Chapter 19

594 11 0
                                    

Julianna

"Ano bang problema mo? Kanina mo pa 'ko pinapahiya ha!" nang-gagalaiti kong sita kay Xander

Nandito kami ngayon sa may gilid habang nakapila si Sky para bumili ng movie tickets

Sumulyap siya sa aming gawi at agad kong pinalitan ng ngiti ang nakabusangot kong mukha

"Kapag talaga nagpasaway ka pa sa loob, Xander. Sinasabi ko sa 'yo, makikita mo ang hinahanap mo. Mahaba pa 'yang pilikmata mo sa pasenysa ko ha", huli kong babala bago siya iniwan doon

Nakakainis lang kasi. Hindi niya talaga kami hinayaang kumain nang tahimik kanina. Puro pang-babadtrip ang ginawa niya. Mayroong kukuhanin niya ang chicken ko, kukuhanin ang softdrinks ko kapag alam niyang iinom na ako, at ang mas malala at nakakapikon sa lahat ay kukuha siya ng kanin tapos ipinipitik sa noo ko na parang kulangot

Sabi ko na nga ba't masamang ideya talaga ang gustong ito ni Sky eh. Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang kilalanin sa personal si Xander. 'Yung lalaking 'yun talaga... mahal ko hehehehe

"Halika, bumili na lang din muna tayo ng snacks. The movie is going to start in less than 30 pa naman eh", nakangiting salubong sa akin ni Sky matapos siyang bumili ng mga tickets. "Si Xander?" aniya sabay lingon sa paligid

Tinignan ko ang lugar kung saan ko siya huling iniwan pero agad na nangunot ang aking noo nang makitang wala siya doon. Chineck ko rin ang aking phone kung may text siya ngunit wala naman

"Baka pumunta lang sa CR?" alinlangan kong sagot kay Sky. "Di bale, itetext ko nalang siya"

Agad akong tumipa sa aking phone ng mensahe para kay Xander

To: ❤ Poging Xander ❤

Nasaan ka ba? Hindi ka man lang nagpaalam. Bumalik ka na dito ngayon!

Walang pang isang minuto ay nakatanggap na ako kaagad ng reply galing sa kaniya

From: ❤ Poging Xander ❤

Bakit, sino bang nang-iwan? :< Hindi ako babalik diyan hangga't hindi mo ako sinusundo :-(

Kinalma ko ang sarili sa aking nabasa. Ano na namang kalokohan 'to?

To: ❤ Poging Xander ❤

XANDER LOUIE VIDALLON, HINDI NA AKO NATUTUWA SA 'YO HA!! UMAYOS KA. UKINAM!!!!!!!!!! BUMALIK KA NA DITO NGAYON KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO ANG ULO MO MAMAYA!

"Okay ka lang ba?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Sky

"Para kasing babasagin mo na ang phone mo sa pagtatype eh" natatawa niyang pahabol

"Ah oo. Nang-aasar na naman kasi si Xander eh"

At totoo nga ang sinasabi nila— speak of the devil and he shall appear

All smiles pa si tanga habang cool na cool na naglalakad papunta sa amin

"Uy bro saan ka galing?" baling ni Sky sa kaniya

"Edi sa puso mo" natatawa niyang sagot

Napansin naman niya kaagad ang pamatay kong titig at bigla siyang tumigil sa pagtawa

"Bakit? Diba iyon ang uso ngayon?" pagkikibit-balikat niya

"Ah oo! 'Yung mga linyahan nung elementary tayo" masayang pagsang-ayon naman ni Sky

"Elementary pa lang, napapansin na nila"

Hinampas ko ang braso ni Xander dahil sa biglaan niyang pagkanta

Grabe! Hindi ko na talaga kinakaya ang saltik ng isang 'to

Lord, bigyan niyo pa po ako ng pasensya!

"Gusto niyo bang pumasok na tayo? 15 mins pa naman bago magstart" ani Sky

"Come on vámonos, everybody let's go. Come on let's get do it, pwet mo may tatlong guhit" mahina ngunit mapang-asar na kanta ni Xander habang nakasunod sa amin

Doon namin napiling maupo sa upper center para mas maganda ang view. Ako ang nasa gitna habang nasa kanan ko si Sky at sa kaliwa naman si Xander

"I'll go to the restroom first" pagpapaalam ni Sky

Agad ko namang grinab ang opportunity para igrab din ang shirt ng impaktong katabi ko

"Pikon na pikon na talaga ako sa 'yo. Mapapatay na talaga kita!" yamot kong sabi

"Oh easy ka lang. Ang pusok mo masyado"

Mas tumindi ang pagkainis ko dahil sa ngisi niya habang tinatanggal ang aking kamay sa kaniyang shirt

"Wag mo naman akong hubaran dito"

Frustrated akong sumandal sa upuan at huminga nang malalim para pigilan ang aking luha

Kanina ko pa talaga gustong umiyak sa sobrang pagkapikon sa kaniya

Naramdaman kong tumayo si Xander at nagulat na lamang ako nang lumuhod siya sa aking harapan

Hindi naman exactly luhod, pero 'yung luhod na nakatiptoe, ganun

Inipit niya sa kaniyang mga tuhod ang aking hita bago ako hawakan sa magkabilang pisngi. At parang iyon ang naging hudyat sa unti-unting pagkawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan

Marahan naman niya iyong pinunasan using his thumb

"Shh. Don't cry, Max. I'm sorry, okay? Napansin ko kasing masyado kang tense kanina pa eh. You're not like that"

"Eh syempre, gusto ko namang magpa-impress sa kaniya. Crush ko nga kasi siya, diba?" nauutal kong sagot. "Paano niya ako magugustuhan kung gagaso-gaso ako?"

"Max, kung talaga gusto ka ng isang tao, kahit ano pang gawin mo o sabihin mo, gugustuhin ka pa rin niya. You don't have to force yourself to be someone you're not just to impress the boy you like"

"I just don't like Sky, okay? ... I love him" pabulong kong sabi bago mag-iwas ng tingin sa kaniya. "And how could he love me back when I'm the total opposite of the girl he used to love?"

Muli akong napabaling ng tingin sa kaniya dahil inis niyang ginulo ang kaniyang buhok

"Okay, fine. Then be it. Gusto mong magpaka-Julianna, edi sige gawin mo. Para mahalin ka ni Sky bilang Julianna at hindi bilang sa tunay mong pagkatao"

And with that, umalis siya at iniwan na akong mag-isa

Alam kong may point si Xander at ako nga yata ang pointless. Pero sa ngayon, wala na akong pakialam. I really really love Sky at kung pagpapanggap lang din naman ang daan para mahalin niya ako, sabi nga ni Xander: "then be it"

Wala naman 'tong pinagkaiba sa ginawa ko noon eh. If pretending to be someone I'm not will make Sky love me back, then call me Julianna now

--

March 16, 2018
2:45 p.m.

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon