♥ lovely xlvii ♥

4K 50 2
                                    

Kaagad binuksan ni Myz ang pinto sa backseat nang makarating kami sa kinaroroonan ng kotse namin. Isinara niya na rin agad nang pumasok na sa loob ang anak namin.

"Myz," saad ko saka inabot ang kanyang braso para pigilan siya sa paglalakad. Mukhang galit pa rin talaga siya sa 'kin pero parang ang babaw na dahilan naman 'yon kung ang rason niya ay 'yong sinabi ko kanina kay Homer.

"Ano?" tanong niya sa 'kin matapos akong harapin ng nakataas ang dalawang kilay. Walang kupas ang katarayan niya mula pa noon kaya naman medyo hindi na rin ako natatakot o kinakabahan kapag gan'yan siya pero siyempre kailangan ko pa rin siyang suyuin. Gano'n naman yata talaga ang gawain naming mga lalaki, taga-suyo kahit wala namang kasalanan.

"May gagawin kaya si Joni at Hera?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit 'yon agad ang naitanong ko. Mahirap talaga kapag pinag-iisipan mo minsan 'yong sasabihin mo, e, ganito ang nangyayari. Pero ayos lang, itatanong ko rin naman talaga 'yon.

"Ha?" gulat niyang tanong. Inasahan ko na na magiging gano'n ang reaksyon niya. Akala niya siguro ay tungkol do'n sa kanina ang itatanong ko, akala ko din.

"May gagawin kasi tayo," sabi ko. Gusto ko sana sumagot ng 'hakdog!' pero sa tingin ko hindi 'to ang tamang oras para asarin ko siya kasi napakasama na ng awra niya ngayon.

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero wala akong natanggap kundi ang mga tingin niyang kulang na lang ay saksakin ka sa sobrang talim.

"I mean, gusto ko kasing mag-movie date tayo and after sana natin kumain mamaya sa mall, ipabantay muna natin si Jam sa mga friends mo." Huminto ako sa pagsasalita nang mapansin kong parang wala siyang naririnig o ina-absorb sa mga pinagsasabi ko.

"Nevermind," saad ko saka umiling. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang nag-iisang tao na alam kong makakatulong sa 'kin sa mga ganitong sitwasyon. "Hello, Carlos."

"'Sup! Mule!" bati niya mula sa kabilang linya. Mukhang perfect timing ako kasi sa tono ng boses niya ay mukhang nasa good mood siya.

"Favor lang sana pare," sabi ko. Mabilis niya naman akong tinanong kung ano 'yon. "May gagawin kasi kami ni Myz." Napatingin ako kay Myz nang banggitin ko ang pangalan niya pero tiningnan niya lang ako ng masama, inirapan saka tinalikuran. "Bro, may date kasi kami ni Myz, walang magbabantay kay Jam, pwede ka ba? Okay lang ba sa 'yo bantayan saglit 'yong anak ko?"

"Okay lang naman..." ani Carlos at 'yon ang hinihintay ko talagang sagot mula sa kanya. Sabi ko na't maaasahan talaga ang kaibigan kong 'to.

"Ayon! Nice! Nice!" masayang sabi ko. "Hindi talaga ako nagkamali ng piniling kaibigan!"

"No. Nagkakamali ka, bro." Naglaho sa isang iglap ang malalaking ngiti sa mukha ko at ang kasiyahang nararamdaman ay napalitan ng samu't saring katanungan sa 'king isip.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang 'di mapaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. "Sabi mo, okay lang 'di ba?"

"Yes, okay lang," aniya. Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.

"O, edi ok--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Okay lang kung wala akong lakad kaso mayro'n, pare." Napakamot ako sa ulo sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Kahit kailan talaga siraulo 'tong kaibigan kong 'to. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina, nagkamali talaga ako sa pagpili ng kaibigan.

"Pare naman, ba't 'di mo agad sinabi kanina?" saad ko nadidismaya sa nakuhang sagot mula sa kanya. Napatingin naman ako kay Myz na bumuntong hininga pa bago umiiling na nagtungo sa pinto ng front seat para buksan at pumasok sa loob.

"Sensya na, pare--"

"Sige na. Sige na, ingat." Tinapos ko na ang tawag. Mabilis akong naglakad at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakaupo na ako sa driver's seat at ini-start ko na ang sasakyan. Napatingin naman ako kay Myz na walang kibo at diretso lang ang tingin.

Tiningnan ko si Jam na busy sa paglalaro ng games sa cellphone ni Myz. Mukhang hindi ko siya maabala kahit saglit dahil sobrang nakatuon lang doon ang atensyon niya pero maririnig niya naman panigurado ang sasabihin ko.

Muli kong tiningnan si Myz. Gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Nanatili naman akong kalmado at ipinaparamdam ko sa kanya na okay lang ang lahat, na hindi niya kailangang magalit. Lumapit ako sa kanya para sana isukbit ang seatbelt niya. Medyo nag-aalangan pa ako habang kinukuha ang seatbelt.

"A-ah, ikakabit ko lang seatbelt mo," sabi ko na medyo nakaramdam ng takot dahil nanlisik ang mga mata niya. Grabe, mas nakakatakot pala siya kapag tahimik lang kaysa kapag nagbubunganga siya.

Hinayaan niya lang ako na ikabit ang seatbelt niya. Diretso lang ang tingin niya at nang makita ko ang labi niya ay tila naakit ako nito. Idagdag pa ang amoy ng kanyang damit na talaga namang nagpapasidhi sa 'king pagkasabik. Napalunok na lang ako at nagtimpi sa tangkang paghalik sa kanya. Muli niyang ibinaling sa 'kin ang mga nanlilisik niyang mata dahilan para mapaiktad ako at mapabalik sa pwesto ko dati. Hays, bakit ba kailangan niya pa akong takutin ng gano'n? Damn.

Sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan at habang tumatagal ay unti-unti ring bumibilis. Muli kong sinulyapan si Myz medyo naglalaho naman na ang inis sa mukha niya. Si Jam naman ay bukod sa sound effects ng nilalaro niya wala akong ibang naririnig sa kanya kundi ang "Yes!" at "Yehey!" sa t'wing mananalo siya.

Pineke ko ang pag-ubo para kuhanin ang atensyon nilang dalawa. Hindi naman ako nabigo at mukhang nakuha ang kanilang interes. Ilang saglit pa ay nagsalita na ako.

"Pupunta tayo sa mall ngayon," saad ko at saglit na nilingon si Jam sa likod para ngitian. "Kakain tayo!" masayang sabi ko bago bawiin ang tingin. Nahagip naman nito ang mukha ni Myz na hindi na naman maipinta.

"Yehey!" sabi ni Jam na sobra ang saya. "Daddy, p'wede rin ako maglaro sa mall mamaya?" nasasabik niyang tanong sa 'kin.

"S'yempre naman!" masayang sagot ko para naman hindi masira ang kaligayahan niya. Maraming 'yehey' pa siyang sinabi bago ibinalik muli ang atensiyon sa paglalaro sa cellphone ni Myz.

"Jam, tama na 'yan baka ma-lowbat ang cellphone ko," ani Myz. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung paano niya kinuha sa anak namin ang cellphone niya sa halip ay nag-focus na lang ako sa pagmamaneho.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon