Chapter 7

399 5 3
                                    

Bago ko simulan 'to, gusto ko lang batiin si MP! Hi dyan. Kaway naman oh haha. Nagpapabati eh. Yun lang, wala na ako masabi eh. Pfft :)

Happy Reading:)

-Prethreelassie

"Sometimes you will never know the value of moment until it becomes a memory." - Andrew Avelino

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

2 weeks na din ang nakalipas since nung lumabas kami ni Ethan. Aksidente lang kasi yun tska di ko alam na mahilig pala talaga siya sa mga isda. Minsan nga regaluhan ko siya ng aquarium. 

Simula nung umuwi si kuya dito sa pinas tinuloy niya ang pagaaral niya dun sa university na pinapasukan nina Ethan which is pagmamayari ng pinsan namin na si Kuya Paul (Si paul po ay isa sa mga character ko sa I'm your girl, not her). Dahil nga gusto ni kuya na dun ko na din ipagpatuloy ang pagaaral, pumayag na lang ako. Graduating pa naman ako, sabay kami gragraduate ni kuya dahil nga magkaiba kami ng course. 

Ito ako ngayon naglalakad sa corridor, habang agaw atensyon ako sa mga lalaki dito. 

Napansin ko na may naglulumpungan dun sa may locker. Dahil ako'y isang dakilang chismosa pinuntuhan ko ito.

"Take it easy man! Wala bang kama dyan?" sigaw ko sa mga naglalakad. Tinitingnan lang nila ako. "Mali ka naman girl ng pwesto eh, hindi kasi ganyan" tapos tinuruan ko ng maayos yung girl, halatang di marunong.

Mukhang ang sama ng tingin sa akin nung babae ah, samantalang pangisi-ngisi lang yung lalaki.

"So what?do you care?" tapos bigla ako nilapitan nung babae. " Syempre oo naman. Expert na ako sa ganyan, first time mo?" nagulat siya sa mga sinabi ko, oh bakit? ano nakakagulat dun?

"Mukhang speechless ah. See yah!" sumaludo muna ako sa kanya tapos iniwan ko silang nakatanga dun. 1st day ko lang dito kaya kailangan ko muna maging mabait.

Pinalipat pa ako dito, samantalang isang buwan na lang naman ang natitira para makagraduate na ako.

"Hi! " bati ko dun sa dalawang magbestfriend ata yun, tapos nginitian nila ako. Di naman kasi ako katulad ng iba ng snobber alam mo na kailangan maging friendly.

"Hello, upo ka" pinaupo nila ako sa isang vacant seat. Kaya sila yung kinaibigan ko kasi nakita ko sa ID nila na parehas kami ng course na kinukuha. "Name niyo?" tanong ko sa kanila. 

"Elyssa name ko tapos ito si Gabby" nginitian nila ako at binalik ko naman sakanila yun. "Ako nga pala si Ysabelle Valdia, Belle na lang para di gaano mahaba" napatingin ako kay Gabby na halos di siya mapakali.

"Bestfriend?Ok ka lang ba?" tanong sa kanya ni Elyssa. Kahit ako nagalala sa kanya bigla. "Huy may nasabi ba akong mali?" takang tanong ko.

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon