Kabanata 28: Falling Game

33.5K 1.2K 194
                                    





|| Dessy Leondale's Point of View ||

Hinabol ko hanggang sa rooftop ng hospital si San. Doon ko sya nakitang tumatakbo, sumakay pa sya ng elevator kaya naman tinakbo ko papaitaas ang hagdan kahit na sobrang hirap at nakakapagod para saakin ang habulin sya ng ganon.



Habol hininga akong tumigil sa may pinto ng rooftop. Nakita ko doon si San na nakatalikod at umiiyak pa rin. Sobrang nasaktan ko sya.



"San," Tawag ko sa pangalan nya nang bahagya akong makalapit.



"Stay away from me ate Dessy, please. I can't bear to see your face right now!" Pasigaw na sabi ni San na hindi pa rin tumitingin sa'kin ngayon. Tuloy lang sya sa pag-iyak.



Lumapit ulit ako ng isang hakbang, "San please, hayaan mo muna akong magpaliwanag—" Hindi pa ako tapos magsalita nang harapin ako ni San.



"Explain for what ate Dessy?" Napatingin sya sa itaas at inis na binalik ang tingin sakin. "At the first place tinanong na kita kung may nararamdaman ka kay Cal but you denied it. Sabi mo wala kang feelings para sa kanya pero ano yung nakita ko? You kissed him!" Kitang kita ko kung paano bumagsak ang luha sa mga mata ni San at kung paano sya magalit sakin.



Sinubukan ko syang hawakan pero inaalis nya ang kamay ko sa braso nya. "San, sorry kung nagsinungaling ako sayo. Balak ko na talaga sanang layuan at pigilan yung nararamdaman ko para kay Cal pero—" Napatalon ako nang bigla nya akong itulak papalayo sa kanya.



"I said, please! Stay away from me. I don't know what I am capable to do with you ate Dessy. Don't dare me, please." Pilit nya pa rin akong pinalalayo sa kanya.



Pinahid ko na lang ang luhang pumatak sa pisngi ko at dahan dahan na lumayo sa kanya. Siguro nga kailangan ko munang bigyan ng time si San para makapag-isip. Hindi pa nya ako kayang patawarin ngayon pero sana dumating yung oras na mapapatawad pa nya ako.



Paika-ika pa rin akong bumaba ng hagdan at hindi ko mapigilan ang malungkot dahil naaalala ko kung paano umiyak si San sa harapan ko. She's really in pain. Alam ko kung gaano kasakit ang nararanasan nya ngayon kahit na crush nya lang si Cal.



Umupo muna ako sa hagdanan para magpahinga at ikalma ang sarili ko. Parang doble kasi ang nararamdaman kong sakit ngayon. Mga sugat at pasa ko, tapos ito pang nararamdaman ko. May parte ng katawan ko na gustong gusto ang halik ni Cal pero hindi ko pa rin maiwasan ang isipin si San. Ano ba? Anong gagawin ko?



Napasandal ako sa grills na hawakan ng hagdan at ipinikit ang mga mata. Gusto kong makaramdam ng kahit kaunting katahimikan.



Naglabas ako ng malalim na buntong hininga at naramdaman ko na namang ang luha sa kabila kong mata. Hindi ko mapigilan. Bakit ba sobrang apektado na ako ngayon ng ganitong mga drama?



"Stop crying," Napamulat ako nang makarinig ako ng boses sa tabihan ko.



Si Duri, nakatingin sakin ngayon at nakaupo sa tabi ko.



"Nagmumukha kang mahina kapag umiiyak ka." Naramdaman ko ang thumb finger nya sa kabilang pisngi ko. Pinahid nya 'yon at saka hinawakan ang kamay ko. "Get up and stop crying. San will understand what you've done but not me. You need to explain why do you let him kissed you." Muling nag-iba na naman ang reaksyon ni Duri. Napapakunot ang noo ko kapag nagiging ganoon ang mga kinikulos nya.



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon