Habang naglalakad kami ay nakahawak sa 'kin si Jam na talaga namang sobra ang pagka-excite dahil sa t'wing titingnan ko siya ay nginingitian niya 'ko kabaligtaran kay Mule na nasa likod namin at sa tuwing titingnan ko ay diretso lang ang tingin, seryoso, tahimik, marahang naglalakad at nakapamulsa ang parehong kamay.
Nang marating namin ang sinabing room ni Hera ay kaagad kong kinatok ang pinto at wala pang ilang segundo ang lumipas ay kaagad rin iyong nagbukas.
Bumungad sa 'min ang masayahing mukha ni Hera. As usual nakangiti siya at high-pitched voice na bumati sa 'min with matching hug and beso-beso.
"Hala! Hindi niyo sinabi na darating pala kayo, 'di tuloy ako nakapag-prepare!" birong sambit niya habang tinitingnan ang suot na damit, hinahaplos-haplos, sinusuri ang katawan mula ulo hanggang paa kung may mali ba sa suot niya.
"What do you mean, hindi nakapag-prepare?" tanong ni Mule kay Hera. Tiningnan naman siya ni Hera at tinawanan lang. Tumingin sa 'kin si Mule, taas-kilay at nagkibit-balikat na parang sinasabi niyang may kakaiba kay Hera. Napansin niya rin pala.
"Wow! As in wow lang talaga," sabi ko na tinitingnan siya. Paikot-ikot pa siya at talagang proud na proud sa suot niya.
"Ano ka ba? Ako lang 'to!" sabi pa niya saka tumawa nang tumawa. "Halika pasok kayo! Ay! Nandito pala si Jam! Ang cute-cute mo talaga, manang-mana ka sa 'kin!" ani Hera na pinanggigilan pa ang anak ko.
Pinagmasdan ko ang silid niya na may kalakihan. Binabalot ito ng amoy ng lemon at orange. Amoy mamahalin. Amoy bago. Amoy sosyal. Medyo gininaw din ako sa lamig ng aircon. Mayro'n siyang queen-sized bed na malapit sa bintana. Mayro'ng flat screen TV sa katapat na dingding, katapat ng kama. Sa gilid ng bed ay may malaking salamin at sa ilalim no'n ay may maliit na cabinet at sa tabi no'n ay may malaking wardrobe. Katapat naman ng cabinet ang refrigerator katabi ng isang maliit na table na pangdalawahan lang at iyon ay malapit sa bathroom.
"What can you say?" tanong ni Hera. Naglakad ako at naupo sa kama niya. Inakay niya naman si Jam papunta do'n sa harap ng salamin para ayusan ito.
"Maganda," tanging nasabi ko. Tinabihan naman ako ni Mule sa kama at tinitigan ako sa mata. Hindi ko naman mapaliwanag kung anong ibig sabihin ng mga titig niyang iyon. Lumapit siya sa 'kin kaya bahagyang yumugyog ang malambot na cushion ng bed. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha palapit sa 'kin, I get it now. He wants to kiss me. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya nang biglang...
"Aah!" malakas at matinis na tili ni Hera. Nagulat ako, sobrang nagulat kaming dalawa ni Mule. "Perfect! Ang ganda mo na!" Nagtinginan kami ni Mule at maya-maya pa ay tumatawa na kami. Napakamot na lang siya sa ulo at napailing.
"Hera!" saad ko at sinamaan ng tingin ang kaibigan. "Muntik na 'kong atakihin sa puso sa lakas ng boses mo!"
"Weh? Sa puso? Ang sabihin mo, muntik ka na atakihin ni Mule sa nguso, oops!" ani Hera saka humagikgik. "Sorry, kita ko kayo sa salamin," aniya at nag-peace sign pa.
Narinig ko ang pigil na tawa ni Mule pero kahit anong gawin niya ay hindi niya na mapigilan kaya naman sa kanya ko itinapon ang masamang tingin ko na kanina ay na kay Hera.
Bigla siyang huminto nang magtama ang mga mata namin. Kagat-kagat niya ang labi niya at namimilog ang mga mata. Nagulat ko yata siya.
"Ninang Hera, pretty na ba ako?" rinig kong sabi ni Jam kay Hera at nagkwentuhan pa silang dalawa habang pinagpapatuloy ni Hera ang pagpapaganda sa anak ko.
"What's funny?" tanong ko kay Mule. 'Di ko na pinansin 'yong dalawa na nagdadaldalan doon. Naiinis ako dito sa lalaking katabi ko. Anong nakakatawa do'n? Bakit natatawa siya? Natatawa siya dahil umasa ako? Natatawa siya dahil nag-expect ako? Ang sakit kaya no'n, 'yung paasahin ka. Well, dapat 'di na lang din ako umasa. Kiss lang naman 'yon, p'wede ko naman siya i-kiss nang i-kiss kahit kailan ko gusto pero nakakainis pa rin, ang ganda na no'ng moment, e. Isang millimeter na lang, boom! Ayun na! Tapos... nevermind.
"W-Wala," ani Mule na nautal pa sa pagsagot. Umiling siya at pagkatapos magsalita ay muling kinagat ang labi para hindi matawa. Obvious naman na natatawa pa rin at nakakainis 'yon for me kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aww!" sabi niya na nagulat at nasaktan sa ginawa ko. Ako naman ang natatawa ngayon dahil abot ang hilot niya sa tagiliran niya tapos 'yong labi niya panay ang ihip na akala mo may hinihipang mainit na pagkain. "Ang sakit naman no'n! Gan'yan ka 'no? Gustong-gusto mo nasasaktan ako!"
"Aah!" sigaw niya ulit nang kurutin ko siya ulit sa kabilang tagiliran. Sinamaan niya ako nang tingin which is hindi ko nagustuhan kasi parang pinagbabantaan niya ako na kapag inulit ko pa 'yon ay may gagawin siyang hindi ko magugustuhan, maybe gaganti siya or what.
"Pinantay ko lang, para balance 'di ba?" sabi ko saka tumawa. Unfair naman kasi kung 'yong isa lang ang kukurutin ko, dapat pati 'yong isa din para masaya. "Oh, bakit gan'yan ka makatingin?" tanong ko sa kanya. Mas sumama pa kasi sa kanina 'yong tingin niya sa 'kin.
Kinabahan ako sa hitsura niya at nagulat ako nang bigla niya akong dinamba. Hinuli niya ako at inimpit sa loob ng kanyang mga bisig. Hindi ako makawala sa higpit ng yakap niya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla niya na lang akong niyakap pero nakaramdam ako ng kilig. Nag-init ang mga pisngi ko at parang may nagkikislutang kung ano sa loob ng sikmura ko.
"I love you," ani Mule sa mahinang boses, sapat lamang para marinig ko. Pinakalma ng malamig at mababa niyang boses ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Sorry sa kanina," sabi pa niya. Nakayakap pa rin siya sa 'kin at hindi bumibitiw. Ang kaninang malamig na temperaturang bumabalot sa katawan ko ay unti-unting napapalitan ng init.
"I just don't want any guy touch you, especially him," saad niya na ang tinutukoy ay walang iba kundi si Homer. Nakapatong kanyang baba sa balikat ko habang sinasabi niya 'yon kaya naman rinig na rinig ko talaga bawat salitang sinasabi niya.
Dahan-dahang lumuluwag ang pagkakayakap sa 'kin ni Mule. Unti-unti na rin akong nakakahinga nang maayos pero pa ako tuluyang makawala sa yakap niya ay nakaramdam ako ng parang malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa 'kin dahilan para bumagsak ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...