A GANGSTER'S PROMISE(ONE SHOT)

16 0 0
                                    

"I promise that I will not leave you.I will be always at your side.I love you Peter"

Sinabi yan sa akin ng taong pinakamamahal kong babae na si Tricia noon.Nangako syang di nya ako iiwan kaso ngayon,nasaan na sya?15 taon na ang nakakaraan simula nung huli ko syang makita.At napakasakit isipin na dahil sa akin kaya sya umalis.Dahil gusto nya akong protektahan.Dahil ayaw nya akong masaktan.

She is a gangster.Not just an ordinary gangster.She is the most powerful in the gangster world.

Paano ko nalaman?

Dahil sa habang magkasama kami noon pauwi,hinarang kami ng isang grupo at napakarami ng myembro nito.Matatangkad at matitipuno ang katawan.Ngunit nagulat ako ng kinalaban nya ang grupong iyon at namangha ako sa kilos at galaw nya.

Flashback

"Kailan nyo ba ako titigilan?!Sinabi ko sa inyong di na ako babalik! Masaya na ako sa normal na buhay ko!"sigaw ni Tricia dun sa grupo.

Naguguluhan ako.Kilala ba ni Tricia ang mga ito?At anong ibig sabihin nyang di na sya babalik?Normal na buhay?Wala naman syang nakukwento sa akin tungkol sa nakaraan nya.

"Hahahaha!!Sa tingin mo ba hahayaan namin maging normal ang buhay mo?It runs in your blood at di mo pwedeng takasan ang responsibilidad mo DAWN"sabi ng lalaking leader ata nila.

Dawn?wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Sandali nga!Ano ba talagang kailangan nyo sa amin?At lalo na sa girlfriend ko?!"

"Wooaah!May minamahal na pala ang pinakamakapangyarihan sa gangster world!!Pre,sayo wala kaming kailangan,pero sa girlfriend mo madami!Hahaha!Siguro di mo pa alam?Ang girlfriend mo ay isang gangster.At di lang ordinaryong gangster."

Ang girlfriend mo ay isang gangster.At di lang ordinaryong gangster...

Tiningnan ko si Tricia,nakayuko at nakayukom ang kamao.

"Tricia,totoo ba?"Tanong ko sa kanya pero di nya ako sinasagot.Naguguluhan na ako.

"Alam mo pre,pwede ka pala namin mapakanibangan."Evil smile form on his face.Bigla syang lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril.

Wala pa rin ako sa katinuan ng biglang kinalaban ni Tricia ang grupo ngunit masyado ailang marami at di kinaya ni Tricia.Ngunit sa pinakitang kilos ni Tricia,,malalaman mong di basta basta ang makakagawa nun.

"Sige lang Dawn,lumaban ka pa.Para makita mong mamatay ang pinakamamahal mo sa harapan mo."sabi nung laakeng tumutok ng baril sa akin.

"Ibaba mo yung baril mo!"galit na sigaw ni Tricia.

"Why would I?Asan na ang napakagaling na si Dawn?Bakit di ko magawang lumaban ngayon?Oo nga pala...HAWAK NAMIN ANG KAHINAAN MO."

May diin na sabi nya ang mga huling kataga .

Sa mga panahomg yun,isinantabi ko muna ang pagkalito.Di ko hahayaan sumama si Tricia sa kanila.Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.

"Sasama na ako.Ibaba mo na ang baril mo"

"TRICIA WAG!!WAG MO AKONG ISIPIN!TRICIA PLEASE!WAG KA SUMAMA SA KANILA!"

Ngunit bigla nalang nandilim ang paningin ko,ngunit narinig ko pa ang mga huling salita ni Tricia...

"Mahal na mahal kita Peter.Pinapangako kong di ako mawawala sa tabi mo.Babantayan kita,at sana mahanap mo ang taong nararapat para sayo."

END OF FLASHBACK

Nagising nalang ako noon na nasa ospital.Kasama ko ang pamilya ko noon pero wala na si Tricia.Akala ko isang bangungot lang ang lahat.Pero mali ako.Kung kaya't pumunta ako sa ibang bansa para makalimot.

At ngayon,heto ako't nakasakay sa eroplano pabalik ng Pinas.15 taon ang ginugol ko sa ibang bansa pero di ko parin sya makalimutan.Nafatili paring pinanghahawakan ko ang pangako nya.Na lagi syang nasa tabi ko at di ako iiwan.Umaasang,magkikita rin kami muli sa aking pagbabalik at ipagpapatuloy ang pagmamahalang inumpisahan namin noon.

"Sir,someone wants to give this to you."may inabot sa akin yung flight attendant na isang papel.I was about to ask hr kung sino ang nagbigay ngunit bigla syang nawala.

Binasa ko ang naksulat sa papel

"They said that promises were meant to be broken.But for me,there's always a way to did not broke a promise.And now,welcome back Peter,I wish you still remember me because I will do what did I promise to you.I love you always Peter.

-TRISHA-

Trisha?!Tiningnan ko ang buong eroplano at hinanap ko sya.Ang babaeng hinintay ko ng 15 taon,nasaan ka Trisha?!

Tumayo na ako at tiningnan ko ang bawat pasahero. Ngunit isang babae ang nakatayo sa dulo ng eroplano ang nakakuha ng atensyon ko.Nakangiti sya sa akin at pamilyar na pamilyar ang kanyang mukha at ang kanyang ngiti.Lumapit sya sa akin at saka ko lang napagtanto na sya si....

...TRISHA

-END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A GANGSTER'S PROMISE(ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon