AMA,NASAAN KA?(A FATHER'S DAY SPECIAL)

67 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Papa!Saan ka pupunta?*sniff*isama mo ako papa please.Di mo na ba ako love?"

Umupo sya para maging magkasing lebel kami ng tangkad

"Anak,may pupuntahan lang si Papa.Love na love ka ni Papa.Tandaan mo yan.Magpakatatag ka anak.Wag ka na umiyak."

Patuloy parin sa pagiyak ang batang babae hanggang sa makaalis ang kanyang Ama.4 na tain pa lamang sya noon at di maintindihan kung bakit aalis ang kanyang Papa na may dalang napakaraming gamit.Wala syang maisip na dahilan kung bakit aalis ito.Ang naalala lamang niya ay ang malakas na sigawan at pagtatalo ng kanyang ama't ina.

Araw araw,hinihintay niya ang kanyang amang bunalik.Laging sumisilip sa bintana,nagbabakasakaling dumating ang kanyang ama hindi parin bumabalik.

Tinatanong nya ang kanyang ina kung nasaan na ang kanyang ama ngunit hindi sya nito sinasagot.

Labis nalulumbay ang bata sa tuwing naaalala ang kanyang ama.

Dumaan ang napakaraming mahahalagang okasyon sa kanyang buhay ngunit di parin bumabalik ang kanyang ama.

Kaarawan,pasko,bagong taon,graduation at mga okasyon na minsan lang nangyayari sa buhay ng nakararami.

Sa loob ng napakahabang taon,pakiramdam nya palagi sa kanyang sarili na may kulang.Hinahanap nya kung ano ang pupuno rito.

Sinubukan nyang ibaling ang atensyon sa ibang bagay ngunit mas lalo lamang syang nahihirapan.

Ngayon sya ay 20 anyos na at magtatapos na rin sya sa kolehiyo.

Habang nagmamartsa para sa kanyang pagtatapos,may nahagip ang kanyang mga mata na pamilyar na bulto.Ito ang bulto ng kanyang ama.Ngunit bigla rin itong nawala.

Naisip nalang nya na dala narin siguro ng pangungulila kaya akala nya'y nakikita nya ang kanyang ama.Hindi lamang iyon unang beses na nangyari na akala mya nakita nya ang kanyang ama.Ngunit lagi rin naman itong naglalaho.

Napabuntong hininga na lamang sya at nagpatuloy na lang sa programa ng kaniyang pagtatapos.Sya ay nagtapos bilang magna cumlaude.Masayang masaya anh kaniyang Ina.Ngunit di parin nawawala sa kanyang isipan ang katanungang "Masaya rin kaya ang aking papa kung narito sya?"

5 taon pa ang nakalipas at nakatagpo na sya ng kaniyang kabiyak sa buhay.Ngunit isang di magandang pangyayari ang dumating sa kanyang buhay.

Ang kanyang anak na 8 taong gulang na noon ay may malubhang sakit sa puso.Nangangailangang ng donor.Ang mag asawa'y hindi compatible para sa bata.Kung kaya't kailangan nilang maghanap ng donor.

Isang araw,habang sya'y nasa chapel sa ospital,may lumapit sa kanyang isang lalaki.May katandaan na ito at halos puti na ang buhok.

Ngunit gaano man na nagbago ang itsura nito,kilalang kilala parin sya nito.

Papa!

Humahagulgol na niyakap nya ang kanyang ama.Sya'y muling naging parang isang bata na sabik na sabik sa kanyang ama.

"Papa,san ka ba nanggaling?Bakit di mo ako binalikan?"

Tanong nya sa kanyang ama.

"Lagi akong nasa paligid anak.Sa lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay mo ay naroon ako."

Sabi ng kanyang ama.

Doon nya napagtanto na hindi pala ilusyon sa tuwing nakikita nya ang kanyang ama.

Ngayon,masaya sya dahil nakasama nya ang kanyang ama.

Ngunit lahat ng iyon ay panandalian lang pala.Isang buwan pagkatapos,maoperahan ang kanyang anak,pumanaw ang kanyang ama.Doon nya nalaman na matagal ng maysakit ito.

At bago pa ihatid sa huling hanungan ang kanyan ama,may ibinigay na isang kahon ang matalik na kaibigan ng kanyang ama sa kanya.

Pagbukas nya rito,punong puno ito ng mga papel na may sulat.Binasa nya ang laman ng mga ito.

Napahagulgol na lamang siya ng mabasa ang mga ito.

Yun ay mga sulat para sa kanya kada kaarawan niya.Ang iba naman ay para pa sa ibang okasyon.

Ngunit nang mabasa nya ang pinakahuling sulat nito para sa kanya,labis syang umiyak ng tuluyan nang tabunan na ng lupa ang kabaong ng kanyang ama.

Nakasaad roon ang mensaheng ito:

SA AKING PINAKAMAMAHAL NA ANAK,

Masaya ako dahil nakita at nakausap kita ng malapitang muli.Labis akong nagpapasalanat sa Panginoon,sapagkat hinyan nya akong muling makita ka sa huling pagkakataon.Patawarin mo ako anak sa labis na pagkukulang ko sa iyo.Nagawa ko lamang lumayo ay sa kadahilanang ayokong maging miserable ang buhay mo dahil sa nagawa kong kasalanan.Nakagawa ako ng kasalanang labag sa batas at ayokong mging kahihiyan iyon sa para sa iyo.Masaya ako para sa iyo anak.Ikaw ang naging buhay ko at naging lakas ko para lumaban.Tatagan mo palagi ang sarili mo.Alagaan mo ang anak mo at hinihiling ko sa panginoon na maging maayos ang pamumuhay nyong mag asawa.Nawa'y patnubayan kayo ng Diyos sa lahat ng bagay.Mahal na mahal kita anak hanggang sa kabilang buhay pa man.

Nagmamahal,

PAPA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMA,NASAAN KA?(A FATHER'S DAY SPECIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon