Sariwang ihip ng hangin ang sumalubong sa akin pagdating ko sa aking kinagisnang Probinsya totoo ngang nagbago na ito ng sobra, nakakapanibago at kung tutuusin ay masasabing isa nalang rin akong dayo halos limang taon narin kase ang lumipas ng huli kong nakita ang bayan na ito. Malayo layo pa ang binabaan ko mula sa bahay ngunit hindi na ako nagabala pang sumakay sa tricycle gusto kong libutin ang kabuuang pagbabago dito. Hindi ko maiwasang mamangha sapagkat ang dating maliit na palaruan na nakatirik sa gitna ng brgy.hall ay mayroon ng daycare center, mas lumaki na rin ang palaruan na noon ay kinatitirikan lamang ng dalawang bakal na duyan at tatlong maliliit na siso, maraming maliliit na bata ang naglalaro doon ako'y biglang napangiti ganyan rin kami noon marami naring nadagdag na kabahayan at mga tindahan sa paligid sementado nadin ang dating maputik na daan, tila hindi na ito nalalayo sa maynila dahil marami na din ang mga nagtatayugang bahay. Mas domoble narin ang dami ng tao para akong isang bata na napapanganga nalang sa pagkamangha, aaminin kong hindi ko na halos makilala ang paligid paano pa kaya ang mga tao rito? Nagbago rin kaya sila kasabay ng lugar na ito?
"haha panis ano? Kaya mo yon?"
"ano ba osep tayo tayo nalang naglalaro nagkakadugaan pa tayo, lintek"
Agad akong napalingon sa pinanggagalingan na ingay, sa isang mini court kung saan ay may anim na kalalakihan ang naglalaro ng basketball pero teka? Bat parang boses babae ang narinig ko. Tyaka si osep?
"hoy anong na nagduduga, muka mo ang sabihin nyo natatalo lang kayo kaya nagiimbento ka na"
"ano! Anong natatalo, panong di matatalo maduga kayo ang dumi nyo maglaro sing dumi nyo di kase kayo naliligo"
Napukaw nila ang aking atensyon bahagya akong lumapit, hindi ko mawari kung babae ba itong nakatalikod na ngayon ay nakikipag sagutan sa lalaking nakahubad. Agad akong napangiti si osep nga itong lalaking to medyo nagmature ang itsura nya ngunit mayabang parin ang kanya porma at mukang takaw gulo padin kahit ilang taon na ang lumipas hindi padin sya mahirap kilalanin paano ba naman ay nakatatak na sa akin ang porma nyang jejemon noong bata palang kami at hanggang ngayo'y dala na nya parin ito. samantala di ko naman napansin agad na babae pala ang nakatalikod naka cup kase sya kaya tago ang kanyang buhok naka malaking jersey t-shirt,shorts at rubbershoes pa. akala ko lalaki napailing nalang ako mukang di naman argabyado yung babae kay osep kaya na nya yon saka ko na sila iintindihin kapag nakita ko na si lela ang munti kong kababata, hay ang lampa na yon miss na miss ko na sya iyakin parin kaya sya? Nasasabik na akong makita sya, matutupad ko na din ang ipinangako ko noon, akma na sana akong lalakad paalis ngunit bigla nalang akong napatigil
"aba mukang nagkakapersonalan na tayo lela ahh,niloloko lang kita haha ano suntukan nalang oh lalabanan kita kahit babae ka" Hindi ko maikilos ang mga paa ko, tila nagdadahan dahan pa ang paglingon ko sa babaeng nakatalikod l-lela? S-si lela nga ba talaga to? Hindi bako nabingi, namali lang ako ng pandinig hindi ba? Tila para akong bubuwal may namumuong mga mumunting katanungan sa aking isip totoo ba ito?
"halika oh ano panget ka! Tara hahaha"
"habulin moko jhuela marie a.k.a lela hahaha"
"anong sabe mo? Halika nga ritong adik ka"
Hindi ko napigilan ang aking sarili at tila kusang nalaglag ang aking mga panga hindi nga ako nagkakamali si... si lela nga, Nakatitig lamang ako sa kanya sa kabuuan ng aking kababata morena, matangkad,maganda may mahabang pulang buhok pala sya na nakakubli sa balanggot at muka syang tomboy sa kanyang pananamit. Sya na nga ba ang iyaking kababata ko? Yung pinangakuan ko na babalikan anong nangyari? Tsk mukang sa lagay nyang yan hindi na sya intiresado kung bumalik man ako. Ako'y humakbang na paalis tangan ang sukbitan ng aking bag meron naring kilometro ang layo ko ng may makasalubong akong lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan kung hindi ako nagkakamali sya si...
"teka kiko? Wow brad ang gwapo naten ah, manila boy na manila boy ka ah kamusta? Hindi mo naba matandaan? Si chukoy to brad"
"c-chukoy? Ahh o-oo tama tama, kamusta?" Sabi na nga ba ehh isa pa to sa pasakit sa buhay naming ni lela noon eh magkatropa sila ni osep literal na hari ng kalsada sa sobrang laki ay wala kang palag, pero mabuti naman ay pumayat na itong sangganong ito hindi na sya nakakatakot na mataba noon, at muka namang matino na at naiwan na ang masamang ugali noong kami ay bata pa nakahinga ako ng maluwag
"ayos naman ako brad si osep nakita mo na? tara sa court nandon sila papunta ako don"
"ah nako hindi na uuwi na muna ako---"
"ano kaba naman brad halika na, ngayon na nga lang tayo nagkita tatanggi kapa" Hindi na ako nakahindi kay chuckoy sa laki ng katawan nya ay agad akong nahatak. Patay ako neto hindi ko na ata kayang harapin si lela lord help
"mga brad tingnan nyo kung sino ang nakita ko" Pasigaw na sabi ni chuckoy si lela at osep na nagsusuntukan sa gitna ay agad na napahinto, napapikit na nalamang ako sa kahihiyan.
"sino ba yang.. teka kiko?" isang mahigpit na yakap ang nakuha ko mula sa pawisang si osep lahat sila ay lumapit sa akin, mga batang kalaro naming noon na nagsitandaan narin ngayon hindi ko na napansin ang sari saring tanong nila hindi ko na rin inalintana ang kanilang pagkakagulo ng makita nila ako sapagkat nakatuon lamang ang aking tingin kay lela ,walang ekspresyon ang kanyang muka hindi ko mabasa kung sabik ba syang makita ko. kung nasaan sila kanina ni osep ay nanatili lamang sya roon at nakapamulsa nginitian ko sya at akmang lalapit gusto ko syang yakapin ng pagkahigpit pero ismid lamang ang kanyang isinukli pinulot nya ang bola at tumalikod na paalis
"hoyy lela san ka pupunta? Hindi mo man lang ba kakausapin si kiko?" "uuwe na, sino ba sya?" Tila nanlamig ako sa sagot nya ang ngiti na nakatatak sa aking labi kanina ay unti unting nabura,kasabay ng pagbabago ng paligid ng kinagisnan kong lugar ay sabay ring nagbago ang mga taong kasama ko noon lalo na si lela, ang iyakin, malambing at lampang si lela wala na sya. Hindi na sya ang babaeng pinangakuan ko; kasabay ng kanyang pag-alis ay syang pagpundo ng kalangitan
"mukang kaylangan ko ng umuwi"