Chapter 7: Topic

37 0 2
                                    

***********

**bell rings**

Papunta na ako sa canteen, para kumain, malamang,  ano ba ang ginagawa sa canteen? Para tumae? tsk..

Nakita ko si Jen na kumakaway saken, tinatawag ata ako? Kaya sinenyasan ko na sa canteen na lang mag-conversation...

"Uyyy,  hindi ka pa ba kayo nagpapractice para sa papalapit na pageant? Mr. and Ms. Batch 2018 yata yun? Pero sasali ka? " excited na pagkasabi ni Jen, medyo nagtatampo ako sakanya kasi hindi siya pumunta sa debut ko,  yung handaan kahapon actually debut ko yun kaya hindi ko na mention kasi nabigla ako tsaka nakalimutan ko..pero tama na yun na sa isip nila birthday la yun kasi baka sabihin nila

Bakit ang simple ng handaan niyo?

Dapat pina bongga niyo na, bunso niyo e..

Although it's not a big deal pero tama na yan para sakin at gusto ko lang simple walang kaarte-arte, naalala ko dati ang gusto ko sa resort, sa coron, overnight, kasi ang pinapangarap kong puntahan ay coron because I love the sea water, pero hindi na tuloy kasi naman sa bwiset na school days..

"Huh? Mamaya na yan pag-usapan, always ready ako nuh.. Uyy,  bakit hindi ka pumunta sa birthday ko kagabi? " natatampong sabi ko.. Ikaw  ba naman, best friend mo hindi pumunta sa birthday mo,  syempre nakakatampo..

"Mianhae Misang,  nakalimutan ko, happy belated birthday din" sabi niya.. Mas lalo akong natampo kasi sa lahat ng gusto kong rason na marinig sakanya,  yun pa talaga,  nakalimutan ni Lechera.. Pero imbis na matampo ako, nagalit ako kasi ba naman gumamit ng language na korean, kausap pa ako, e alam naman niya na ayaw ko nun, palibhasa K-pop lover, hindi naman sa basher nakakainis lang kasi parang pinapamukha niya sakin ang low ko tapos siya maraming alam, bwiset.. (I'm also a K-pop lover¯\_(ツ)_/¯)

"Thanks pero ang babaw nang rason mo, sana sa susunod galingan mo and stop with the korean thingy, wala akong alam jan, bwiset" mataray kong sabi.. Well, it's true, totoo namang ang babaw nang rason niya, hindi ako contented..

"Anyways, nasan si Mr. Boyfie? Hindi mo kasama?" kinikilig na pagkasabi ni Lechera.. Huh? Boyfie as in boyfriend? Kailan? Sino? Hindi ko alam..

"Sinong Mr. Boyfie? Hindi ko kilala" nagulat kong sabi.. Wala akong boyfriend, hay buhay, puro na lang kalokohan ang naririnig ko ngayong araw na tuh, kanina si Pesteng Utak, ngayon si Lecherang Jen.. Bwiset..

"Ano ba? Aarte-arte pa, sabihin mo na" nangungulit niyang sabi..

"Sino ba talaga? Kanino mo narinig? " nagagalit kong sabi,  slight lang..

"Si Vincente Bei De Vera o Vince na kanyang palayaw, 17 years old,  former manila citizen kasi hindi ko alam ang current, gender male,  november 28, 2000 siya pinanganak, Victor De Vera at Bea De Vera ang pangalan ng magulang niya at lastly Bettrice De Vera ang kapatid niyang babae, 21 years old, at si Ben Ten ang bunsong kapatid niya" hingal-hingal niyang sabi...grabe, ang babaeng tuh, tinatanong ko lang kong sino, full information pa talaga...

"Wow, full information talaga, tinatanong ko lang kong sino" sabi ko..

"Wait lang....magpapahinga muna ako.... Hay... Pahingi ng tubi" hingal-haingal niyang sabi..

"Oh, bakit ka hingal na hingal? " tanong ko sakanya..

"Walang period eh" sabi niya

"Kasalanan mo yan, sa dami ba naman ng sinabi mo, ang loyal mo naman sa english teacher niyo" pagbibiro ko sakanya..sira-ulo kasi,  wagas kong makabiro, hayss buhay naman oh,  walang normal kaya nag-exist ang mental hospital sa mundo..

Reunited With Him [DELETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon