"Oh my gosh! Totoo ba?" Mas lalong naging energetic at malakas ang boses ni Hera. Dahilan para pumintig ng husto ang sintido ko dulot ng nakaririndi niyang bibig.
"Sige, isang 'Oh my gosh' mo pa, babalibagin ka na ng mga taong nakatingin sa 'yo," sabi ko kay Hera matapos batukan. Tiningnan niya naman ang mga taong nakatingin pa rin sa kanya. Anong akala niya, nagbibiro ako?
Tiningnan ko si Mule na ngayon ay nakikipaglaro na sa anak namin. Sinusubuan pa siya nito ng gummies at nginunguya naman ng isip bata niyang Daddy.
Binawi ko ang aking tingin at ibinaling naman kina Carlos at Joni. Nang magtama ang mga mata naming tatlo ay tinanguan ko sila. Nagtinginan naman silang dalawa. Hindi maipaliwanag ang mga itsura. Maya-maya ay nagsikuhan silang dalawa.
"Ikaw na," sabi ni Joni na nakakunot ang noo kay Carlos.
"Ikaw na kasi..." sabi naman ni Carlos. Nagsisikuhan silang dalawa. Parang mga bata, ang sakit nila sa ulo. My gosh!
"Ano guys kaya pa ba this year?" tusong ani Mule sa dalawa habang ngumunguya ng gummy. Nakakandong lang sa lap niya si Jam habang binibilang 'yong mga candy na hindi niya pa nakakain. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil mas importante 'tong kila Carlos at Joni.
"Ikana mo na Carlos, ikaw lalaki, e, umuurong yata bayag mo. Come on, speak up!" sabi pa ni Mule. Piniga ko naman siya sa hita at binigyan ng nanunuring tingin. Pinandilatan ko siya ng mata at inginuso ko si Jam. Nag-okay sign naman siya sa 'kin saka zinipper ang bibig. Bayag bayag pa siyang nalalaman, e, nand'yan 'yong anak namin mamaya magtanong pa 'yong kung ano 'yong bayag. Ito talagang Mule na 'to!
"Daddy, what's bayag?" ani Jam. Sinasabi ko na nga ba! Nadimunyu na! Tumingin sa 'kin si Mule at inambaan ko siya ng suntok. Unti-unti kong nilamutak ang mukha niya sa hangin. Nanggigigil talaga ako. Buti na lang at may natitira pang pasensiya sa sarili ko. Hindi ako nagsalita at hindi ko sinagot ang tanong ni Jam. Tumitingin pa siya sa 'kin na parang humihingi ng tulong pero inirapan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya, problema niya 'yon, solusyonan niya mag-isa.
"'Nak, you're so young to know that. For now, 'wag mo na lang muna isipin 'yon, ha?" mahinanong sabi niya kay Jam. "Forget 'bout it."
"Yes, daddy." Tumango pa si Jam at muling itinuon ang atensyon sa mga candy na hawak niya. Nagbukas siya ng panibago para kainin ulit. Ayos din ah! Sinasamantala niya 'yong pagkakataon na makakain ng mga kendi habang nag-uusap-usap kami.
Tiningnan ako ni Mule at ngumiti. Parang sinasabi niya na 'easy', 'basic', na okay na ang lahat. Kinindatan niya pa 'ko, feeling naman niya nakakatawa 'yon.
Pineke ni Carlos ang kanyang pag-ubo na lumikha ng ingay dahilan para maagaw niya ang atensiyon naming lahat.
"Guys..." panimula niya. Lahat kami ngayon ay nag-aantay ng kanyang sasabihin. Para kaming mga audience na naghihintay ng announcement ng emcee kung sino ang susunod na Miss Universe.
Napansin ko naman si Joni na yumuko at kahit na itago niya 'yon ay alam kong namumula ang mga pisngi niya. Kinikilig siya. Alam ko, at ayaw niya 'yong ipakita sa 'min. Sa bagay nakakatawa nga naman kasi, 'guys' pa lang 'yong sinabi ni Carlos, kinikilig na siya. Siguro, dahil alam niya na kaagad kung patungkol sa'n ang sasabihin ni Carlos.
