Chapter 1: Habang naglalaro ng basketball

16 3 2
                                    

~Jade's POV~

Hi, Ako si Jade. Boyish type ako at mahilig makisama sa mga lalake especially sa best friend ko na si Mike. Sobrang close kami since bata pa kami. Maswerte ako kasi siya ang naging best friend ko. Mabait, maunawa-in at lagi niya akong pinapasaya sa mga araw na malungkot ako at walang modo. Favorite sport namin? Basketball. Pag walang pasok, binubuhos namin yung oras sa pag lalaro ng basketball.

"Bes! Catch!" Pinasa ko sa kanya ang bola.

"Whaaaa! Three points! Ang gwapo ko talaga!" Masayang sinabi ni Mike nung na-shoot niya ang bola.

"Nananaginip ka ba bes? Hahahaha. Gwapo ka diyan! Pahinga muna tayo bes. Mukhang pagod ka na eh." Ang sabi ko.

"Huy! Gwapo kaya ako. Maraming nagkakagusto saakon no? Ako? Pagod? Hindi bes ah! Baka ikaw? Hahaha. Maya ka na magpahinga! Laro pa tayo"

"Sige na nga!"

"Bes! Salu-in mo yung bola ha? Ipapasa ko sa'yo. Tingnan natin kung makaka-shoot ka pa. Mukhang pagod ka na eh. HAHAHA." Mayabang na sinabi sakin ni Mike.

Aba! Ang yabang ah? Hahahaha. Tingnan natin. Pero kahit saang anggulo tignan yung best friend ko ang gwapo pa naman talaga eh. Pero kahit minsan, hindi ako nahulog diyan! Ewan ko nga kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Eh, torpe naman. Nagka-crush nga, halos di maamin eh.

"Game! Sigurado masasalo ko yan!"

At pinasa niya na ang bola saakin. Bigla akong natulala sa kanya.

"Bes! Heto na!" Pinasa niya ng malakas ang bola saakin.

Bigla na lang ako natulala sa kanya. Tila para bang tumigil ang ikot ng mundo. At biglang nagka-Slow motion.

"Araaaaaaay! Ang sakit nun ah! Ang sakit sa ulo!" Yan tuloy tinamaan ako sa ulo. At napahiga sa sobrang sakit!

"Bes? Bes? Okay ka lang? Uy, sorry! Sinabi ko sa'yo salu-in mo bakit di mo sinalo?" Nag-aalapang sinabi niya saakin.

"Paano kita masasalo kung ako mismo nahulog na sa'yo?" Walang malay na sinabi ko sa kanya.

"Huh? Okay ka lang? Wala ka ngang malay" nagtatakang sabi ni Drake.

At nawalan na nga ako ng malay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Aray ko! Ang sakit talaga ng ulo ko. Hala? May nasabi ako kay Mike na dapat hindi ko dapat sinabi! Hay buhay! Ano ba yaaaaaan!

"Hay salamat at gising ka na.sa susunod kasi bes tingin tingin din paminsan minsan. Yan tuloy nahimatay ka. Eh, kung ano ano na yung sinasabi mo saakin." Sabi ni Mike.

Hay! Ang awkward talaga! Para akong baliw!

"Uhhm, Bes? Yung sinabi ko pala kanina wala yun ha? Baka kung ano ano na yung iisipin mo." Nahihiyang sinabi ko sa kanya.

"Ikaw bes ah? Baka pati ikaw nagkakagusto na sakin? Hahahaha. Ang gwapo ko kasi!" Sabi niya.

Hala! Sos maryosep! Buking na buking na ako. Ano ba sasabihin ko?

"Baliw! Ako? Magkakagusto sa'yo? Ew hindi no! At mas gwapo pa kaya ako sa'yo. At hinding hindi ako magkakagusto sa'yo no! Magaganda lang habol ko hindi gwapo! Oh ha?~😎" papoging sinabi ko sa kanya.

"Asuuuus! I'dedeny mo pa? Syempre nag-jojoke lang naman ako bes. Tropa at best friend tayo diba? At walang makakasira sating dalawa." Sabi niya.

At nag peace bomb kaming dalawa~~~~~~

"Umuwi na tayo. Padilim na oh. Bukas naman pwede? Sundu'in mo ko sa bahay ah? Aasahan ko." Sabi ko.

"Hahaha. Sige ihahatid na kita." Ang sabi niya.

Fall For YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang