Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere: Buod ng Bawat Kabanata
Historical FictionIto ay naglalaman ng mga Buod sa bawat Kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal. Note: Hello there! I posted this for school purposes only. I don't claim this one as mine so don't think that I plagiarize it.