Chapter 1

74 3 0
                                    

Chapter 1

Eto na talaga to. College na ako, freshman. Ako nga pala si Elisa Ann Angeles pero Ellie ang tawag ng mga friends ko sakin. Sa St. James University ako nag aaral Accountancy ang course ko. Nasa Manila ang St. James at sa Paranaque pa ako nakatira kaya nag ddorm ako. Sa Tuesday na ang pasok ko kaya ngayon pupunta na ako sa dorm ko. Andun na yung mga gamit ko matagal ng inayos ni mommy.

Maganda ang dorm namin kaso medyo malayo sa school kung lalakarin kelangan padin magjeep pero mga 5-10 mins lang naman siya. Dalawang building ang dorm namin , 5 floors each. Yung isa for girls at yung isa for boys. Pero sa 3rd floor naka connect yung dalawang building parang may bridge tapos may tambayan dun. Pwede naman pumunta yung mga boys sa dorm naming tapos ganun din naman samin. Pwede kaming pumunta sa kanila pero pag dating ng 9 dapat wala ng boys sa building naming at wala ng girls sa dorm nila.

Nasa 3rd floor ang room ko. May dalawa akong roommates. Sa St. James din sila nag aaral. Pero 2nd year na sila ata. Pag tapat ko sa room kumatok muna ako bago ako pumasok. Tapos binuksan ko yung pinto pumasok na ako tapos nakita ko yung dalawa kong ka dorm meron din isang lalaki na nakaupo sa sofa. Siguro bisita nila.

“Hi, Ikaw siguro yung new dormate namin na si Ellie? Ako nga pala si Jenny.” Sabi nung babae na may maikling buhok. Hanggang balikat yung hair niya tapos singkit yung mata niya.

“Eto naman si Angela “ Nag hi naman sakin si Angela. Mahaba naman ang buhok niya hanggang bewang tapos maputi siya at maganda.

“Etong lalaki na to wag mo ng pansinin yan hahahaha. Joke lang si Jeric nga pala to.” Nag hi din sakin yung lalaki na nakaupo sa sofa.

“Uhm hi ako nga pala si Ellie. Nice meeting you all. Punta lang muna ako sa room ko.” Sabi ko sa kanila tapos pumunta na ako sa room ko. Maganda yung dorm ko. Sa room namin meron kaming sala at kitchen may isang bathroom din kami tapos may tatlong room.

Nag ayos ako ng gamit. Inayos ko siya kung pano nakaayos room ko para di naman ako ma home sick. Pati nga bedsheet yung nasa room ang ginamit ko.

Inaayos ko mga damit ko ng may kumatok. Binuksan ko yung pinto.

“Uy Ellie gusto mong sumama kakain lang kami sa labas.” Sabi sakin ni Jenny.

“Sige. Sunod na lang ako.” Sagot ko sakanya. Lumabas na si Jenny ng room. Kinuha ko lang wallet at phone ko tapos sumunod na din ako.

“Ay Ellie alam mo ba basketball player tong pangit nato?” Sabay turo ni Angela kay Jeric.

“Panget ka jan. Mas panget ka no.” Sagot naman ni Jeric

“Ay nako Ellie yaan mo na yang dalawang yan. Ganyan lang talaga sila.”

Mga two hours din kami dun sa fastfood na kinainan naming siguro mga 8pm na kami nakauwi. Mukang masaya at mabait naman ang mga kasama ko sa dorm. Sana maging friends ko sila.

**

New story, sorry di ko na natapos yung isa L

College loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon