HSLT 45

52 0 0
                                    


•Narrative•

Pagkatapos kong mag-My Day ay nag-twitter muna ako saglit. Sa kalagitnaan ng pagtawa ko dahil sa mga "Selfie muna bago... " tweets, nagulat ako nang biglang naging sobrang active ang Group Chat naming Academic 11-F at 'di magkamayaw ang pagtunog ng phone ko.

Dahil sa curiousity, binuksan ko ang Messenger app ko.

...

...

KAYA PALA SILA AKTIBONG-AKTIBO!

Ini-screenshot ng isa kong kaklase ang My Day ko at sinend sa GC. Kaya ang nangyari... never ending ang naging panunukso nila sa amin ni Arrow. May nabasa pa akong nag-message na,  "Kiyarah + Arrow Winchester= KiWin for the win!!"

Mga toyo talaga!!

Hindi na ako nagbalak pa na magreply at magwala sa GC, dahil for sure, mas magi-intensify lalo ang pang-aasar sa'min kung gagawin ko iyon at baka masabihan pa ako ng 'defensive'.

Pero kahit wala akong ginawa, nagwala pa rin sila. Ang pabidang si Arrow kasi, nagmessage pa ng, "❤". Ayon sa mga kaklase ko, Simple but meaningful daw ang reply nito.

Jusq!!

Dahil hindi ko na kaya ang mga pangyayari, pinindot ko ang back para mapunta sa inbox. Nakita ko na may Message Request ako.

At syempre, kanino nga ba manggagaling 'yon?

Walang iba kundi kay Arrow Winchester Kamillo. Grrr.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon