Every summer has it's own story.
I'm Tabby. Not because I'm mataba, but I'm Tabby, the one na palaging hindi napipili dahil hindi sexy. And this summer, I'll going to make sure I'll be chosen. This summer will going to be my perfect summer story.
Tapos na ang finals kaya kaharap ko ngayon si Kiko, dating crush ko na manliligaw na ngayon ni ate Tina, pero sa akin ipina-entertain dahil kailangan niya nang umalis para sa trabaho niya. Tuwing dumadalaw siya sa amin ay palagi siyang may dalang Pizza kaya napapasubo ako palagi. Pero hindi ngayon. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
"Ayaw mo ba ng Pizza Tabby? Hindi mo kasi ginagalaw ang dala ko, nakakapanibago lang."
"Nakakahiya mang aminin, ang totoo kasi niyan ay nag da-diet ako. Kaya pinipigilan ko muna ang sarili kong kumain ng marami. Dahil kailangan kong mag bawas ng timbang para kay Toffeer dahil magkikita na kami Kiko!"
Si Toffeer ang online boyfriend ko. Mahigit one year na kaming magkakilala sa isang chat app. Hindi pa namin nakikita ang isa't isa, hanggang chat at tawagan lang kami. Hanggang sa nahulog ang loob namin sa isa't isa at niligawan niya ako at naging kami nga.
Napagdesisyunan niyang magkita na kami ngayong summer para ipakilala sa parents niya. Dahil panatag ang loob kung matatanggap niya ako ay pumayag ako. Hindi niya alam na may katabaan ako, pero ang sabi niya ay hindi siya tumitingin sa ano mang panlabas na anyo ng isang tao kaya mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Natatakot akong hindi niya ako matanggap dahil mataba ako kaya kailangan kong mabawasan ang aking timbang dahil baka biglang umayaw sa akin si Toffeer.
"Hindi mo naman kailangang magpapayat para sa kanya Tabby. Kung mahal ka niya, tatanggapin ka niya ano pa man ang itsura mo. Malaman ka lang hindi mataba."
"Oo nga pero paano kung hindi? Nakapag invest na ako ng feelings Kiko kaya gusto kong tulungan mo ako. Isama at e-register mo ako doon sa gym na pinapasukan mo. Tulungan mo akong pumayat."
Sa subrang pilit ko sa kanya ay napapayag ko rin si Kiko. Tuwing umaga at hapon ay magkasama kami sa gym. Gwapo si Kiko, mabait at palabiro. Walang duda maraming nagkakagusto sa kanya, kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi pa siya sinasagot ni ate Tina.
Sa pagdaan ng mga araw na magkasama kami nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ko kay Kiko. Naguguluhan ako dahil nagugustohan ko na si Kiko pero boyfriend ko si Toffeer at magkikita na kami ilang linggo mula ngayon.
"Tabby buti pa itigil mo na ito. Hindi mo kailangang magpapayat ng sobra para lang magustuhan ka niya. Kailangan mong tanggapin ang sarili mo para matanggap ka rin nila. 'Yun lang 'yun. Hindi naman pweding ikaw ang mag adjust dahil mataba ka, eh ano ngayon kung hindi ka niya magustuhan? Kung 'yun ang magiging dahilan para hindi kayo magkatuluyan ni Toffeer, ay gago siya at siguro ay hindi kayo para sa isa't isa. Marami pa namang iba diyan na tatanggapin ka kahit mataba ka pa."
"You don't understand me Kiko. Mahal ko si Toffeer, kaya nga nagpapapayat ako diba dahil kung sakaling ayaw niya sa mataba ay payat na ako pag nagkita kami para matanggap niya ako. Ayokong mahusgahan at mapagtawanan ulit Kiko. Iba-iba ang tao, may iba oo tanggap nila pero hindi lahat. Meron at merong huhusga sayo at kukutyain ka. At kung hindi siya, sino? Sino Kiko? Ikaw?"
"Paano kung oo? Tanggap kong mataba ka Tabby at mahal din kita! Palibhasa sayo ang manhid mo. Andito na ako sa harapan mo, hinahanap mo pa iyong nasa malayo."
Hindi kaagad ako nakapagreact sa sinabi ni Kiko. Umalis siya at iniwan ako. Paanong gusto niya ako? Ang alam ko'y manliligaw siya ni ate Tina? Hindi ko alam kung sasaya ba ako dahil pareho kami ng nararamdaman o masasaktan dahil hindi na niya nalaman na mahal ko na rin siya.
Pinuntahan ko siya sa kanila pero wala na akong Kiko na naabutan dahil sabi nang nakakita umalis na raw sila ng pamilya niya. Inamin din sa akin ni ate na hindi naman talaga siya ang pinupuntahan ni Kiko 'kundi ako. Ako ang dinadalaw ni Kiko. Ako ang dinadalhan niya palagi ng pagkain. Ako ang gusto niya. Kaya pala hindi siya nagagalit kapag umaalis kaagad si ate. Kaya pala ibinibigay ni ate sa akin ang Pizza dahil para sa akin naman talaga. Kaya pala okay lang sa kanya na ako ang kausap niya at mas masaya pa siya.
Dahil summer nga, ay inaya ako ni ate na sumama mag bakasyon sa Camiguin para mag isip-isip tungkol sa tunay kong nararamdaman. Sinabi ko kay Toffeer na hindi pa pala ako handang makipagkita sa kanya at nakipaghiwalay ako. Sinabi ko ang totoo na naguguluhan ngayon ang puso ko tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Pumayag naman siya. At sinabing tadhana na ang bahala sa pagkikita namin.
Sa apat na araw na nasa Camiguin kami ay na mi-miss ko na si Kiko at napagtanto kong mahal ko nga talaga siya.
Sinabi sa akin ni ate na maglakad-lakad daw muna ako sa dalampasigan. Sa paglalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa taong hindi ko aakalaing makikita ko ngayon.
Si Kiko.
Si Kiko na alam kong hinihintay ang pagdating ko.
Si Kiko na matagal na palang may gusto sa akin.
Si Kiko na tanggap ang katawan ko.
Si Kiko na hindi ko inaakalang si Toffeer at siya ay iisa lang pala.
Si Kiko na matagal nang nakikinig sa akin tuwing iiyak ako dahil sa mga bully.
At higit sa lahat, si Kiko ang taong matagal ko na palang mahal at minamahal.
The perfect summer had to end sometimes and summer always ends with good memories.
"Tabby.."
"Hmm?"
"Tumataba ka na ulit."
"Nakakainis ka!"
"I Love you."
I wouldn't thought that this summer is so much perfect.. my perfect summer story.
"With you is my favorite summer story. I love you too Kiko."
End.
-sharriibabess ✔