"Hi everyone! My name is Quinn Alessia V. Alcantara. Minsan mabait, minsan bitchessa. And I am also the girl you never wanted to mess out with. So. Watch. Out. That's all. :)"
Pagkatapos ko'ng magpakilala ay bumalik na ako sa upuan ko kanina.
Transferee ako dito so wala pa akong kakilala.
Actually, galing ako sa isang sikat na university na malamang ay may mahal na tuition fee. Kaya lang, nung masisante si papa sa pinagtatrabahuhan nya kasi napagkamalan syang nagbulsa ng pondo kahit hindi naman, naisipan nyang ilipat nalang ako ng school pagkatapos nung school year. Ilipat sa school kung saan mas mura ang tuition.
Ngayon, nandun siya sa probinsya para tulungan si lola sa pagtatanim. Dun narin nya kinukuha ang perang pinapadala kay tita, kung saan ako nakikitira ngayon. Nagpapadala siya ng pera para sa tuition ko at sa iba pang pangangailangan ko. Si mama naman..
Uh! I've told enough. Masyado na kong maraming nai-daldal.
Back to reality..
Nagpakilala na si Sir at sinimulan na yung pagdidiscuss sa aming magiging first subject from now on, Science.
Grabe naman, first day na first day magdidiscuss agad? Hindi ba pwedeng mag-activity muna about knowing our classmates deeper? Uh! Pero baka ganu'n talaga sila dito.
Anyways, paborito ko ang Science kaya active na active akong sumagot or magrecite. Manghang mangha siguro 'tong mga kaklase ko haha char!
Pagkatapos ng isang oras, nagpaalam na si Sir at dumating naman ang susunod naming teacher.
Nagpakilala na siya at sinabing siya ang magiging teacher namin sa..
History. Ang pinaka-ayaw kong subject.
Hindi naman sa ayaw kong pagtuunan ng pansin ang nangyari sa Pinas dati, kaya lang, naboboring-an kasi talaga ako kapag tinuturo na. Hys. Idk y.
Ghaadd ang boriinggg talagaa! Pero para mabawasan yung pagka-bored ko, nilibot ko na lang yung mata ko sa buong room namin.
May mga tahimik na nakikinig, may mga nagchihismisan, may mga naghaharutan, at syempre may mga gwapo. Achee!
Pero laking gulat ko nang makita ang tahimik na lalaki sa pinakadulo sa may right..
Jak?
Jak Ivan Gutierrez?
BINABASA MO ANG
The Last Ten Months
Teen FictionSabi nila, kapag inlove ka, bibilis ang pagtibok ng puso mo. Pero paano naman yun mararamdaman ng taong may sakit sa puso? Sakit kung saan sadyang mabagal ang pagtibok nito? Maranasan niya pa kaya ang pakiramdam ng pagiging inlove? Meet Quinn Aless...