"Kami na Joni,"
"Oh my gosh!" patiling sambit ni Hera. "I can't believe magagawa mo sa 'kin 'to, Joni! I hate you!" ani Hera na ngayon ay umiiyak na. Hindi ko nga lang matukoy kung totoo ba or hindi. But, anong ibig sabihin niya? May past ba sila ni Carlos? My gosh! Napakarami naman yatang kaganapan ang hindi ko nalalaman.
"Wait, what?" angal ni Joni. Hinihintay namin ang sagot ng kanina pa nanggagalaiting si Hera.
"I didn't expect na mauunahan mo pa 'kong magka-jowa! Waah!" ani Hera at pinunasan na ang pekeng luha. Itinigil niya na rin ang pekeng hagulgol. Nag-iiyak-iyakan lang pala ang bugak, my gosh!
"Gaga!" sabay naming sabi ni Joni at natawa na lang kaming dalawa. Akala ko pa naman kung ano na ang sasabihin niya. Sana naisip ko na kanina na kabugakan lang 'yong sasabihin niya, edi sana hindi ako namroblema ng very very light.
"Kailan pa?" Napahinto kaming lahat nang seryosong magtanong si Mule sa dalawa. Napatingin naman ako kay Hera at tumango siya. Bilang pagsang-ayon sa tanong ay tumango na rin ako.
Ako man ay napapaisip. Kailan pa nga ba naging sila? Samantalang, wala kaming alam lahat ni isang clue na may nangyayari na pala sa pagitan ng dalawa. All this time pinapaniwala lang pala kami ni Joni na wala pa siyang boyfriend. Sinasabi niya pa sa 'min na may dinedate siya, 'yon pala, jowa na niya and hindi namin inexpect na itong si Carlos pa na best friend ng asawa ko.
Nagtinginan muna sina Joni at Carlos bago kami tingnan para ibigay ang sagot na hinihintay namin. "Five years," walang alinlangang saad nilang dalawa.
"FIVE YEARS?" pag-uulit naming lahat sa sobrang gulat na reaksyon na kahit sinomang nagulat sa kung anong bagay na nalaman ay hindi mahihigitan.
"Oh man! I'm so proud of you!" papuri ni Mule sa kaibigan. Tapos itinaas niya pa ang kanang kamay niya at nang makita 'yon ni Carlos ay agad niyang inapiran. "Cool right?"
"Not cool, I thought we're friends. Paano mo nagawa 'to sa 'min, Joni?" eksaheradang pahayag ni Hera na mukhang hindi naman talaga against sa nangyayari.
"So you two have been in a secret relationship for five years?" tanong ko. Tumango silang dalawa. "I respect your decision naman guys and I'm happy sa nalaman ko. I'm so happy for you, Joni. Akala ko kasi tatanda ka nang dalaga, you know?" saad ko saka tumawa. Tumingin naman ako kay Hera para hingin ang pagsang-ayon niya pero pineke niya lang 'yong tawa niya.
"Hera, umayos ka nga! Aren't you happy na may love life na ang friend natin?" tanong ko kay Hera. Bumuntong-hininga pa siya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa noo niya.
"Tsk. 'Di ko lang matanggap na ako na lang ang single sa grupo natin," dismayadong saad niya. Napailing na lang ako knowing na darating na 'yong perfect guy para sa kanya.
"All this time! Ang akala namin wala kang jowa! Girl! Nakakainis ka! But, I'm happy. Super happy!" Ngayo'y maaliwalas na ang mukha ni Joni. Nakakangiti na rin siya hindi kagaya kanina na akala mong bibitayin siya.
"Kanina nga pinag-uusapan ka namin ni Hera and pinag-pray ko na rin na sana makahanap ka na ng right guy para sa 'yo, and I guess si Carlos na 'yon. 'Di ba Carlos?" dagdag ko pa at ngayon ay ibinaling ang tingin sa lalaking katabi niya na halos mataranta sa sinabi ko.
"Ah, oo!" gulat na tugon ni Carlos. "Oo naman!" sabi niya ulit saka pilit na ngumiti. Medyo na-pressure yata siya sa sinabi ko.
Napangiti at napa-sang-ayon ang lahat sa sinabi ni Carlos. Nagkaroon ng mga palitan ng salita dahil sa simpleng sagot niyang 'yon.
"Pero wait lang guys," ani Joni na nagpahinto sa 'ming lahat. Lahat kami ngayon ay hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...