.........
"ikaw ba bata ka e walang balak na lumabas man lang at mamasyal? Aba'y maglilimang araw kana rito panay pagkukulong ka lang sa kwarto? Hindi mo man lang bisitahin ang mga kababata mo" hindi ko malaman kung sasagot ba ako kay manang eva o ngingitian ko nalang sya, totoo ngang limang araw na akong narito pero wala akong ganang lumabas ang mga plano ko sanang inihanda na gagawin ko sa aking pagbabalik ay bigla nalang nabalewala, ang mga plano ko para kay lela hayyyy
"nako tutal naman eh wala kang ginagawa sumama ka sa akin sa palengke, mamimili tayo uuwi na nga pala ang lola mo bukas wala nag laman ang ref." sinimot ko muna ang natitira kong kape bago tumango kay manang " bihis lang po ako" agad akong umakyat sa kwarto upang magbihis sinuot ko ang aking kulay abong jacket at nagpantalon na rin nagmamadali ako sa pagbaba upang di mainip si manang at kami ay umalis na
"dito ka na lang kiko, matao sa loob may amoy rin tyak na maninibago ka hintayin mo nalang ako" tinanguan ko nalang si manang hindi naman sa pagiinarte pero mas pinili ko nalang dito sa labas sa kadahilanang nakita ko sa di kalayuan sila osep at chukoy may mga bitbit silang bayong mukang namili din. Huminga ako ng malalim muka namang handa na akong harapin sila hindi gaanong maganda ang huli naming pagkikita dahil sa biglaang pagbabago ng aking sistema noon kaya...
"oy kiko" masiglang tawag sa akin ni osep agad silang lumapit sa akin, sinuklian ko sila ng ngiti "ang akala naming ay bumalik ka na sa maynila ngayon ka lang uli naming nakita" saad naman ni chukoy sabay akbay sa akin "alam mo bang binugbog kami ni lela ng akala nya umuwi ka na sa maynila hindi ka man lang raw nya na—" hindi na naituloy ni osep ang sinasabe ng sikuhin sya ni chukoy nakangiwi sya habang iniinda ito, kinunotan ko sila ng noo ngumiti lamang ang mga loko. "nga pala mamayang hapon magmaliligo kami sa ilog, yung nililiguan naten date doon sa gulod sa malapit sa puno ng balete sumama ka ha!" aya sa akin ni osep habang hinihimas padin ang tagiliran " tayong tatlo lang" tanong ko "syempre hindi, kasama natin si lela sa totoo nga nyan sya ang umaya sa amin eh tutal andito ka pa saka para masaya sumama kana, wag kang magalala kami lahat sa pagkain eto ohh" sandali akong nagisip napatitig sa bayong na hawak ni chukoy tyak na malamig nanaman ang magiging pakikitungo sa akin non pero... baka maganda rin itong pagkakataon para makahingi ng tawad sa kanya at "oh ano sama ka?" kasabay ng aking pagtango ay syang pagdating ni lela bigla nalang bumagal ang mga galaw sa paligid at ang mahaba at pula nyang buhok ay tinatangay ng hangin, nakangiti ito at nakapamulsa nakasuot sya ng jagger pants at sandong kulay asul at sa kauna unahang pagkakataon nakita kong muli ang matamis na ngiti nyang iyon sa loob ng matagal na panahon. muli kong nakita ang kababata kong si lela "aba mukang masaya ka ah" bati ni osep inismiran lamang sya ni lela nadako ang tingin nya sa akin hindi nga nya ako tinarayan hindi naman nya ako pinansin inagaw nya ang bayong na hawak ni chukoy at akma ng aalis ngunit
"jhuela" agad akong napahawak sa tampalasan kong bibig, otomatikong sinambit nito ang pangalan nya, bakas ang irita sa pagharap nya dahil ayaw nyang tinatawag sya sa tunay nyang ngalan. "ano?" walang ganang tugon nya napatitig ako sa bayong na hawak nya pansin kase ang mahigpit na pagkakahawak nya rito na tila pinanggigilan "b-bayabas gusto mo?" narinig ko ang mahinang hagikgik ng dalawa sa likod ko maski ako ay natawa sa sinabe ko, sa halip na kamusta ay kung anong kalokohan ang nasabi ko "ayoko ng bayabas" sagot nya at muli ng naglakad paalis napakamot na lamang ako sa aking batok, patuloy sa pagtawa ang dalawa sa likod "ayaw na ni lela ng bayabas, kinamuhian nya yon simula ng umalis ka at di na bumali—" ngayon ay si chikoy naman ang naghihilot ng tagiliran dahil sa pagsiko ni osep "ha?" nagtatakang tanong ko ayaw na nya sa paborito naming pagkain simula ng umalis ako? "wala osya una na kame, puntahan ka nalang naming sa inyo mamaya ah" tumango nalang ako at binalewala ang pag-alis nila. Hangang sa pagdating naming ni manang eva sa bahay ay walang iba laman ang isip ko kundi ang sinabe ni chukoy....