Isang taon ng mahigit na magkasintahan sina Butanding at Katuray. Mahal na mahal nila ang isa’t isa.
Sa kanilang ika-dalawang taong anibersaryo:
Katuray: Babe, kita tayo mamaya. Sa dating tagpuan. May mahalaga akong sasabihin.
Butanding: Sunduin na lang kaya kita?
Katuray: Huwag na. Basta magkita na lang tayo doon ha.
Butanding: Sige. Ingat. Love you.
Katuray: Ingat ka din.
Sa tagpuan:
Nakita ni Butanding na nakaupo sa bench at nakatingin sa langit si Katuray. Lumapit siya at tumabi sa upuan nito at may tinitigan.
Katuray: Ang ganda noh?
Butanding: Anong maganda diyan? Kadiri kaya.
Katuray: Ha! (lumingon siya at nakita niyang nakatingin si Butanding sa sapatos niya.)
Butanding: Nakatapak ka ng tae.YUCK!!!
Nilingon ni Katuray si Butanding at nginitian ito.
Butanding: Happy Annniversary.
Biglang niyakap ni Katuray si Butanding at sinabing:
Katuray: Maghiwalay na tayo. Ayoko na.
Butanding: P-pero bakit?
Katuray: Hindi na kita mahal. Kalimutan mo na ko.
Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo na si Katuray at tumakbo palayo pagkatapos niyang bigyan ng isang halik sa labi si Butanding.
After 1 week:
Nagtext si Katuray kay Butanding.
From: Katuray
Babe, asan ka? Gusto sana kitang Makita.
From: Butanding
Ayaw na kitang makita. Iniwan mo na ko di ba?
From: Katuray
Please. Kahit ngayon lang. Huli na ito.
From: Butanding
A-Y-O-K-O
Kinabukasan:
White rabbit: Tol, hindi ka ba pupunta sa bahay nina Katuray?
Butanding: Bakit pa? Eh ayaw ko siyang makita.
White rabbit: Sigurado ka? Ngayon na lang ang huling beses mo siyang makikita. Baka magsisi ka.
Butanding: Ayoko sabi eh.
At iniwan na niya ang kanyang kaibigan. Habang naglilibot siya sa paligid ng kanilang subdivision ay nadaanan niya ang bahay nina Katuray. Nagtaka siya dahil madaming tao doon. Bigla siyang kinabahan. Tapos naalala niya, birthday nga pala ni Katuray ngayon. Inisip niya na baka may party kaya siya pinapapunta ng kanyang kaibigan doon. Di siya nakatiis at pumasok siya sa bahay nina Katuray. Pagpasok niya ay bigla siyang natigilan dahil isang kabaong ang bumungad sa kanya. Nang lapitan niya ay nakita niyang nakahimlay roon si Katuray. Umiyak siya ng umiyak. Nilapitan siya ni Katre( nanay ni Katuray) at inalo.
Katre: Mahal na mahal ka niya. Gusto ka niyang Makita kahapon pero ayaw mo.Malala na ang sakit niya kaya siya nakipaghiwalay sayo.
Butanding: anong nangyari sa kanya?
Katre: Nakalimutan niyang huminga dahil sa sobrang pag-iyak.
Hindi ito matanggap ni Butanding at tumakbo siya palabas. Nang mapagod siya ay basta na lang siya sumalampak sa kung saan. Hindi niya pinapansin ang mga sigaw ng mga tao sa paligid niya. Iyak pa rin siya ng iyak. Hanggang sa;
BOGSH!!! ENGGGGGGGGGGG…..
Nasagasaan siya ng pison.
Siyempre pa hindi na siya umabot ng buhay sa ospital.
Ikaw ba naman ang masagasaan ng pison, tingin mo mabubuhay ka pa? Umayos ka nga!!
-END-
