Hoy, Bakla! Mahal kita!
a Byun Baekhyun fanfic
story by OneOfAKindGirl
--
"Bestpren~!" sigaw sa akin nga bestpren kong bakla na ayaw umamin na bakla pero kung kumilos naman mas babae pa sa maarteng babaeng sosyalera! oh diba ang galing?
"Kung maka-sigaw ka naman, parang nasa palengke tayo. Paalala ko lang ha, NASA SCHOOL TAYO" naman kasi kahit magsalita lang ganito ganyan parang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas. Nagpout naman siya. Baekla~ wag ka ganyan.
"Toms naman, parang di kana nasanay! Ako nga nasanay na dyan sa napakahina mong mahinang boses, TAPOS IKAW SA AKIN HINDI?!" Oo tama kayo ng pagkakabasa. Mahina masyado ang boses ko. Yung kanya naman sobrang lakas. Perfect match, diba?
"Eh sa nakakarindi yang masyado mong malakas na boses tapos high-pitch pa masyado! Bakla ka talaga, Baekla. Ewan ko anong gagawin ko sa yo!" Ang sakit naman kasi talaga sa tenga.
"Nagsalita ang hindi tomboy! Ewan ko rin kung anong gagawin ko sayo Tom." At talagang ginaya pa niya yung pagkakasabi ko. Wengya kang bakla ka! Oo, tawagan namin Bakla at Tomboy. Baekla tawag ko sa kanya, tawag nya sakin Tom. Short for tomboy. Ang sweet naming magbestfriend, diba?
"Hindi ako tomboy, sadyang di lang talaga ako masyadong mahilig sa mga pangbabaeng bagay. Yun lang yun." Pagpapaliwanag ko sa kanya for the 98318th time.
"At hindi din kasi ako bakla. Sadyang ganito lang talaga ako since birth!" Since birth na siyang dyosa. Dyosa ng mga sirena.
"Baek, kanta ka dali~ tulog muna ako. Gisingin mo nalang ako pag andyan na si mam." Sabi ko sa kanya, sabay lublob sa desk nya. Magkatabi kasi kami. May sitting arrangement kasi dito samin, girl-boy-girl. Ang kaso vaklush nga siya!
"Ayoko. Kiss muna." napatingin naman ako sa kanya. Nakapout na naman sya. Sige kiss kita~
"Bakla" tapos subsob na naman ako sa desk niya. Hinimas himas nya buhok ko tapos kumanta nang mahina pero sapat lang para marinig ko.
Lying beside you
here in the dark
Feeling your heartbeat
with mine
Softy you whisper
You're so sincere
How could our love be
So blind
So now I come to you
with open arms
Nothing to hide
Believe what I say
So here I am with open arms
Hoping you'll see