"Uhm, kanina ka pa d'yan?" tanong ni Hera. Nakaturo pa ang daliri niya kay Mule habang namimilog ang mga mata na titingin sa 'kin at titingin kay Mule.
"Of course I am," kalmadong tugon ni Mule. Hindi man lang nag-alinlangan sa pagsagot. Maybe 'cause he's driving and kailangan niya maging kalmado lang para 'di maapektuhan ang pagmamaneho niya.
"Gaga, malamang siya driver natin." Tinapik ko ang daliri ni Hera na nakaturo pa rin nang humarap siya sa 'kin. Paano ba naman muntik na akong masundot sa ilong.
"I mean, kanina ka pa nakikinig?" urirat pa ni Hera. Tumatagi-tagilid pa ang ulo niya at hindi rin mapakali ang kanyang kilay na nagsasalubong, tumataas at bumababa.
"Gaga, malamang ang lakas kaya ng boses mo!" sabi ko sabay kalabit sa kanya.
"Ano 'yong mga napakinggan mo?" tanong pa ni Hera. Sinusuri ang likuran ng ulo ni Mule gamit ang mga mata niyang 'di mo mawari kung ano ba ang nakikita. Nababaliw na naman siya.
"Gaga, malamang lahat." Tiningnan niya ako at ipinakita ang mukha niya na parang naaasiman, parang sumipsip siya nang kalamansi. Kinakabahan ako talaga kapag naloloka itong kaibigan ko na 'to.
"Yea, everything." Nagulat pa siya sa sinabi ni Mule na 'yon, 'di ko alam kung scripted na lang ba 'yong mga actions niya or normal lang. Tinakpan ni Hera ang kanyang gulat na bibig para hindi makalikha ng nakaririnding ingay sa loob nitong sasakyan.
"I thought he's listening to music, naka-ear pods kasi s'ya kanina--" pinutol ni Mule ang anumang sasabihin pa ni Hera.
"Don't worry, it's fine. Cute ng love story niyo, ha! I'm looking forward sa happy ending niyong dalawa," ani Mule na kalmado pa ring hawak ang manibela ng kotse. Nakita kong kinabig niya pakaliwa ang manibela dahilan para lumiko kami sa kabilang daan.
"I hope so," ani Hera na umayos ng upo at isinandal ang kanyang likod sa upuan. Napabuntong-hininga na lang siya. Nilingon ko naman si Jam na nakatingin na rin sa 'kin ngayon. Nakikinig sa mga nangyayari pero mukhang wala pa siyang gaanong naiintindihan. Tinuruan ko rin kasi siyang mag-behave kapag nag-uusap ang mga mas matatanda sa kanya. Hindi naman kasi magandang ugali ng bata ang makisabat sa usapan ng mga matatanda.
"So, anong pangalan ng first love mo?" tanong ko kay Hera. Nakatingin ako sa kanya habang ang kanang kamay ko naman ay hinahaplos ang buhok ni Jam.
"Ay, 'di ko pa ba nasasabi?" tanong ni Hera. Umalis siya sa pagkakasandal na animo'y nagkaroon na naman ng energy.
"Hindi pa, puro ka tawa, e!" sabi ko. Kinalabit naman ako ni Jam. Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at inabot sa kanya para mag-games.
"Wait... ano na nga 'yon? Uhmm..." Kinunutan ko ng noo si Hera. Hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to. Nag-iisip pa talaga siya. Ano 'yon nakalimutan niya?
"Hera, 'yong totoo? First love mo, hindi mo alam 'yong name?" sabi ko habang taas-kilay na may mapanuring tingin na sa kanya lang nakatuon.
"S'yempre alam ko 'yong name, 'yung full name hindi." Napaisip tuloy sa sinabi niya. Gaano ba kahirap ang pangalan no'ng lalaki na 'yon para makalimutan niya? Kung mahal niya 'yon, dapat hindi niya nakalimutan.
"Ay, wait. Titingnan ko sa messenger." Napaturo pa siya sa itaas gamit ang kanyang hintuturong daliri na animo'y nakaisip ng isang bright idea. Nakangiti niyang kinalkal ang kanyang bag at nang makuha ang cellphone ay kaagad niya iyong kinatikot.
"Ito nakita ko na," sabi niya at mas lumaki ang ngiti. Wow, pangalan pa lang kinkilig na. Medyo na-excite tuloy ako na makita ang itsura ng lalaking 'to.
