Nakarating na kami sa mall at kumakain na kami ngayon sa paborito naming restaurant. Sinabi ko na rin kay Hera na babantayan niya si Jam after namin kumain dito. Okay lang naman daw sa kanya, gano'n din kay Jam. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami kaagad sa fourth floor dahil nando'n 'yong cinema. Ako na ang pumili ng movie na papanoorin, wala naman akong nagustuhan kaya naman kung ano na lang ang naituro ko 'yon na lang.
Pagkatapos kong bumili ng ticket ay hinintay ko si Mule na bumibili pa ng popcorn at ng drinks namin. Nang matanaw kong inabot niya na ang kanyang nabili ay sinalubong ko na siya. Nakangiti pa niyang itinaas ang popcorns na nabili niya. Natawa ako nang muntik nang tumapon 'yong mga dala, bigla kasing may dumaan sa harapan niya at nabunggo siya pero dahil may kalakihan ang katawan niya ay 'di siya natinag no'ng binatilyong patpatin na nakabangga sa kanya.
"Ayan kasi kung saan-saan tumitingin," sabi ko nang matantiyang maririnig niya na ako. Napatingin ako sa sahig at may ilang piraso ng popcorn ang nahulog.
"Anong kung saan-saan? Sa'yo lang kaya ako nakatingin," ngising sabi niya sabay kindat. Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon kaya naman bilang ganti ay hinampas ko siya sa braso.
"Tara na nga," sabi ko at yumuko habang ang ibang hibla ng buhok ko ay lumalaylay sa magkabilang gilid ng sa tingin ko'y namumulang pisngi ko. Tinago ko ang kilig na nararamdaman ko.
Pagpasok namin sa sinehan ay walang gaanong tao. Sa pagkakaalam ko maraming nanonood kapag romance ang tema ng movie. Hindi kaya ayaw nila sa movie na 'to o hindi maganda? O baka hindi lang sikat 'yong artist or 'yong director. Kung ano man 'yon, wala na akong pakialam, ang mahalaga kasama ko siya.
"'Di ba, Mule?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman ako kasi kahit 'di ko gaanong maaninag ang mukha niya ay sa tingin ko'y nagtataka siya kasi wala naman akong sinasabi tapos tatanungin ko siya.
"Ha?" tanong niya.
"Hakdog!" Tinawanan ko na lang siya.
"Puro ka kalokohan, pakainin kita ng hotdog d'yan, e!" sabi niya saka tumawa ng mahina. Nasa loob na kami ng sinehan at naghahanap kami ng maganda puwesto.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya kahit na narinig ko naman talaga ang sinabi niya. Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso dahilan para huminto siya.
"Wala. Tara do'n tayo sa pinakataas," sagot niya at saka ko niluwagan ang paghawak sa braso niya. Sinundan ko lang siya at nang makarating kami sa pinakataas ay naupo na kami kaagad.
Maganda nga ang pwesto na 'to kasi medyo nakakahilo kapag nasa pinakababa naupo. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang movie. Nakakapagtaka kasi opening credits pa lang parang ang creepy na tapos yung background music pinapatayo no'n ang mga balahibo ko.
"Myz..." ani Mule kaya tiningnan ko siya. Medyo matangkad kasi siya sa 'kin kaya naman medyo nakatingala ako 'pag tinitingnan siya.
"Why?" tanong ko. Dinig ko pa rin ang creepy background music sa big screen. Sana naman hindi tama ang hinala ko.
"Nothing," sagot niya. Sana naisip ko na 'yon ang sasabihin niya para 'di na sana ako nag-abalang tanungin pa siya. Kainis. Nakakainis talaga 'yong kakausapin tapos may sasabihin daw 'yon pala wala naman. Sana kung wala silang sasabihin, 'di na sana sila nagsalita.
Kakaunti lang ang tao dito sa sinehan at mukhang alam ko na kung anong dahilan. Horror ang movie ticket na nabili ko. Hay, nakakainis naman. Akala ko pa naman nakakakilig. Sana pala si Mule na lang ang pinabili ko ng ticket kanina pero ito na, e, wala na kaming magagawa. I can handle naman watching horror movies. Ang inaalala ko lang ay itong lalaking katabi ko.
"Aaah!" sigaw niya ang umaalingawngaw sa buong sinehan. Nakakatawa lang kasi ang laki-laki ng boses niya tapos basag kung tumili.
"Mule, tumahimik ka nga!" sabi ko saka sinalpakan ng isang dakot na popcorn ang bibig niya para tumigil siya sa pagtili. At sa tuwing sisigaw siya ay gano'n ang ginagawa ko.
Bandang kalagitnaan nang movie, hindi na masyadong nakakatakot kasi medyo drama na.
"I hate drama, damn!" Tiningnan ko siya na nakasandal sa inuupuan niya at parang wala ng interes sa pinapanood.
"You hate drama? You hate horror movies too, so what do you love?" tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako.
"You," sagot niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at matagumpay niyang nahalikan ang labi ko.
"Wow," sabi ko matapos ang kissing scene na dinaig pa ang Fifty Shades. I throw my hands up in the air, surrendering my thoughts. I can't say anything. Wala na talo na 'ko, bumanat na siya, e.
"Hays... manood na nga lang tayo! Pahinging popcorn," sabi ko at ipinasok ang kamay sa lalagyan ng popcorn para kumuha sana ng makakain pero iba ang nahawakan ko. Shit, matigas. Mainit-init pa.
Footlong?
"Oops! Sorry, ubos na 'yong popcorn, e. Footlong na lang po," ani Mule at narinig ko na naman ang nakakaloko niyang tawa.
"Nakakabusog po ba 'to?" tanong ko habang hawak ang kanyang footlong. Sinakyan ko na lang ang mga paandar niya.
"Why don't you try it?" ani Mule na umusad pa sa pagkakasandal at ibinuka nang mabuti ang kanyang mga hita. Pilyo talaga siya, binutasan niya yung ilalim ng lalagyan ng popcorn tapos isinuot niya ro'n si Sensen.
"Mas masarap ba 'to sa popcorn?" tanong ko sa kanya habang hinihimas-himas si Sensen para manatili itong matigas.
"It's better than popcorn and something will pop here when you eat it," saad ni Mule at nagsimula na siyang tumayo. Inalis niya na ang lalagyan ng popcorn at nagsimulang halikan ang aking leeg. Hawak ko pa rin ang kanyang footlong. Pagkatapos ay hinatak niya ako dahilan para mapatayo ako. Umupo siya sa inuupuan ko kanina habang ako ay lumuhod sa harapan niya para kainin ang kanyang pagkalalaki.
Habang nakikipaglaban ang bida sa movie, habang sumisigaw ang mga taong nanonood sa sinehan ay nakikisabay ang ingay na nililikha naming dalawa.
"Mas masarap pa lang manood kapag gan'to," ani Mule habang nakakandong ako sa kanya at nagtataas-baba sa kanyang matigas na pagkalalaki. "Now, I will never get scared of any horror movie if I'm watching with you in this kind of position," aniya habang patuloy kami sa 'ming ginagawa at nanonood ng horror movie.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming mag-make-out sa sinehan. My gosh, Mule!
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...