Una

7 1 0
                                    

"Pare, bilisan mo ha! Baka nagdadahilan ka lang para takasan kami"

"Oo na. At hindi ako nagdadahilan, talagang nalimutan ko yung payong ni Mama"

At napuno ng halakhak ang kabilang linya ng kausap ko.

"Oh sige na, at yari ka talaga kay Tita Mina pag winala mo yung payong nya"

He then hang up. I sigh.

Bakit nga ba sobrang importante ng payong? Pwede ko namang ibili nalang ng bagong payong si Mama.
Pero alam ko kahit gaano pa kaganda yung bagong payong na mabili ko kumpara sa dati nyang payong na naiwala ko, siguradong hindi nya yun maa-appreciate at sermon muna aabutin ko. Kesyo taga wala daw ako. Kesyo di na nga ako nagpaalam na gagamitin ko payong nya, winala ko pa.

Pwede ko mang sabihin na hindi ko kasalanan na nalimutan nya yung payong nya sa kotse ko, at inabot ako ng ulan kaya nagamit ko, at biglang tumigil yung ulan kaya naipatong ko na at nalimutan ko, alam kong di ako mananalo sa nanay ko dahil kahit siguradong walang sense comeback nya sya pa din panalo.

Haaaayyyy, I guess nothing changes in life. Kahit gaano ka na katanda, mas importante pa rin sa nanay mo yung payong nya kesa sa anak nya.

Although, another part in me knows I'm just using it as an excuse.

Kasi tama, ayoko sumunod sa mga kabarkada ko at maki-tagay. Dahil panigurado, sa huli magiging driver lang ako ng mga loko pag nalasing na at wala akong choice kundi ihatid sila. Chance ko na 'to para takasan sila.
Pero kahit na immune na ako sa sermon ni Mama at di na bago yung maiwala ko payong nya, bakit ko pa nga ba babalikan yung payong...

Siguro nga I'm just using it as an excuse. Excuse para bumalik sa lugar na yun, excuse para tingnan kung andun pa sya.

......

Ang tagal na din na nagkaron ako ng long weekend at makauwi sa bayan namin. Simula ng mag-college ako bihira nalang ako makauwi at lalo na ng magkatrabaho ako. At dahil lumipat na din dito sa Lacune City sina Mama, nawalan na din ako ng rason para mag-uwian.

Pero dahil long weekend, yung apat kong barkada from college ay nag-ayang mag-roadtrip. Kaya kasama ng mga girlfriends nila, naglibot kami sa mga bayan na nasa labas lang ng Lacune City. At isa ang bayan namin, ang Itamanon, sa mga bayan na nasa labas lang ng Lacune City, 2 hours drive lang at guaranteed no traffic encounters.

Naging huling destination namin ito bago bumalik sa syudad. Hapon na ng makarating kami pero may mga napuntahan pa din naman kaming "Instagram-worthy" spots para sa mga girlfriends na isinama ng mga barkada ko.

Ako lang ang walang kasamang girlfriend. Last minute na kasi ako na-inform na hindi lang pala kaming apat ang magro-roadtrip at may mga isasama sila, dahil kung nalaman ko lang ng mas maaga eh di sana may naaya man lang ako kahit isa sa mga nirereto sa akin ng ate ko o ng officemates ko. Nag-ala tour guide tuloy ako.

Huli naming pinuntahan ang old abandoned pier. Luma na ito at di nagagamit pero naging sikat itong puntahan ng mga turista. Isa kasi ito sa pinaka mahabang pier. Halos umabot na siguro sa kalahati ng dagat na pumapagitan sa bayan ng Itamanon at ang katapat nitong isla ang pier na ito. Exaggeration na siguro yung definition ko, pero pag nasa dulo ako ng pier, pakiramdam ko maaabot ko na yung kabilang isla.
Ang dagat sa ilalim ng dulo ng pier ay asul na asul na hindi mo na matanaw ang nasa ilalim nito. Malayo din ito sa mismong bayan at walang katabing kung anumang establishments kaya tahimik at secluded. Sa bukana ay hindi nagpapapasok ng sasakyan, kahit motor. Business strategy na din siguro nila para mag-hire ng bike ang mga papasok.
Maganda sanang spot ang pier lalo na pag dating ng ala sais ng hapon, ang paglubog ng araw sa kalmadong dagat.

Let Me: Save youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon