💫7

113 4 0
                                    

MFW💫7

( N/A Hello mga Loves :) sobrang tagal ba ng UD ko, sorry ah madami lang inaasikaso sa mga buhay buhay )

Saktong ilang araw naman akong mawawala sa bahay dahil may idedeliver kami sa isang malayong probinsya siguro mga 3days bago ako makauwi

"Pare kamusta sa bahay nyo"
Tanong ni buboy sakin habang nagmamaneho

Nakapagbitaw muna ako ng isang buntong hininga bago sumagot
"Ok naman"

"E-eh si tintin?"

"Tintin?"
Pag ulit ko sa tanong nya.

"Ang ibig kong sabihin pare, y-yung babaeng kasama mo sa bahay"
Sabay kamot ng ulo

"Ewan ko sakanya kung ok ba sya. Basta ako naiilang akong andon sya sa bahay, buboy kailan ba talaga natin sasabihin sakanya yung totoo?"

"Pare alam mo naman yung sitwasyon natin ngayon, kung sasabihin natin kaagad baka kung anong isipin ng tao. Baka sabihin pinagsamantalahan pa natin yung nangyare sakanya"

"Alam mo kasi pare hindi ko alam kung paano makikitungo sakanya ng matino eh, ang hirap pare, hirap na hirap na kong mag galit galitan sakanya para lang makaiwas at hindi kami makapag usap"

"Pare hindi naman nya alam kung sino talaga sya eh, sumakay ka na lang muna habang wala pa tayong maisip na paraan"

"Pakiramdam ko patong patong na kasinungalingan na tong ginagawa natin , sa asawa mo buong akala talaga nya si tintin yon , sa asawa ko dahil pakiramdam ko nagtataksil ako sakanya , at lalong lalo na sa babaeng yon"

"Andito na tayo sa sitwasyong ito pare, wala na tayong ibang magagawa pa"

LILY's Pov

Magkasama ngayon si Buboy at Gabriel sa trabaho , tatlong araw sila bago bumalik pupunta ako kay tintin ngayon dahil alam kong walang kasama yon ngayon

Pagpunta ko ay naabutan ko si tintin na naghuhugas ng plato , kitang kita kasi sya sa labas mula sa loob dahil sa bintana sa tapat ng lababo nila.

Nang mapansin nya ko ay dali dali naman nyang binuksan ang pinto nila.
Nang may malapad na ngiti sa mga labi

"Lily, pasok ka, ikaw lang? Asan yung anak mo"

"Ah wala nandon kila mama, kamusta ka"

"Ok naman ako"
Sagot nito sabay ngiti, kitang kita ang kagandahan nya kapag ngumingiti sya parang nagkikislapan ang mga mata nya sa twing ngumingiti sya.

Napansin ko ang suot nitong boxer shorts at maluwag na t-shirt
Hindi man maganda at nababagay ang suot ni tintin sakanya ay maganda pa rin sya.
Kahit siguro pag suotin sya ng basahan ay magmumukha parin syang sosyal.

"Ah tintin, tanong ko lang ah hwag ka sanang magagalit"

"Sige ano yon?" Sabay ngiti

Hala , ang ganda lang . Hahaha
Ang cute nya talaga mukha syang sosyal.

"A-ano kasi eh, w-wala ka bang ibang damit?"

Parang nagulat naman sya sa sinabi ko, at napatingin sa suot nya ngumiti sya sakin ng isang mapait na ngiti bago yumuko.

"P-parang pabalik balik lang kasi yung suot mo," dagdag ko pa

"A-ang totoo nyan, wala kasi akong ibang damit dito. Isang short at t-shirt lang ang ibinigay ni Gabriel saakin, nagwawash and wear na nga lang ako sa sinusuot kong panloob"

Nagulat naman ako sa sinabing yon ni tintin, bakit naman inuwe ni gabriel ang asawa nya dito nang wala man lang dala kahit isang damit.

"Gusto mo samahan kita sa palengke, bili tayo ng damit mo kahit tig isa o dalawang pares lang saka underwear na din para hindi ka na rin nagwawash and wear"

"Naku hwag na, ok lang to"
Pagtanggi nya

"Sige na tintin, sumama ka na sakin, para makalabas ka naman ng lungga mo"

"Naku lalong hindi pwede, magagalit si Gabriel. Kabilin bilinan pa naman nya sakin na hwag akong lalabas"
Sabi nito saka bumalik sa paghuhugas ng plato

"Tintin, mabilis lang naman tayo eh. Isa pa tignan mo nga yang suot mo"

Sandali syang natigilan sa paghuhugas bago magsalita.
"K-kasi wala rin naman akong pera"

Kumunot naman ang noo ko sa narinig kong sinabi ni tintin.
Wala syang pera?.
Hindi sya iniwanan ng pera ni Gabriel
Ilang araw nyang maiiwan ang asawa nya dito pagkatapos ay hindi nya iiwanan ng pera.

"ANO!!" Nakita kong napagitlang sa pagkakagulat si tintin.
"Sorry sorry, kasi naman eh yung mga chika mo sakin. Anong wala kang pera, pano ka kumakain anong pang gastos mo dito"

"May pagkain naman iniwan si Gabriel, mga delata saka bigas"

"Yun lang?. Walang cash?. Pano kung magkaemergency!!. Wala kang kapera pera dito"
Haynaku mapapaanak ata ako ng maaga sa asawa nitong babaeng to.

Ang akala ko pa naman ay ubod ng tinong lalake ni Gabriel,
Palagi ko pa naman sinasabihan si buboy na hindi tumulad kay Gabriel.
Ayun pala ay mas malala pa ang lalaking iyon.

Maya maya ay nilapitan ako ni tintin at hinawakan ang kamay ko.
Hala, ang lambot ng palad nya.
Anak mahirap ba talaga to?
Parang hindi talaga eh.

"Lily, hayaan mo na ang asawa ko, hwag kang mainis sakanya. Baka biglaan lang talaga ang pagdating ko at hindi nya napaghandaan kaya nag aadjust pa sya"
Pagkasabi nya non ay bigla na naman syang ngumiti.

Ganon ba talaga sya,
Bawat tapos ng mga sasabihin nya ay ngingiti sya at bibigyan ka ng napaka among mukha.

"Alam mo tintin , Mabuti pa uuwe muna ako at baka dumating na si andrea hayaan mo pag nakapagluto ako ng may sabaw . Dadalahan kita dito para hindi ka naman puro delata"

"Maraming salamat lily"

Pagkagaling ko kila tintin ay dumiretco ako sa palengke upang mamili ng lulutuing ulam,
Tamang tama dahil market day ngayon kaya madaming tyanggian ngayong araw.

At dadaan rin ako sa bilihan ng damit upang bilihan si andrea ng bagong panty dahil iilan na lang ang kasya sakanyang pang loob,

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang naalala ko si tintin,

Hay naku isang magandang babae masasabi kong pinagpala sa lahat ngunit minalas sa pagpili ng mapapangasawa
Ang buong akala ko pa naman ay masaya ang buhay nya sa piling ni Gabriel.

"Ate, kukunin nyo po yan? Bargain po yan, 100 na lang may terno po yan"
Nabalik na lang ako sa reyalidad ng may biglang batang tindera na nagsalita.

---
CayeLoves 💜💕
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon