#7: ACCIDENT?

2 2 0
                                    

-Sheen's POV-

Pagkauwi na pagkauwi ko, ay agd na akong dumeretso sa banyo at naghilamos. Parang inaantok na kasi ako eh.Agd naman akong nagbihis ng damit pantulog at humiga na sa kama. Hayyysss. Andaming nangyari sa araw na to.

Matutulog na sana ako ng bigla kong naalala ang binabalak kong pagganti kay Kevin  bukas sa school dahil Iniwan niya ako kanina. Kainis sya ah. Hinatid nya ko tapos iiwan din namn?! Paasa.

Unti-unti naman akong nakatulog.

__________

"Kringgggggggggggggggggg".

5:00 am

Agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Mama sa kusina na nagluluto ng almusal.

"Good Morning Anak!" Bati sa akin ni Mama habang busy parin sya sa pagluluto.

"Good morning Ma." Matipid kong sagot. At pumasok na ng CR. Inaantok pa kasi ako eh.

Pagkalabas ko ng banyo, nadatnan ko si Mama na kumakain na sa harap ng TV. Napakunot naman ako ng ulo. Hayyys. Balita na nman. Bakit ang mga matatanda ang hilig sa balita?!

Agad namanakong umupo sa tabi ni Mama at nagsimula ng sumubo ng pagkain.

Nilipat naman ni Mama ang channel na TV. Hayyyys. Buti nal-. Ano?! Balita na naman?!

Bigla namng lumabas ng kwarto si Kuya Jeric. Argh. Kagigising palang ata?! Alam ko may OJT siya ngayon.

"Isang kapapasok palang na balita ang  natanggap ng aming network".

Nakikinig si Mama sa TV habang kumakain, habang ako naman heto. Sa cellphone ko ang atensiyon.

"Isang kompirmadong eroplano ang nasabing bumagsak sa bohol."

Ano raw?! Bumagsak na eroplano?!

Itinuon ko naman ang pansin ko sa TV at pintay ang cellphone ko. Ganun din si Mama.

"Kasalukuyan pang kinikilala ang mga nasabing kasamang patay sa pagbagsak ng sinasabing eroplano."

Nanginginig na ang buong katawan ko sa mga oras na to. Bawat pagbuka ng bibig ng reporter ay inaabangan ko. Inaabangan ko ang pangalang"Cristobal Valegre" ang papa ko.

" ang mga nakumpirmang patay sa pagsabog ay sina Mylene Castro, Gabrille Malonzo, Crusta Bagoy, Maria Alcantara, Gian Balovas, Gahala Lanzo. Kasalukuyan pang kinikilala ang mga ibang patay sa pagbagsak."

Haysss. Buti nalang. Nakaramdam naman ako ng ginhawa sa buong katawan ko. Thanks Lord.

Hindi pa ako iniwan ni Papa.


Matutuloy pa ang korea.


Kumpleto pa kami.


Salamat.


"Isa pa sa mga kapapasok palang na pangalan ang kumpirmadong patay sa pagsabog. "


"Kiana Cardoa, Julie anne Valdra at Cristobal Valegr--"


Bigla namang nandilim ang paningin ko. Di ko na alam ang mga susunod pang pangyayari. Unti-unti namang tumulo ang luha ko at napahagulgol. Ganun din si Mama. Napatayo ako at pinatay ang TV. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko gumuho na ang mundo ko. Pakiramdam ko gumuho na ang isa sa mga sinasandalan ko. Bakit?! Yun lang ang katagang pumasok sa isip. Bakit nya kinuha ang papa ko?! Ihahatid pa nya ako sa altar. Ipapakilala ko pa sa kanya si Kevin.. bilang taong Mahal ko.

Cherish Every Moment(Ongoing)Where stories live. Discover now