Accidentally Found The Right One: PROLOGUE

49 6 2
                                    

P R O L O G U E

“ Honey, saan tayo magkikita?” – sabi ko sa aking girlfriend sa phone, 2nd year anniversary pala namin ngayon, kay ngapeprepare ako sa aming gagawin sa espesyal na araw na ito. Nasa isang flower shop nga pala ako ngayon, pumipili ng mga bulaklak para sa kanya.

Ako nga pala si Carl Griffin Bandana, 20 years old at isang incoming Senior College student ng isa sa mga pinaka prestigious na kolehiyo sa bansa. Di naman kami masyadong mayaman pero ang trabaho ng aking papa bilang supervisor ng isang planta ng mga dairy products at ang trabaho ng aking mama bilang isang nurse sa isang malaking hospital ang naging dahilan kung bakit sa isang prestigious school ako naka enrol.

“Sir, ito na po ang iyong white roses worth 300 pesos, kukunin niyo po ba?” – tanong ng tinder ng flower shop sa akin.

“Opo, kukunin ko po ito, ito po ang bayad” – sagot ko sa kanya sabay kuha ng pera sa aking bulsa. Kinuha ko na ito at umalis na papunta sa lugar na pagkikitaan ng aking mahal na girlfriend, sa Luneta.

Sumakay na ako sa aking sasakyan na regalo ng aking tita sa Australia nang malaman niya na nakapasa ako sa Entrance Exam sa school na aking pinapasukan ngayon. 20 minutes after at dumating na ako sa Luneta.

Dali-dali akong naglagay ng perfume sa aking striped red-and-white na polo at inayos ang aking sarili bago bumaba ng kotse. Pagkatapos ay lumakad na ako papunta sa lugar na pagkikitaan namin. Sa wakas, nakita ko na siya, pero bakit may kasama na lalaki na nakatalikod na naka alakbay sa kanya na tila para ring mag shota. Kaya tumago lang muna ako sa puno na malapit sa kanya. Baka naman kapatid niya iyon, o pinsan, o kung anuman na parte ng kanyang pamilya.

“Hoy, mag-ayos ka, kung dadating na dito yung “boyfriend” ko, sabihin mong magpinsan lang tayo ha?” – si Fritzie, siya nga pala ang girlfriend ko na kausap ang isang lalaki, di ko mamukhaan, nakatalikod kasi sila.

“Ha? Pero baka mamukhaan niya ako” – sabi naman yung lalaki, bakit naman? Kilala ko ba siya?

“Basta, matagal na yon, ikaw naman ang totoo kong pinili, pero pineperahan ko lang naman siya” – siya naman, but in a sarcastic tone.

“Pineperahan ko lang naman siya, Pineperahan ko lang naman siya” – Totoo ba yun? Di ako makapaniwala sa sinabi niya, hihintayin ko lang na Makita ang mukha ng lalaking mas minahal niya kaysa sa akin, sasapakin ko talaga siya. Nagagalit na rin ako kay Fritzie, all these years, kaya pala lagi siyang nagrerequest sa akin, ay dahil ganun pala. Dali-dali kong kinumo ang mga bulaklak na dala ko para sa kanya. G*** siyang klase na babae.

“Sige, I Love You, Babe” – yung lalaki, unti-unti na siyang nakaharap, at

...

...

...

Hindi nga ako nagkakamali, si Stephen Jay Tiu nga iyon, ang lalaki na kaagaw ko noon sa pagmamahal kay Fritzie, ang lalaki na halos pumatay sa akin sa aking paglalaban sa aking pagmamahal kay Fritzie. At naghalikan nga sila kaya pumunta na ako doon at ginawa ko ang dapat na gawin sa lalaking nang agaw sa babaeng minahal ko nang husto.

“Happy anniversary, Honey” – sabi ko kay Fritzie but in a sarcastic tone.

“Honey, nandidito ka na pala” – takot na takot na sagot sa akin ni Fritzie. Halatang gulat na gulat siya.

“Carl Griffin, alam mo na pala. Diba sabi ko sa’yo noon na tingnan na lang natin sa huli, pa’no di mo kasi siya inalagaan kaya mawawala na siya sa iyo, hahahahaha” – sabat ni Stephen sa akin at binalik sa akin ang nakaraan.

Napikon na talaga ako sa mga sinabi niya kaya sinapak ko na lang siya ng sinapak hanggang sa mabugbog siya ng maayos.

"Honey, tama na yan, I can explain" - si Fritzie na natutulala sa harapan namin.

Ngunit hindi ko siya initindi. Ganito pala ang pakiramdam kung ang pinakamamahal mo ay nang cheat sa iyo, Napakasakit, Grabe. Ngunit tinuon ko na lang ng pansin ang pambubugbog kay Stephen na nakakuha pa ring tumawa kahit punong-puno na siya ng dugo sa mukha at dinumugan na kami ng mga tao dahil dito ko lang maibabaling ang pait na nararamdaman ko.

"Kahit bugbugin mo pa ako, di mo na mababalik ang nakaraan, talo ka na, Grif. Di mo kasi sinunod ang sabi ko sa iyo" - si Stephen na nagsasalita kahit duguan na. Dito tumulo ang mga luha ko na parang namatayan.

Oo, namatayan ako, ngunit di kapamilya, kundi kabiyak sa puso...

Binitawan ko na lang siya at nakita muli ang realidad, na hindi na babalik sa akin ang Fritzie ko.

"Babe, okay ka lang? gusto mo ba na maihospital?" - Fritzie na nakasalita kay Stephen.

"Ayos lang ako, Babe, wag ka nang mag-alala" - si Stephen na hinihimas pa ang buhok ni Fritzie at nakaharap na sa akin.

"Pano ba yan, panalo na ako" - Stephen na tatayo na sana para suntukin pa ako pero hinarangan na ni Fritzie.

"Sorry Griffin pero si Stephen talaga ang mahal ko, kaya umalis ka na dito, baka ito na ang huli nating pag-uusap" - si Fritzie na nakayuko sa akin, akmang iiyak na.

"Magsama kayong dalawa, mga G***" - pagalit kong sabi sa kanila at tinapon ang bulaklak na ibibigay ko sana kay Fritzie at tuluyan nang umalis.

Sumakay muli ako sa aking sasakyan na gusto kong pumunta sa lugar na malayo dito. Ikalawang taon na sana namin ni Fritzie ngayon pero bakit ganun, pinangarap ko pang sana makasama siya na pang habangbuhay pero mukhang malabo na iyong mangyari.

Pinagsusuntok ko lang ang mga manobela ko nang may mapansin akong babae na umiiyak na patakbo na sana.  Pumunta siya sa gitna ng kalsada nang makita ko na may truck na palapit sa kanya.

"Jusko, magpapakamatay ba ang babaeng ito?" - Sabi ko sa aking sarili at naisipan kong umabas sa sasakyan para protektahan ang babaeng iton mula sa truck na palapit sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa maabutan ko siya at niyakap ng mahigpit, para hindi sagasaan ng truck.

Accidentally Found The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon