스물넷: Twenty Four

317 26 1
                                    

스물넷: Twenty Four

---

third person's point of view

time passes like a blur. natapos ang kasal ng ate ni sed kaya back to normal na naman ang buhay ng mga girls at boys.

nakatambay ang mga girls sa living room at sila ay nagchichikahan ng biglang parang may sumabog sa may kwarto ng isa sa kanila.

"oh shit! ano yun?" tanong ni thalia sa mga kasama. kaagad nilang tinawag ang land lady nila para ipaalam ang nangyari.

"nag-over heat yung cable wires." paliwanag ng land lady nila sa kanila. nagsitanguan naman ang mga babae. "sorry girls but i think you need to evacuate first para maayos yung apartment niyo." paliwanag pa niya.

"wala pong problema." sagot naman ni cali pero deep inside ay nagtataka siya kung ano na ang mangyayari sa kanila. 

"saan po ba kami tutuloy muna?" tanong naman ni steph.

napabutong hininga naman ang may-ari ng apartment nila. she pointed out the building across them. "doon muna kayo pansamantala." paliwanag niya.

"no freaking way!" sigaw ni cali na ikinagulat ng mga kasama niya.

"akala ko ba ay walang problema?" pang-iinis ni isha sa kanya. bumalik ang tingin nito sa land lady nila. "okay lang po. kahit saan niyo kami ilagay ay ayos lang kami."

walang nagawa si cali kundi ang ngumiti ng pilit. "same floor but different room? hmmm. madaming chismis ang mangyayari." cali rolled her eyes at sica's smart replied.

"i'm sorry girls." yun na lamang ang narinig nila. they decided to pack their things para sa evacuation nila.

"wow steph, sandali lang tayo doon. hindi tayo titira doon?" komento ni sica dahil nagulat siya sa dalang gamit ni steph.

umirap naman ang dalaga. "mas mabuti na ito no. kesa naman sa isa dyan. back pack lamang ang dala." parinig niya kay cali.

tumaas ang isang kilay ni isha. "balak mo bang manghiram ng gamit kay civ?" tanong niya sa kaibigan.

"what? never kong gagawin yun no. tsaka ang liit niya para hiraman ko ng damit." she said as a matter-of-fact. "tsaka, pwede naman dumaan dito sa house natin ah."

nasabi na sa kanila ng land lady na natawagan na yung magiging floor mates nila sa kabilang building. mahigpit na hinawakan ni cali ang strap ng back pack niya.

she doesn't want to go to that place. makita palang niya ang mukha ng binata ay naiinis na siya. bakit nga ba humantong sila sa sitwasyon kung saan naging hate nila ang isa't isa. hindi rin mapagtanto ng dalaga ang sagot sa mga tanong niya.

napahinto silang lahat sa pintuan ng apartment nila civ. "ikaw na kumatok." utos ni thalia kay steph.

tinuro ni steph ang sarili niya. "why me? you knock sica." she diverted the task to sica.

sica just shrugged. "how about a no? get the door isha." utos niya sa katabi.

tumingin si isha kay cali. "ako ang kakatok pero ikaw ang magsasalita, okay?" bago pa man makapagreact si cali ay halos gibain ni isha yung pinto.

"sandali! wag mong gibain ang pintuan namin!" nagkatinginan naman silang lahat. isang nakangiting cai ang nakita nila. "uso mag doorbell ladies."

isha just shoved him at nilagpasan siya. "gusto kasi naming wasakin ang mukha mo este ang pinto niyo." pilit na ngiti ang binigay niya sa binata.

"welcome home mrs. byun!"  sigaw naman ni chase. siniko pa nga nito si sed at lance na nakatingin lamang sa kanya. "anubey? waley energy?"

sed just gave him a death glare. "ang lakas talaga ng katok mo, gago." bulong niya. lumapit siya kila sica. "tulungan na namin kayo sa gamit niyo."

agad naman na nagreact si steph. "oops, kaya na namin to. we're already independent women. don't bother." she said to him.

kumunot lamang ang noo ni sed sa sinabi ni steph. "mahihirapan ka lang dyan." he answered.

"sanay naman akong mahirapan, okay?" mabilis niyang sagot sa binata. abala naman ang mga kasama niya sa panonood sa kanila. mukhang nag-eenjoy pa sila sa mga nangyayari. "kapag sinabi na wag ka nang mag-abala, sana gawin mo."

sed just shrugged. "well, hindi ka ganon. kapag sinabi mong ayaw mo, it means the opposite." paliwanag niya.

napaawang ang bibig ni steph mula sa narinig niya kay sed. "stop muna guys. bago kayo magkadevelopan ulit." awat ni thalia sa mga kasama.

huminto naman sila sa pag-uusap. "ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo." lance offered.

hinatak naman siya ni chase kaya napatigil siya. "eh bakit kay cali lang nakalahad ang kamay mo?" tanong nito.

napakamot na lamang ng batok si lance sabay sapak kay chase. "panira kang dinosaur ka." he mumbled.

"lagot ka kay civ hyung." pananakot pa ni cai kay lance. "possessive pa naman iyon."

"sino bang possessive?" tanong naman ni cali. "yung si dwarfie? baka naman possess ang ibig mong sabihin."

"nice one, im." the moment she heard his voice, nainis na agad siya rito.

"thanks, i know i'm nice but you are not." she said with a grin plastered on her face.

civ frowned at her. "that's the best you've got 2D? nasaan yung pinadala ko sayo?" napantig ang tenga ni cali kaya agad niyang sinugod ang binata.

nahawakan naman agad nila sica ang bag ni cali kaya napaatras ito. "mamaya na ang rambol!" sica exclaimed.

hinitak na nila si cali palayo sa fight scene. dinala na agad nila ito sa kwarto nito. "why are they in here? wala bang bakanteng place bukod dito?" civ asked.

napaluhod naman si cai. "taena, nagsasalita ka pala hyung? salamat naman at may himala!"

"fuck off cai." inis na sabi ni civ sa kaibigan.

"language mo naman byun. may babae na tayong kasama dito sa bahay." paalala ni sed sa kanya.

"so tayo ang mag-aadjust? if they can't stand being here, they can get out." he said.

hinawakan naman ni lance sa balikat si civ. "anong problema mo civ? why do you hate cali?" he asked.

inalis ni civ yung kamay ni lance. "i don't hate her." mabilis niyang sagot sa binata.

"then why are you treating her like that?" lance is giving civ the chance to explain himself dahil mismong sila ay naguguluhan na sa mga nangyayari.

hindi naman kumibo ang binata at pumasok na sa kwarto nito. "napakabugnutin niyang si civ." natatawang sabi ni chase. "don't cha worry pareng lance, hindi na kasi maintindihan ni civ ang sarili niya wahaha."

"bakit naman hyung?" cai asked.

siniko naman ni chase si sed. "ang gago mo chase. don't mind him." sagot nalang ni sed.

"tsk sabihin mo na kasi sed na nagkakaroon na ng crush yang si civ kaya ganyan." natatawang sabi ni chase sa mga kaibigan.

Our Souls Intertwine | Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon