Author: Ms_Singkit13
Critic: charmdiatz
Genre: Historical Fiction
Target: 15 & aboveA. OPENING
Naalala ko 'yong mga kuwento ng alamat habang binabasa ko 'to. Medyo nahahawig kasi 'yong estilo nito sa paraan ng paglalahad. Magaan itong basahin. Iyong mga salitang ginamit ay angkop para sa edad ng mambabasa nito. Kung hindi sa ilang eksenang sensitibo, masasabi ko na puwede itong pambatang libro. Idagdag pa na ang mga tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa. Parang fairytale ang dating dahil na rin sa tone at mood na ginamit sa unahang bahagi nito.
B. CONFLICT
Sa Panimula pa lang, makikita nang may conflict sa pagitan ng mga tauhan. May mga goal sila na salungat sa gusto ng bawat isa. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nagkaroon ng mas maraming conflict. Pero sa kabila niyon, hindi nito nakuha ang buong atensyon ko. Kinulang sa tensyon. Hindi ko naramdaman kung ano 'yong damdamin ng mga tauhan habang sila'y nasa isang sitwasyon.
C. PLOT
Ito 'yong isang nagustuhan ko rito, may direksyon 'yong kuwento. Mas nagkakaroon ng substance 'yong story as you continue reading. May kaunting sabit lang sa execution ng ibang eksena. Malabo kasi 'yong setting nito. Hindi masyadong naplantsa o naipaliwanag kung ano bang patakaran o batas mayroon sila.
Ang general perception sa monarchy, ang kapangyarihan ng hari kapag namatay ito ay ipinapasa sa anak o sa kamag-anak niya. Ang tanong ko, ito bang si Haring Virgilio ay kamag-anak ni Haring Hektor kaya walang kumukuwestiyon sa legality ng pagiging hari niya? Ito 'yong part na kailangang ipaliwanag pa. Medyo naguguluahn kasi ako kung paanong naging impostor itong si Haring Virgilio. O, uso nang panahon na 'yon ang pananakop at kaya pamilya ni Haring Virgilio ang namumuno dahil sinakop nila ang Mantawi? Kung 'yong conqueror ang kikilalaning ruler, bakit kailangan pang magpakita ng proof ni Haring Hektor no'ng nabawi niya 'yong kaharian niya?
Gaano ba kalaki 'yong kaharian ng Mantawi? Lahat ng kawal sabay-sabay na uminom ng kape kaya pare-pareho silang nakatulog? Wala man lang kahit isang nanlaban? Madali naman pala nilang nabawi 'yong kaharian niya, bakit pinatagal pa ng lagpas dalawampung taon?
Side comment: Naimbento na ba ang kape no'ng panahon na 'yan?
Sa Kabanata 8, no'ng iniligtas si Rodel ng mga rebelde, kinabukasan pa nalaman ni Haring Virgilio na nilusob sila? Gaano ba kalayo 'yong entablado at kulungan, bakit 'di kaagad nakarating sa kaalaman ni Haring Virgilio iyon?
D. SETTING
Isa ito sa pinakamahalagang elemento nitong libro, 'yong setting, Lalo na ang genre nito ay historical. Saang lugar ba nangyari ito? Anong bansa? Anong taon?
Bakit ko tinatanong? Dahil 'yong mga ikinikilos ng mga tauhan dito ay dapat naaayon sa kaugalian o tradisyong umiiral nang panahon na 'yon. Anong klase ng pamahalaan o batas mayro'n sila? Anong kasuotan, estruktura ng mga gusali, mga kagamitan o teknolohiyang makikita noon?