~~~°*°~~~
It is always a Beginning, an Ending is always once.
~~~°*°~~~[A part from the past]
"Kuya guard, nandiyan po ba si Fatima?" Tumango lang sa akin si Kuya guard tska ako nito pinagbuksan ng gate. "Salamat po Kuya."
Sa sobrang excitement na nararamdaman ko halos takbuhin ko na ung distansiya ng gate tska pintuan ng mansion nila Fatima.
"Ano ba!" Nagulat ako ng biglang sumalubong yung mukha ng kapatid ni Fatima tapos iritadong iritado pa siya ng makita ako at halos mabangga ko na siya.
"Sorry." Napapayukong wika ko.
"Whatever." Inirapan niya ako at hinawi ang mahaba niyang buhok tska siya nagpatuloy ng paglalakad.
Tumuloy naman agad ako papasok at nasalubong ko ang grand piano nila sa kung saan nakaupo doon ang daddy ni Fatima na mukhang natigil sa pagtugtog ng mapansin ang pagpasok.
"Kumusta iha?" Bungad niya ng may matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Maayos naman po Tito." Sambit ko at ngumiti din sa kanya. "Pupuntahan ko lang po sana si Fatima."
"Go ahead iha." He figured his hand up stairs.
Mabilis naman ako tumakbo paakyat at pumasok sa kwarto ni Fatima. Naabutan ko pa siyang nasa salamin at mukhang kakagising lang.
Nagtaka pa ito ng makita ang repleksiyon ko sa kanyang salamin at kumusot pa siya ng mga mata niya.
Imbes na batiin ko siya itinaas ko na lamang ang sobre at winagayway ito sa ere. Nagtititili naman itong tumakbo papunta sa akin at sabay pa kaming napatalon talon.
"Ano resulta?" Tanong pa niya.
"Di ko pa alam." Nakangiti kong wika na siya namang ikinasimangot niya.
"Ano!?" Natigil na siya sa kakatalon. "Akala ko ba binuksan mo na... kala ko okay na... ngiting ngiti ka pa diyan ahhh."
"Gusto ko ikaw magbukas." Wika ko.
Hinablot niya naman sa akin iyon. Kinakabahan ako sa result kaya pumikit ako. Hihintayin ko nalang sa reaksyon ni Fatima ang resulta.
Iyon lang naman kasi yung entrance exam ng school na pinapasukan din ni Fatima. It's a big No for Dad ang pagpasok ko sa normal school. Ewan ko kung bakit. It just happened na namumuhay ako sa apat na sulok ng kwarto ko at maghomestudy habambuhay. Kaya si Fatima lang ang naging kaibigan ko simula noong 12 ako.
Napadilat na ako ng mga mata ko ng mapansin kong mukhang di na umiimik si Fatima. Paglingon ko sa kanya nanlalaki ang mata niyang nakatitig sa papel na hawak niya.
"What!!?" Nagulat na lamang ako ng pasigaw niya iyon naisambit.
"Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Unti unti siyang lumingon sa akin na may nanlalaking mata.
"Nakapasok ka." Sambit niya pero di ko makapa yung saya sa sinabi niya kundi parang dismayado pa siya. "Nakapasok ka sa rank."
"Huh?" Kinuha ko sa kanya ang papel at nakalagay doon ang average ng exam ko pati na din ang rank ko. "1st? May rank ba talaga?"
"It means fully covered ka ng school. You don't have to pay any amount for you tuition." Sambit niya. Nadidismaya itong naupo sa kanyang kama. "It means hindi na ako covered ng school." Tska lang ako napalingon sa kanya. "You see, Meron kasing kinukuha ang school na dalawang highest na student and they cover all expenses. And I'm the second before... since you've got the first spot it only means na natanggal ako."
"Ahh ganun ba? Gusto mo hanap nalang ako ng ibang school na papasukan--" She cut me off.
"No, it's okay." Sambit niya.
Sa totoo lang nag aalala ako sa kanya. I insisted to take another examination for other schools pero hindi niya ako pinayagan. Kesyo iyon naman daw talaga ang agenda ng pagkuha ko ng exam... para makasama ko siya.I know kayang kaya naman ng Daddy niya na bayaran ang tuition niya pero masgusto niyang nasa rank para mapasaya niya ang daddy niya. She've got this attitude na lahat ng ginagawa niya ay para sa Daddy niya. She want him to ve proud of her. She always compete with her sister, Bianca Gomez. May mga oras kasi na pakiramdam ni Fatima sampid lamang daw siya sa pamilya ng Daddy niya dahil sa anak lang daw siya sa labas. That's why ginagawa niya lahat para daw angat siya sa half-sister niya.
