Chapter 3.2 🌸

776 18 0
                                    

TUMAWA ito ng malakas na ikinagulat niya. "You're blushing," sabi nito na nakangiti.

"Ikaw kasi...eh," kunwari'y inis niyang sabi.

"Maaari ba kitang maging kaibigan, Lilac?" tanong nito sa seryosong tinig.

"Hanggang kaibigan lang ang kaya kung ipag-kaloob sa iyo, Devlin. Kung higit pa roon ay huwag ka nang maghanggad na makipaglapit sa akin," hiling niya dito.

"Sa una ay masakit ang sugat sa puso. Darating ang panahon, pasasalamatan mo rin ang naging kabiguan mo," matalinghagang sagot nito sa kanya.

"Sana nga ay magamot ng panahon ang nararamdaman ko, Devlin. Masakit ang pagtaksilan ka ng lalaking inakala ko'y mahal ako," daing niya sabay yuko upang hindi makita ng lalaki ang kanyang mga luha.

"I know the feeling Lilac dahil tulad mo ay nabigo din ako. Matagal bago makalimot," nakakaunawang sagot nito sa kanya.

"Gusto ko nang magpahinga, Devlin," sabi niya dito sabay pahid ng kamay sa mga luha sa kanyang pisngi.

"Goodnight, Lilac," sabi nito sa kanya.
"Goodnight," tipid niyang sagot at iniwan na niya ang lalaki.

__________________§§§___________________

PAGGISING kinabukasan ay agad na tinungo ni Lilac ang banyo at naligo. Pagkatapos ay pinili niyang suutin ang isang kulay lilac na hanging blouse at short na maong. Tinernuhan niya iyon ng kulay brown na two strap sandals.

Paglabas niya sa kanyang silid ay agad na hinanap ng mga mata niya si Devlin. Napangiti siya nang makita si Nana Conchita. Abala ang babae sa pag-uutos sa mga katulong sa pagpalit ng kurtina.

"Good morning, Yaya Conchita," masaya niyang bati dito.

"Good morning, iha. Gusto mo bang mag-almusal na?" agad nitong tanong sa kanya.

"Si Yaya, alam mo namang hindi ako kumakain sa umaga," nakangiting sabi niya dito.

"Hanggang ngayon pa ba naman ganyan pa rin ugali mo," naiiling nitong sabi.

"Hindi ko yata nakikita si Tito Ramon," puna niya.

"Siya ang kasama palagi ni Declin sa farm. Sa mga baka siya nakatoka," mahabang paliwanag ng kanyang Yaya.

Napatango siya. "Ang mga anak ninyo?" tanong niya ulit.

"Nasa dorm. Doon sila hangga't may pasok sa eskuwela. Umuuwi sila tuwing katapusan ng buwan," mahabang paliwanag nito.

"Eh si Devlin po?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Maagang umalis," sabi nito sabay senyas sa katulong kung saan ilalagay ang mga kurtina.

"Maaari po bang tumulong?" tanong niya.
"Sige, ikaw ang mag-isip kung saan dapat ilagay itong mga muwebles na ito," sabay turo sa mga antigong sala set.

Hindi naging kainip-inip sa kanya ang buong maghapon.

"Yaya, maaari po bang maligo sa swimming pool?"

"Sige," ayon nito. "Lahat ng bisita ng mansyon ay pinapayagang maligo sa pool na iyan."

"Salamat, Yaya," nakangiting sabi niya.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon