Marami akong pinagsisihan kagaya ng pagiging madamot ko sa laruan sa mga kalaro ko noon,yung Jeje Days ko with my high school friends, yung pagpapansin ko kay crush at marami pa.Pero pwede pa silang maitama diba?Pwede pa akong bumawi.Pero yung isa kong pinagsisihan, ang hindi na pwede pang balikan..hindi na pwedeng maitama..
Flash Back.
Hoy Yana,napaka mo talaga!Hindi ka na naawa sa boyfriend mo!- Eto nanaman yung kaibigan ko na akala mo Nanay ko kasi kung umasta sya eh, parang hindi kaibigan.
Tigilan mo nga ako Cess.Hayaan mo sya.Mahal nya naman ako eh.
End of Flash Back.
Ayan..Yang paniniwalang yan ang dahilan ng hinanakit ko.Sa pag aakala kong Mahal nya naman ako at hindi sya mapapagod na intindihan ako..
Pero shet lang..Mali ako..Totoo nga ang sabi nila..Walang forever.. Tama nga sila na hindi nag eexist ang salitang yun..
May forever naman sana kung hindi ako nagpaka-isip bata nun eh..Siguro kung inisip ko rin yung mararamdaman nya siguro masaya pa rin kami hanggang ngayon.Siguro ako pa rin yung dahilan ng pag ngiti nya ngayon..Siguro . . . hay tama na nga..Masaya na sya ngayon oh..
Akala ko naman kasi hindi nya ako kayang palitan, hindi nya ako kayang iwanan, kasi first love never dies nga di ba?Ako ang first nya at sya rin ang first ko.Hindi ko naman akalain na nakakapagod pala akong mahalin... Malay ko ba? Bata pa ako nun..natural lang na maging immature ako.. haay mga palusot ko no..
Akala ko rin noon, madali ko lang syang makakalimutan.. na makakamove on rin ako pag hindi ko na sya makikita pa..Pero mali ako..Limang taon na ang nakalipas.. Nagkita kaming muli.. At sa pagkikita naming yun, alam kong meron pa..Meron pa akong nararamdaman para sakanya..Sya siguro wala na.. Siguro? hay..Talagang wala na.. wala na talaga...Ang sakit lang..
Hoy friend.. Baka matunaw sya nyan..
Tss.Sana nga matunaw na sila, para mawala na sila sa paningin ko.
Haha. Bitter pa rin? Kasal na sya frendd. Look at him, hindi ka ba masayang makita na masaya na sya w/ faye?
Tsk.Whatever.
Nandito nga pala kami sa reception ng kasal ng ex ko. Ang saya nya naman, nakakainggit,,
Hoy frendd tawag ka oh.Magbigay ka daw ng message para kay rico..
WHAT?!!- oh shit. masyado na pala akong nawala sa sarili.
hoy frendd.tayo ka na dali.Nakakahiya,Nakatingin sila sayo oh.
Haist.Bat kasi may ganto ganto pa.At bat kasali pa ako?Nanadya ba sila?Nananahimik na ako di ba..
"Good Evening everyone, hehe.. Hindi naman ako na inform hehe..So first of all. I want to congratulate both of you.Sobrang happy ako para sainyo.hehe.. Amm ano pa ba?Yung kay rico po?Ah eh. Alam naman po siguro ng karamihan dito na sya ang first ko at ako ang first nya. Marami ngang nagsasabi na perfect match kame eh. Tapos naalala ko rin noon yung promise nya sakin na, kung sakaling hindi man kami sa huli, hindi na sya magmamahal muli.
*KRU.KRU.KRU*
Haha.. Joke lang naman...ahaha..Nagulat ko ata kayo..hehe. Kitang kita naman natin kung gaano nya kamahal si Miss Faye eh..So ang last message ko nalang for you rico, sana kalimutan mo na yung salitang promise.Marami na kasing napahamak sa salitang yun eh. Ayoko naman pati si faye ay mapahamak..
hehe . . . So yun lang po.. Alagaan mo si rico, faye ah.. haha.." -Natatawa ako pero may likidong umaagos mula sa mga mata ko.Mga taksil na luha..
Frendd, okay ka lang?Sira ka talaga. Sabe ko sayo isasama kita pero wag na wag kang iiyak di ba?Hay eto na nga ba ang sinasabe ko.
Cess, wag ngayon please.Una na ako sayo ah. Tama na siguro yung nasaksihan ko.--Tama na para makapag-move on ako.Eto lang naman ang purpose ng pagpunta ko.
Hindi kasi ako makakamove on hanggat hindi ako masasaktan eh.
Siguro nga hanggang dito na lang..
Ako nga ang first, pero hindi naman ako ang Last nya..
A/N:Naalala ko lang yung ex ko.kaya ko naisulat to hahahha