I stayed there for the next five hours bago kami inistorbo ng isa sa mga katulong nila. We were watching movies ng kumatok ito at nagsabing nasa baba na daw yung sundo ko.
Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko ulit yung kapatid ni Fatima. Inirapan ulit ako ni Biaca ng magkalapit kami. I just divert my attention at Nanang Ising who's waiting for me at the door.
"Ikaw bata ka... naglihim ka nanaman sa Papa mo." Wika nito ng papasok kami ng kotse. "May intrans eksam ka daw na kinuha doon sa eskuwelahan ng kaibigan mo. Tapos nasa highly rock ka daw doon.""Nanang, entrance exam po... highest rank." Nakangiti ko sa kanya wika.
"Ikaw talaga bata ka... alam mo naman na di ka papayagan ng Papa mo na lumabas labas ng bahay. Tska ito na yung ikatlo mong pagpasaway sa kanya na gusto mo pumasok pasok sa mga skwela skwela na yan. Imbes di ka napapagod ng mapirmi ka lang sa bahay... kaya may fi-na-fire ang papa mo na praybeyt guro para doon ka lang sa bahay." Mahaba niyang wika... Nginitian ko lang siya sa sinabi niyang Fi-na-fire and it should be Hire. "O baka naman nagsasawa kana sa akin. Araw araw mo nalang kasi ako kasama baka ayaw mo na sa akin."
Natawa nalang ako sa pagtampo tampo ni Nanang.
"Nanang di ko yon magagawa. Ikaw pa ba." Sambit ko sabay akap sa kanya.
Si nanang ay yaya pa noon ng Daddy. siya din ang nagpalaki sa akin. She was my mother for the last five years. Thats why I love her so much. May pamilya siyang naiwan sa probinsya niya sa Bicol at may isa siyang anak na maypamilya na din at magsasaka sa Bicol meron din siyang Babaeng Apo na kasing edad ko lang daw.
"Ikaw ahhh... Kausapin mo ng madalas ang Papa mo... halos di na nga kayo nagkikita tapos ito pa malalaman niya... kumuha kuha ka ng exam." Sambit ni Nanang. Ngumiti lang ako bilang tugon.
Alam ko naman na kahit anong tago ko sa kanya malalaman at malalaman niya din ito. He's a shareholder in that school. At least yung pinasukan ko ay somehow connected pa sa kanya... pwede niya pa akong pabantayan doon.
"Dumiretso ka sa opis ng Papa mo ahh." Sambit ni Nanang ng makapasok na ng bahay.
Tumango ako sa kanya at tinahak ang papuntang office. Bubuksan ko palang ang pinto ng gumuwa iyon ng tunog na siyang nagpatigil kay Daddy sa pipirma ng kung ano. Inayos nito ang salamin tska tumayo. Lumapit naman ako't humalik sa pisngi at napayuko ng ulong napatayo sa kanyang harapan.
"I bought you some things and your uniform." Sambit niyang ikinataka ko.
Napalingon ako sa harapan ko at nakita ko sa likod ni Daddy ay nakasabit ang sampung piraso ng uniporme at sandamakmak na gamit pang eskuwela.
"I think I should let you decide on your own. But only few of your decisions i'll accept. I'm still the boss here." Nakangiti niyang wika sa akin.
Di ko napigilang mapa yakap sa kanya.
"Thank you Daddy I won't let you down." I felt a familiar feeling inside of me that I'm seeking for the last five years. More than that feeling na nandyan yung presence ng Daddy... physically and mentally.
"But..." Dugtong pa nito ng makalas ako sa pagyakap. "When something happen na 'di ko gusto... Susundin mo ang desisyon ko without hesitations." sunod sunod naman akong napatango sa sinabi niya. "Isabella... I love you so much darling... Nothing in this world o kahit ano pa man ang makakapantay ng pagmamahal ko sayo. Always remember that darling." Sambit niya at bahagyang pinisil ang akin ilong.
'I'm Isabella Alvarez... at the age of 18 I considered it was the stage of my life where I will begin to discover the world and find out how to live with new people... and to live outside these walls.'
BINABASA MO ANG
Once an Angel
RomanceShe was an angel, kindhearted, her innocence touched every bit of me. She was like a patch who cover and mend all my flaws. She fixed me, and I was a wildfire who destroy her.