"Ano?" tanong ko at anumang segundo ay hinihintay ang sagot ni Hera na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin yata.
"Tahmelapachme Talplacio," sabi ni Hera. Masyadong mabilis ang pagkakasabi niya kaya naman hindi ko masyadong naintindihan.
"Tamale fuck me, what?" sabi ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil mali ang nasabi ko. E, sa 'yon ang pagkakarinig ko, anong magagawa ko?
"Tahmelapachme! Bunganga mo naman, marinig ka ng anak mo!" sabi Hera na nakamurilat na ang mata pero hindi 'yon ang pinoproblema ko. 'Yong pangalan ang problema ko. Tamales? Pak me? Ano raw?
"Ang hirap naman bigkasin, patingin nga." Hinablot ko ang cellphone niya nang ako mismo ang makakita ng pangalan no'ng lalaking 'yon. May isang minuto ko rin sigurong tinititigan 'yong pangalan ng lalaking 'yon.
"Tahmelapachme Talpacio," sabi ko nang mabasa ko na rin sa wakas. "My gosh, Hera! Arabo ba 'tong soon-to-be boyfriend mo?" tanong ko. Paano ba naman kasi mahirap bigkasin ang name niya, tunog Arabo.
"Arabo ka r'yan! Gaga, Half-Australian, Half-Pinoy 'yan!" bwelta niya. Inagaw niya sa 'kin ang cellphone nang mapansin na ni-click ko 'yong 'View Profile' at ngayon ay nasa timeline na ako ni Tahme, tinitingnan ang mga pictures niya.
"In fairness, hottie, cutie saka mukhang yummy!" sabi ko sa katabi kong masama kong makatingin. Akala mo namang aagawin ko si Tahmelapachme. Yakap niya pa nang mahigpit 'yong cellphone niya. Parang tanga.
"Aaaah!" biglang tili niya dahilan para magulat kaming lahat. Kahit naka-ear pods si Mule ay napitlag pa rin siya.
"Landi ka, ang ingay ng bunganga mo! Ang sakit sa tenga!" sabi ko kay Hera matapos siyang itulak.
"Aaaah!" muli niyang sigaw. Ako naman ay nakatakip lang ng tenga. Kinakalikot ko pa ng ilang beses dahil may naiwan pang matinis na tunog sa loob nito.
"Excited na 'kong makita ang T.T. ko!" aniya habang naka-facepalm, parang gagambang nagtatatarang.
"Anong T.T.? Gago ka, marinig ka nang inaanak mo!" mariing saad ko habang pinandidilatan siya ng mga mata.
"T.T. means Tahmelapachme Talplacio!" Itinaas niya pa ang kanyang isang kamay at inisnap ang finger like duh.
"Tahme na lang, ang laswa kapag double 'T'," sabi ko. Kaya pala siya baliw na baliw at kaya todo-ayos siya. Nagbihis ng maganda ang landi.
"Aaaah!" muli na naman siyang tumili. Kailan ba siya titigil sa kakatili? Siguro isang tili niya pa, basag na lahat 'tong bintana ng sasakyan namin.
"So gan'yan ka kapag inlove 'no? Tili ka nang tili?" tanong ko matapos siyang irapan nang ilang beses. Naiinis na kasi ako, napakasakit talaga sa tenga.
"Aaaah! How to calm, sis!?" sabi pa niya habang hawak ang magkabilang balikat ko, niyuyugyog nang niyuyugyog. Halos maalog na ang buong pagkatao ko. Halos humiwalay na ang kaluluwa ko.
"Alam mo ang sarap salpakan ng busal ng mais 'yang bibig mong 'yan o kaya ilaglag na lang kita r'yan sa bintana," sabi ko pa pagkatapos tanggalin ang mga kamay niyang yumuyugyog sa 'kin. Feeling ko tuloy nahihilo na ako.
"Whatever! Palibhasa kasi may asawa ka na! 'Di ba Mule?" tiningnan ko si Mule na dedma lang si Hera. May nakapasak na earpods sa tenga niya, naingayan siguro siya sa tili ni Hera. Natawa na lang din ako kasi 'di niya 'to pinansin.
"Well, excited na kaming ma-meet si Tahme." Nang masabi ko 'yon ay tiningnan ako ni Hera at iyon na nga ang simula nang pagtikom ng bibig niyang kanina pa ubod ng ingay.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...