Chapter 2

5.5K 155 111
                                    

Chapter 2: Tulay

Carmela's POV

Tunog ng tunog cellphone ko dahil kay Jaeden na yun, epal talaga! Konti nalang iba-block ko na number niya rito. Ano nanaman bang kailangan nito?

Kups
• active now •

Carmelaaaa!

Oy!

Favoooor! ASAP.

Melaaaaa!

Carmelaaaaaaaa! :(

Weh? Sige ganyan ka na.

Ano?!

Tulungan mo 'ko kay manligaw. 

Luh, mukha mo!

Please? :(

Ewan ko sayo. Bahala
ka na dyan, kaya mo
na 'yan!

Luh?

Kaya mo na yan!

Hindi ako sanay magtapat.

Asus.

Ay weh?

Ako kasi 'yung nililigawan.

In your dreams, Jaeden!

'Ge mamaya nalang.

Ba-bye! Pero tutulungan mo
pa rin ako!

I can see him glaring at me while pointing his finger on my face! Kupal talaga 'yon kahit kailan. 'Yaan ko na nga lang 'yon, ew, siya? Nililigawan? Oh please. Kadiri to the highest level. At siya? Hindi marunong manligaw? He courted some girls before sabi ng kuya ko, kaso laging ligwak, laging basted!

Nasa canteen ako at tumitingin ng mga mabibili, wala akong maisip kaya bumili nalang ako ng gummy worms nang biglang may umakbay sa'kin at sinakal ako para manghingi.

"Pahingi!" Gulat sa akin nung isa kong bestfriend.

"Ay ang pangit mo! Inang 'yan Adrian! Nakakagulat ka!" Bulyaw ko sa kanya paglabas namin ng canteen.

"I don't care, dali na pahingi." Pangungulit niya, peste talaga 'yon, nakakabwisit, argh! Palibhasa kasi pandak. Binigyan ko nalang siya at nakasalubong ko si Cassy. Sinamaan niya pa ako ng tingin, dahil ba sa nangyari kanina? Kasalanan ko bang nginitian ako ni Kuya Nash? Did I ask for his smile? Ako ba nanghingi? Kasalanan ko bang mas attractive ako? Char.

"Carmela! Tawag ka ni Josh!" Sigaw ni Malia sa labas ng room namin, kinikilig ata, bakit na naman? Talaga naman si Josh at Adrian, laging gago. Nababaliw na talaga minsan. Naisip ko kung galing ba sila ng mental at nagpanggap lang na matino na para makalabas e. But don't get me wrong, I trust them so much!

Pagpasok ko sa room ay tumugtog ang isang slow rock na kanta. Romantic, wow. It was too late when I learned that the song was Dying inside! Wait what the fuck? That's one of my favorites! Is Josh courting someone? Pero sana ipasa niya muna 'yung Math bago siya manligaw! Pangarap niya pa man din maging engineer tapos puro siya kopya sa Math? Ano 'yon?

"Carmela, 'di ko na mapigilan na umamin sayo. Nagseselos ako kapag kasama mo si Jaeden at 'yung iba mong kaibigan sa seniors. Carmela, crush kita. I know this is against our rule sa barkada pero wala na, nandyan na." Sabi niya sa akin at inabot yung mga rosas na hawak niya. I don't know what to react! Nangunguna sa'kin 'yung inis! I'm sorry, Josh.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now