(A) Chapter One

7.9K 92 13
                                    

Chapter 1:

*On Call*

"[Baaalllll.]"-Kaleah

"What the heck?" kung maka sigaw ba naman kasi umagang umaga jusme.

"[Why so sungit?]"paniguradong nakapout nanaman 'to ngayon. Ano pa bang bago palagi naman nyang ginagawa yan.

"Don't pout. hindi bagay sayo."sabi ko sakanya na may pagkairita. Tsk! totoo naman kasi eh.

"[Tse! Lagi naman eh, diba? by the way, kailan tayo mag-eenroll?]"biglang tanong naman niya sakin. Excited pumasok ha?

"Aba't! Kailan pa nagkaroon ng 'tayo' huh? Hmm, I don't think so? Bahala na." pambabara ko sakanya. Pasukan nanaman.

"[You're not a good joker you know? Oo nga pala aren't you gonna visit your grandpa, Bal?]" tanong niya sakin.

"Actually, I'm going to visit him later. Do you want to come with me?"pang- aaya ko naman sa kanya na sumama sakin mamaya.

"[Sorry, but I have an appointment today. Mommy want me to go in Zambales. Maybe next time, Bal.]"

"It's okay. I understand, Take care later. I'm gonna hung up this call, Bye." sabi ko at tumayo na sa aking kama at nag unat ng katawan.

Ako nga pala si Kiersten Brynn Montgomery, 16 years old.  After kong mag unat ng katawan ay napag desisyunan ko nang maligo at mag-ayos dahil ako ay aalis pa mamaya.

**********

Natapos na akong mag-ayos kaya naman ay bumaba na ako para kumain at umalis na ng bahay.

**********

Ng makarating na ako sa pupuntahan ko ay agad akong bumaba ng motor ko at inalis ang helmet ko. Ipinatong ko ang helmet sa motor ko at nag simula ng maglakad papunta sa puntod niya.

Agad kong nilabas ang kandila at lighter na nasa bulsa ng jacket ko. Sinindihan ko na ang kandila at binalik na sa bulsa ang lighter.

"Hey there, Grandpa! I badly miss you so much. I love you, Lolo. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala eh, bakit ganon? We miss you." Sabi ko sa lapida niya. Ayoko munang mag drama dahil may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari. Nakatitig lang ako sa puntod niya ng mapag isipan kong ilabas ang cellphone ko at picturan ito. Agad naman akong nag post sa IG ko at nag caption ng Time will come and you will be free.

Maya maya lang ay biglang lumakas ang hangin at makulimlim parang uulan pa yata. Kaya agad na akong tumayo at nag paalam na sa kanya. Ayokong abutan ng ulan swear! "Goodbye, Grandpa. Next month nalang ulit kita dadalawin ha. Love you." sabi ko at tinakbo ang pinag parking-an ko ng motor ko. Mabilis lang kasi akong lamigin lalo na't pag umuulan. Madalas din akong magkaroon ng sakit kapag na-uulanan. Well, hindi ko naman kasalanan na hindi ako nakaligo noon sa ulan. Mabilis lang talaga lamigin ang katawan ko. One of my weaknesses I think. 

Papunta palang ako sa motor ko ay agad ko ng kinapa sa bulsa ko ang susi, pero napag alaman kong wala sa bulsa ko ang susi ko kaya agad kong hinanap ito. Para sabihin ko sainyo medyo malayo ang puntod ni lolo sa motor ko. 

Bumalik din ako sa puntod ni Grandpa, baka nahulog lang don or na-ilapag ko nung ako'y umupo doon kanina. Hinanap ko ito sa damuhan ngunit wala akong nakita. "Asan kana ba??" pabulong na sabi ko habang naghahanap.

Habang naghahanap ako bigla nalang may ilang patak ng tubig akong nararamdaman. Pag angat ko ng tingin, nakita kong lumalakas na ang ambon. Great! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Wrong timing, sh*t! Pa lakas ng pa lakas ang patak kung kaya't minadali ko ang pag tingin ngunit wala din dito. 

Naghanap nalang ako ng masisilungan basang basa nako. Paniguradong magkakasakit ako nito. Ang lamigg, grrr. Napayakap nalang ako sa aking sarili sa sobrang ginaw. Napapalibutan pa ng mga puno ang lugar kung saan malapit ang puntod ni lolo kung kaya't mas lalo kong naramdaman ang lakas ng hangin sapat na para mas lalo akong ginawin. 

Sinubukan kong aninagin ang susi ng aking motor malapit sa may puntod ni lolo ngunit wala talaga akong makita. Hindi kaya naiwan ko sa motor mismo? Kung bakit kasi nag park pa ako sa kabila eh. Ngunit maya maya lang ay may naramdaman akong presensya kung kaya't agad akong napalingon doon. Ang lakas din naman pala ng amats nya at nagpakita pa sakin.

"Finding this? It's nice to meet you again, hon." Napatiim ang titig ko sakanya. Muling nagbalik ang alaala na nangyari noon. 

"Give me that habang nag titimpi pa ako sayo." Hindi siya nag patinag at talagang nginisian pa niya ako. Agad naman nyang ibinato ang susi ng motor ko. Ito pala yung hindi magandang mangyayari. Ang akala ko naman wala lang ang napapansin kong nag mamatyag sa akin kanina. 

"See you soon, Kiersten Brynn." Sabi niya at kumindat pa. Napaka kuyokom nalang ako ng palad sa sobrang inis. Talaga! Seeyou soon at pag nangyari yun hindi na ako mag dadawalang isip na patayin ka. Agad din naman syang tumalikod at sumakay sa kotse nya hindi kalayuan sa pwesto niya kanina. Talagang sinundan mo pa ako dito ah. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang dalawang babaeng nakasakay sa kotse niya. 

Pamilyar ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Sabagay baka isa yun sa mga underlings niya or else sa mga babae niya. 

Nang mawala sila sa paningin ko ay agad ko nanamang naramdaman ang lamig. Palaisipan rin sa akin kung bakit at anong ginagawa nila dito. Mas lalo pang lumakas ang ulan. Sinubukan kong mag lakad pabalik sa pinarking-an ko ng motor ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay nanlambot na ang mga tuhod ko. 

Napaupo ako sa sobrang hilo at ginaw. Grabe gusto ko nalang matulog dito. Kasalanan niya to kung hindi niya sana kinuha ang susi ko edi sana nakauwi na ako agad. Nanlalabo na rin ang paningin ko at hindi rin nag tagal ay nandilim na ang paningin ko.


~~~

Sorry for the typo graphical errors and ungrammatically sentences/words. 

Long Lost Mafia GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon