Close Enough

6 0 0
                                    

"Hoy pa plug naman" habang busy si Anne sa pag ttext

"Osige wait lang ha?" Hindi pa rin siya tumitingin sakin talagang busy sa pag ttext e.

Second Year highschool ako nung na uso ang Plug ng number at Texters Clan. 

At ng dahil dito nakilala ko si MJ. Palagi ko na siyang na kakatext. Well I don't know him personally, pero tinuro siya sakin ni Anne. Schoolmate pala kami hindi ko man lang siya na papansin sa school. Sweet siya ka text and Ako naman tong mabilis ma fall kahit na walang action. Nag karon pa kami ng enderment na 'Beb'

Matagl na kaming sweet sa isa't-isa pero sa text lang. Hangang dumating sa point na nag sabi siya na pwdeng manligaw. Well oo pinayagan ko siya. Mas lalo siyang nagiging sweet and I can't help it. I'm already falling for him. :/

"Bes, I think gusto ko na siya :( "

"Hmm ikaw bahala. Pero ano kasi e.." -Coleen

Bigla niyang pinutol yung sasabihin niya at tumingin sakin.

"Ano yun? Sige tuloy mo na please" Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kaya nilapitan ko na si Coleen.

"Hmm. Ano kase, hayss pano ko ba to sasabihin?

Lalo akong kinakabahan ayaw pa kasi ituloty e.

"Ano kasi baka trip ka lang niya?" Seryoso yung muka ni Coleen nung sinabi niya to sakin.

Aww. Pano nga kaya? Kasi naman hindi niya naman to mapakita personally. Hangang text lang siya. 

Daming na kwento sakin si Coleen na hindi lang pala ako yung nililigawan niya or something like that. Kaya tinext ko na si MJ. Nasasaktan na ako sa mga na laman ko ayoko ng patagalin to.

"Uy may sasabihin ako pero wag ka magagalit ha?"

Message Sent

1 Message Recived

"Geh"

"Friends na lang muna tayo. Di pa ako ready eh."

Message Sent

1 Message Recived

"Ah. Ge"

Ha? Ganyan lang reaksyon niya? Samantalang ako halos malaglag na yung puso ko habang tina-type yung sasabihin ko hayss. Tama nga si Coleen. Wala na fall lang ako. Tapos trip lang pala ako nakakasar. Bakit ganyang kayong mga lalaki -_- Hilig mag pa fall tapos iiwan ka sa ere. </////3

Sobra akong nasaktan talaga ako. Siya kasi yung unang nan ligaw sakin Akala ko pa naman seryoso na. Humiling kasi ako ng sign na siya na ba talaga . And that night na pa naginipan ko siya. Ang saya ko kasi nag karon nga ng sign. Pero sa nang yari pinaasa lang ako ng sign na yun sana hindi na lang ako binigyan ng sign para di na ako umasa. <///3

After 3 months hindi na kami nag kaka text. Pero I still care for Him. Hangang sa isang gabi ...

1 Message Recived

"Guys pray tayo for the past recovery of Mj. Naaksidente siya"

Ha? Ano? Teka? BAkit? Pano? Anong lagay niya?

Shit di ko alam gagawin ko. Wala akong nagawa kundi ipag dasal na sana okay siya. Na hindi malala yung nang yari. 

Few Weeks later.

"Hi Ate Chel, kamusta po si MJ?"

"Okay na naman siya Be. :) "

"Buti naman po. San po siya naka Confine ngayon?"

"Dito sa manila eh"

"Ah. Ganun po ba? Ang layo po pala sayang"

Thank God Okay siya.

Medjo ka close ko rin naman yung ate niya dahil kasamahan ko siya sa isang Organization. Buti okay na siya. Gusto ko sana siyang puntahan e. Kaso ang layo niya. Nasa class outing ako ngayon pero chineck ko parin yung lagay niya..

Okay. Nakaka pagod mag swimming. Haha. Matutulog na sana ako nung biglang tumunog ang phone ko sunod sunod na text ang na recived ko.

"Guys please pray po tayo para kay Mj 50-50 ang lagay niya nagyon"

What the?!! Akala ko ba ? Shit di ko na napigilang umiyak. Hindi ko alam gagawin ko. Kanina pa ako iyak ng iyak. At di ko na rin namalayan na nakatulog na ako habang umiiyak at ipinag dadasal siya :(

"Please pray for the soul of Mj."

Gusto kong mag mura. Hindi magandang biro to agang aga naman eh. Pero sunodusnod yung text message na ganito. What the Hell!!!! Beb bakit ka sumuko? Bakit mo kami iniwan. Diba malakas ka? Bakit ka bumitaw? Beb. Bakit? Parang gumuho yung mundo ko nung nabasa ko ang mga text nila. 

Hindi na ako naka labas ng kwarto. Nalala ko bigla yung panahon pinapasaya niya ako. Yung pagiging sweet at caring niya. Shit bakit ganto? 

Bigla kong na realize na kaya ba hindi na tupad yung sign is alam ni God na ganito ang mang yayari? Na kahit naging kami nung time na yon Ay mas masasaktan lang ako kasi mawala rin siya agad sakin? Kaya pala. Ngayon alam ko na. My first love. </3 THAT WAS SO CLOSE ENOUGH. i LOVED YOU BEB. I KNOW YOUR ALWAYS HERE. MAY YOUR SOUL REST IN PEACE. 

Authors Note:

Kaya ko na isipang ipost to bigla ko kasing na pulot yung letter na ginawa ko kung pano ko siya na kilala yun bang sinulat ko yung love story namin don. Kahit na hindi naman naging kami. It was 3 years ago. Na miss tuloy kita Beb. Pero habang tina type ko to naka ilang alis- upo ako s PC ko. Na iilang kasi ako parang may dumadaan sa likod. pero wala naman basta na takot tuloy ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon