Dear Kaibigan,

400 8 3
                                    

Musta na?? Naaalala mo pa ba ako?? Sana naman oo. 

Kundi iiyak talaga ako ng sobra. Ang tagal tagal na nating 'di nag-uusap ahh, ikaw kase ehh, umiwas ka bigla. Hindi ko nga alam kung baket ehh. 

Pero baket nga ba?? May nagawa ba ako? Masyado ka na bang nakukulitan saken?? Dapat naman sinabi mo, para huminto ako sa mga gawain kong hindi mo nagustuhan. Hindi yung ganito, basta basta ka na lang umiiwas. Wala man lang, 'Uyy, bukas hindi na kita kakausapin ha?? Paagang sabi 'to para aware ka.' Kahit ano lang naman. Pero wala. Wala. Ang hirap kaya mag-adjust. 

Hindi naman ako isang manikang pag-ayaw mo nang kausapin pwedeng pwede mong i-turn off. May damdamin din naman ako noh. Nasasaktan din naman ako. Wala akong turn off button kagaya ng mga manika at ibang laruang nakikita mo. 

Kaya sobrang saket ng nag-simula kang iwasan ako. Dahil masyado ka nang napalapit saken. Hindi ka na lang isang normal na kaibigan, para na kitang best friend dahil.. basta!! Alam mo na sa sarili mo kung baket sobrang importante ka saken.

Naalala mo pa ba nung unang beses tayong nag kausap?? Para ka pa ngang gago nun ehh, naalala mo?? Akala mo kung sino mag-lakad. Akala mo binili nya yung buong kalsada. Feeling gwapo. Feeling boss. 

Inis na inis kaya ako sayo nung mga panahon na yun. Ikaw na nga ang naka bunggo saken, nalaglag pa yung soft drinks ko, ikaw pa yung may ganang magalet. Ikaw pa talaga ang sumigaw ahh. 

Naalala mo pa ba yung batok ko sayo nung araw na yun?? xD Soray ahh, binwisit mo kase ako eh. Pero tignan mo ngayon, sino na ang nambabatok? 

Hay nako. Ang hirap namang 'di umiyak!!!!!!!!!!!! 

Pero ito ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ^______________________________________^ Sinusubukan kong ngumiti! :)

Na sense ko rin na dadating ang araw na 'to. Yung araw na babalik ulit tayo sa stage na pagiging Strangers. Kaya pinag-handaan ko 'to ehh. Akala ko kaya ko, pero hindi pala. 

Tama ka ngang malakas akong maka sense ng mga bagay bagay. Manghuhula ka ba?? 

Pag-nababasa mo na ang isip ko pwedeng pakisabe ahh, para naman malaman kong alam mo nang lahat at hindi ko na kaylangan pang mag-ipon ng lakas ng loob para sabihin sayo ang lahat. Lahat ng saloobin ko. Lahat ng saket nararamdaman ko. Dahil diba, ganun naman tayo dati? Alam mo agad kung may problema ako. Alam mo na agad kung may nangayareng nakapag palungkot saken base ng sa tunog ng boses ko. 

Omg, baket ka ba kase ganyan! Sobra mo naman kase akong pinaasa ehh! Ang saket saket tuloy! </3 Kung pwede ko lang tawagin si Edward Cullen dito gagawin ko na para lang ma-cheer up ako. Pero lagot ako kay Bella. Lalo na't bampira narin sya, baka patayin nya ko. 

2 years na rin nung huli kong narinig ang mala mama mong boses. Tagal na rin noh? 2 years. 24 months din yun. 104 weeks. 730 days. 

Sobrang miss na talaga kita. Ako rin ba namimiss mo?? Sana naman oo. 

Sa pitong taon nating mag kakilala, punong puno na ako ng Words Of Wisdom mo. Halos araw araw, may baon kang isa para saken. 'Di ka ba nauubusan??

Sa dami wala akong maalala. 

Pero merong isa rin. Yung huli mong sinabi saken. "Wag kang babalik sa nakaraan para hindi masira ang kasalukuyan." Nung una binalewala ko lang. Dahil akala ko marami ka pa nyan. Pero yan na pala ang last.

Halos pitong taon rin tayong nagkasama. Pitong taon rin ako nag karoon ng kaibigang gumabay saken.

Ginabayan mo ako sa hirap at hirap at hirap at hirap ulit at sa hirap nanaman. Pero sa panahong ito, once again, sa hirap nanaman, sa tingin ko kaylangan ko nang matutong gabayan ang sarili ko. Dahil 'di sa lahat ng pag-kakataon nandyan ka para gawin yon.

Gusto ko nga pala mag-pasalamat sa lahat, tunay ka ngang kaibigan. Never mo akong sinukuan twing may problema ako at wala kang ginawa kundi pasayahin ako. Salamat sa lahat ng payo mo, salamat sa lahat ng Words Of Wisdom mo, salamat sa lahat ng masasayang panahong inispend mong kasama ako. 

Bago ko nga pala tapusin ang liham na ito, may gusto nga pala ako i-confess sayo. Matagal ko na 'tong gusto sabihin sayo ehh, pero nato-torpe ako. Ano ba yan, kababae kong tao tinotorpe ako. Pero okay lang yun. 

Gusto ko lang sabihin na muntikan na kitang minahal. Nung una nga, hindi ko alam ang nagyayare ehh, para akong nag-ibang tao. Iba ang pakiramdam ko. Parang gusto ko palagi akong malapit sayo. Pero bigla ka namang umiwas, at tuloy tuloy na ang pag-iwas na yan at hindi ka na nag-balik. 

Kahit nasaktan ako, at kahit nasasaktan parin ako, masasabi ko paring maganda ang naging kalabasan ang pag-iwas mo. Baket? Dahil napigilan ko ang sarili kong mahalin ka. Mas nalaman ko kung hanggang saan lang dapat ako. Mas natutunan kong pigilan ang nararamdaman ko. 

Pero kung tatanungin mo ako ngayon kung wala ka na sa puso ko, isa lang ang masasabi ko dyan. Hindi pa. Kahit matagal ka nang wala, tinuturuan ko parin ang puso kong pigilan ang pagmamahal na natitira dito sa puso ko para sayo. 

Pati nga si Jacob ng Twilight ginamit ko na rin ehh. Dami na rin nyang poster dito sa kwarto ko, kagaya ni Edward. :) 

Salamat sa lahat lahat. :)

Nagmamahal, 

Your Best Buddy <3

Dear Kaibigan,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon