CHAPTER 3
Unexpected (Part 2)
Nakasalampak parin ako sa lupa.
Tinititigan silang tatlo, gulat parin ako.
Nalaglag lang ako sa puno nakita ko na sila? Amazing.
"Hi Girl! Yuhooo!~" winawagayway ni symphony ang kamay niya sa mukha ko, na dahilan nagpakabalik ko sa ulirat.
Mabilis akong tumayo at inikutan ko silang tatlo, ininspeksyon ko kung sila nga talaga yung tatlong loka lokang kaibigan ko nung elementary.
"KAYO NGAAA!" Bigla kong niyakap ko silang tatlo.
"Celestine ano, paki luwagan naman" sita sakin ni harmony
"Girl di ako makahinga" sabat naman ni symphony
"Tine! Namiss kita! kaso hindi ako nakahinga sa yakap mo haha!"
Sagot ng kaisa isang taong tumatawag sakin ng tine... si mey short for melody hahaha!
"Sorry naman! Hahaha! Grabe namiss ko kayo!" Nakakatuwa. lagi ko rin silang kasama nung elementary kasama ko sa mga kalokohan at tulad ni lance, lagi ko rin silang kasama sa kantahan. may group pa nga kami eh. "fabfour" kilala kami nung elem sa pagiging pasaway pero kami ang palaging pinagpiperform kapag may program sa school namin.
"Ano palang ginagawa mo jan?" tanong ni harmony, sabay tingin sa puno.
"Ha?"
"oo nga tine! ba't 'andun ka sa puno?" tanong naman ni melody.
"At sino ang sinisilip mo dun" sabay turo naman ni symphony sa bintana kung saan ko sinisilip yung lalaking nagpapiano.
"ah ... eh ... hehehe isa isa lang ha. mahina ang kalaban eh."
Ayun nga nagkamustahan kami, nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay at ikinuwento ko rin sakanila ang nangyare, kung bakit ako napunta doon at kung baket ako napunta dito sa gubat.
HALA! oo nga pala! si Lance! nakalimutan ko siya!
niyaya ko ang tatlo nabumalik kung saan ako iniwan ni lance.
"CELESTINE!" tumakbo siya palapit samin.
nakita namin siyang nakatayo dun sa lugar kung saan niya ako iniwan.
"Lance sorry umalis ako, may narinig kasi akong tumutugtog ng piano." malungkot kong sabi.
"okay lang! akala ko kung anong nangyari sayo hayy~" napabuntong hininga siya.
Tinignan ko ang oras mag gagabi na pala kailangan ko nang umuwi sa mansyon.
"Guys kailangan ko ng umuwi, baka hanapin nila ako." paalam ko sakanila.
"Sige girl, labas nalang tayo bukas ha! alam mo na bonding bonding hahaha! si Lance na ang bahala sayo haha!" lukaret na sabi ni symphony.
"oo na lagi namang ako eh -___-"
kawawang lance hahaha! pinapayagan kasi ako ni dad kapag alam niyang si lance ang kasama ko, kaso hindi kami bati ngayun. haynako bahala na nga.
"Tara na celestine hahatid na kita" yaya ni lance.
"Sige. babye girls! see you tomorrow nalang!" paalam ko sa tatlo.
** Sa likod ng mansyon**
"Sige lance, dito mo nalang ako ihatid ako ng bahala" sabi ko.
"okay sige susunduin nalang kita bukas before lunch, bye" paalam niya.
BINABASA MO ANG
Unfinished Song
Romance"Music is my Painkiller... my soul remedy, my happiness and the cause of my loneliness."