Sige na, magpahinga ka na."
"Sige, sige. I love you." Sabi ko habang nakapikit ang mga mata.
"Love you too." Sabi niya sabay baba sa telepono.
Hindi talaga ako nagkamali sa kanya, kahit pa minsan ay tinatarayan niya ako-mas lalo pa nga akong natutuwa sa kanya nun, e. Napaka-cute niya.
Madalang kaming magkatampuhan-mangyari man 'yon ay nagkakabati kaagad kami. Hindi kami tulad ng iba na puro bangayan, sigawan at sakitan. 'Di ba gano'n talaga kapag totoong nagmamahalan, dapat hindi na pinapatagal ang away.
Hindi rin kami 'yung seloso-selosa, mali 'yon. Kung 'totoong' mahal mo 'yong tao, dapat may tiwala kayo sa isa't isa. Naniniwala ako na kung mahal mo talaga ang isang tao ay hahayaan mo siya sa isang bagay kung saan siya masaya. Kung anong gusto mong gawin sa kanya, gawin mo. Kung anong gusto mong sabihin o ibigay sa kanya, go for it, man-pero hindi ka dapat humihingi ng kapalit. Para saan pa ang pagmamahal kung palagi ka nag-aabang, nag-eexpect ng kapalit. Ang pagmamahal ay hindi utang na loob, kusa itong ibinibigay.
Sa loob ng mahabang panahoon ng pagsasama namin ay masasabi ko na mabibilang lang sa daliri ang pagkakataong hindi kami nagkakasundo. Siguro ganon talaga kami, dahil mahal talaga namin ang isa't isa, kaya konti lang ang mga bagay na hindi namin pagkasunduan. 'Wag lang sana magbago, magsawa ang mga nararamdaman namin. Ayoko man isipin, pero natatakot din ako na isang araw ay magbago siya. Sana ganito lang kami hanggang sa pagtanda.
Bago ako matulog ay nag-tetext ako sa kanya, bagay na hindi ko nakakalimitan bago matulog.
Me: Goodnight babe, I love you <3
Her: Goodnight din! Love you too. Muahh! <3
Napangiti ako sa huling message n'ya. Kahit kailan hindi pa rin siya nagbabago. I'm greatful to have her...
Isang linggo ang nagdaan, hindi pa rin kami nagkikita. Madalas akong mag-text sa kanya ng mga sweet messages-nagre-reply naman siya.
Dumating ang linggo, natapos na ang project namin. Makakapagpahinga na ako sa wakas, at madadalaw ko na ang girlfriend ko. Excited na ako. Sa tagal ba naming hindi magkita, mas lalo ko siyang hinahanap-hanap.
BINABASA MO ANG
Nagbabago
Short StorySabi nila, lahat ng bagay ay nagbabago. Lahat ng tao, nagbabago. Kahit pa ang nararamdaman-nagbabago, Naglalaho... *** A Short Story by jvbtwentyone