Chapter 2.6 🌸

795 13 0
                                    

"AT tulad ko ay nabigo ka rin," prankang sagot niya.

Napasandal ito sa upuan. Matiim na tumitig sa kanya. "Anong nalalaman mo tungkol sa akin?" gigil nitong tanong.

"Kung may karapatan kang magtanong sa tunay kong pagkatao. Inalam ko rin kung sino ka at bakit ang sungit mo," prangka niyang sagot dito.

"hmmp...kala mo ha ikaw lang!" saloob-loob niya.

"Anong nalalaman mo pa patungkol sa akin?" tanong nito sa mahinahon nang tinig.

"Kaunti pa lang naman pero kung gusto mong magkuwento. Handa akong makinig," nakangiti niyang sagot sa binata.

Napatango ito at nagpakawala ng buntong-hininga. "Magkukuwento ako on one condition." sagot nito.

"Okey deal!" pumayag siya kahit may halong pagtataka.

"It's simple you just need to stay here until your heart is fix." He grins on her.

Napangiti siya ng malapad dito. "No problem," ayon niya. Umupo siya sa garden set na nasa tapat ng kinauupuan nito.

"Magkuwento ka na," sabi niya kay Devlin at inayos ang pagkakaupo upang makinig sa mga sasabihin nito.

Ilang sandali pa ay nagkuwento na ito. "Magkababata kami ni Danille. Sabay na lumaki, nag-aral at nagkaroon ng relasyon. Masaya na kami sa mundong aming ginagalawan. Until one person came here. A certain Jaxon Belmonte. Nagpakilalang isang talent manager."

Natigilan siya sa binanggit nitong pangalan pero agad ding nakabawi siya sa pagkabigla. Walang nahalata si Devlin sa biglang pagbabago ng kanyang mood. Sandaling tumigil ito sa pagsasalita. Tumitig sa kanya.

Bigla siyang nailang sa titig nito. "Naku please stop the stare thing!" saloob-loob niya.

"Go ahead," utos niya dito. Napangiti ito at muling itinuloy ang kuwento. "Kinumbinsi ni Jaxon si Danille na maari niyang pasikatin bilang isang modelo at artista. Nagtagumpay si Jaxon. Nadala niya sa Maynila si Danille. Balita ko ay may relasyon na sila."

Hindi agad siya nakapagsalita matapos magkuwento ni Devlin. Small world indeed. Akalain ba naman niyang si Jaxon ang tinutukoy nito. Kapag nalaman nito na si Jaxon ang ex-boyfriend niya ang tanong patutuluyin pa kaya siya ng lalaki dito sa Hacienda Salvador? Dapat ba nitong malaman na ang dalawang pareho nilang mahal ang nagtaksil sa kanila? O mananahik na lang siya? Pinili niya ang huli.

"Naghilom na ba ang sugat diyan sa puso mo?" tanong niya dito.

"Masakit ang ginawa ni Danille, Lilac pero hindi ko siya magawang kamuhian. Matagal na niyang pangarap ang maging isang modelo na mahigpit kung tinutulan dahil alam ko na hindi ang isang tulad niya ang nararapat sa ganoong kagulong mundo." paliwanag nito.

"Hindi magulo ang mundo na iyon, Devlin. Ang nagpapagulo ay ang mismong mga taong nalalasing sa tagumpay."

"Dahil kabilang ka sa mundong iyon diba?" sita nito sa kanya.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon