ONE SHOT..
Salamat sa mga magbabasa. Hihi. ^___^
***
Ako si Drei. BABAE ako. Hehe. Akala kasi ng madami lalaki ako kasi panlalaki ang pangalan ko. Third year college na ako. Sikreto na lang ang course. Di na mahalaga.
May boyfriend ako, si Bryce. Half siya. Half tao, half monster!! JOKE. Hihi. 4 years na kami ng boyfriend ko at sa loob ng four years na yun, andaming nanggulo, SWEAR! Kakapagod na nga minsan eh pero kelangan lumaban para sa kanya. Mahal na mahal ko siya. SOOBRA! Halos LAHAT na nabigay ko sa kanya. Pero di ko pa naman naisusuko ang bataan PERO, pero ulit, muntik ko na maisuko sa kanya yun. Sobra ko kasi talaga siyang mahal na halos wag ko na siya hiwalayan. selosa ako at dun nagsisimula ang lahat ng away namin. Di naman siya sobrang guwapo pero malapit siya sa mga babae eh kaya nagtatampo agad ako sa kanya kapag may kasama siyang babae. Buti na lang magaling siya manuyo kaya nagkakabati kami agad.
Birthday niya ngayon kaya nga andito ako ngayon sa kanila kasi may konting salo-salo. Legal kami sa mga pamilya namin kaya nakakapunta siya samin kahit anong oras.
"sige iha, upo ka muna jan. hintayin mo na lang muna si Bry. Baka may ginawa lang sa school kaya ginabi." Nanay ni Bry.
Haay! Asan na kaya ang lalaking yun. 7pm na ah.
*BRRRMMM!
"si Bryce na yata yun Ma." Ate niya.
Sumilip kaming lahat sa labas at si Bryce nga yung dumating. May kasama siya.
Pumasok sila at nagmano siya pati yung kasama niyang babae sa Mama niya. tumingin tingin siya sa paligid tapos nakita niya ako at lumapit sakin.
Hinalikan niya ako sa pisngi, "knina ka pa ba?" ngumiti siya. Himala. Hindi siya badtrip ngayon. Halos gabi-gabi kasi siya badtrip kasi hindi ko na siya pinapayagan makipagkarera ng motor.
Umiling lang ako.
"ahh. Dee, si Mocha nga pala. Bestfriend at kababata ko." Tinuro niya sakin yung kasama niya. "Mocha si Dee."
Tinuro ako nung si Mocha, "ikaw pala yun. WOW! It's my pleasure to meet Drei '˜The Great' haaha"
THE GREAT?!!
"buti napapagtiyagan mo itong bugnutin na abnormal na ewan na ito. Hahaha." Binatukan niya si Bryce. As in batok talaga. Yung mkalaglag ulo.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Nagseselos ako. Nung last time na batukan ko si Bryce, nagtampo siya sakin. Pati nung tinawag ko siya ng abnormal. Pero bakit ang babaeng ito, kahit batukan at sabihan siya ng kung ano ano, parang ayos lang sa kanya. Dahil ba kababata niya ang babaeng ito? UNFAIR! >_
Kumain na yung si Mocha at naiwan kami ni Bryce, "okay ka lang? wag mo nga pagselosan yun. Bestfriend ko lang yun."
Ngumiti lang ako. Alam ko naman eh. May mga bagay lang talaga na dapat pantay ang bestfriend at girlfriend.