Chapter 4.3 🌸

741 14 0
                                    

NAKARAMDAM siya ng panunubig. Akmang babangon siya pero bigla ring napahiga nang makaramdam nang matinding sakit ng balakang.

Napatitig siya kay Devlin na noon ay nasa kasarapan ng tulog sa divan. Gigisingin ba niya ito. Hindi ba nakakahiya? Pero wala naman siyang magawa kundi gawin iyon.

"Devlin," tawag niya dito.

Nagmulat ng mga mata ang binata. Tumayo at lumapit sa kanya. "Bakit?" tanong nito sabay upo sa tabi ng kama.

"Gusto kong pumunta ng banyo," hiling niya dito na hindi makatingin sa binata

Napangiti ito sa kanya. Walang babalang binuhat siya nito at dinala sa banyo.

"Dito mo na lang ako ibaba," sabi niya.

"Kaya mo na bang mag-isa?" nakangising tanong nito.

"Oo, lumabas ka na," taboy niya dito.

Natatawang tinungo nito ang pinto. "Tawagin mo nalang ako kung tapos ka na," sabi nito.

Namumulang tumango siya. Daig pa nila ang mag-asawa sa kalagayan nila ngayon.

Kay hirap ay matagumpay naman siyang nakapanubig. Ayaw na niyang tawagin si Devlin para buhatin siya kaya humakbang siya palapit sa pinto ng banyo. Gumuhit ang sakit sa kanyang balakang.

Napasigaw siya sa sakit. Nag-aalalang pumasok si Devlin. Napamura ito nang makita ang ginawa niya. Agad siya nitong binuhat.

Pawis na pawis siya nang ilapag siya nito sa kama.

"Ang tigas kasi ng ulo mo," gigil nitong sabi sa kanya

"Akala ko kasi kaya ko na," katwiran niya. "Nahihiya na kasi ako." dugtong pa niya.

Pinigil ng mga daliri nito ang iba pa niyang sasabihin. "Matulog ka na," utos nito.

Laking gulat niya nang mahiga ito sa kanyang tabi. "Bakit dito ka sa tabi ko nahiga?" sita niya dito.

"Para kung kailangan mo ang serbisyo ko. Kalabitin mo na lang ako." sagot nito.

Nag-panic ang isip niya sa narinig. Tatabi ang lalaki sa pagtulog sa kanya. "Devlin, hindi ba ay masagwang tignan na magkatabi tayo sa pagtulog?" tarantang tanong niya. Kahit kailan ay wala pa siyang lalaking nakatabi sa pagtulog. At sanay siyang mag-isa sa kama.

"Wala namang makakakita dahil sarado ang pinto," sagot nito at humilig na sa unan. Kinuha nito ang malaking unan at inilagay sa pagitan nilang dalawa.

Napatango na lang siya. Matagal nang tulog si Devlin pero siya gising pa rin.

Pasulyap-sulyap sa katabi. Hindi siya dalawin ng antok.

Naging magnobyo sila ni Jaxon pero hindi pa niya naranasang makatabi ito sa pagtulog. Napangiti siya ng malapad. Sa mga makakakita sa kanila ay aakalaing may kaugnayan siya sa panginoon ng mansyon.

Mariing ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa at nahimbing na siya.

Hindi na si Jaxon ang laman ng kanyang panaginip kundi si Devlin. Pakiramdam niya ay totoong hinagkan siya ng lalaki. At ayaw na niyang magising para huwag lang maputol ang pagkakadikit ng kanilang labi.

Pero bakit may kakaibang init ang hatid ng mga halik na iyon? Dahan-dahan siyang dumilat. Hindi panaginip lang ang lahat. Totoong hinahagkan siya ni Devlin.

Itutukod na lang niya ang kamay para itulak ito pero bakit may pumipigil sa kanya. May kakaibang init ang hatid ng mga labi nito. Muli na lang siyang pumikit upang namnamin ang tamis na hatid ng halik nito.

Gusto niyang tumutol nang mawala ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Pero nag-aalala naman siyang matuklasan nito na gising siya.

"I love you, Lilac," bulong ni Devlin.

Maliwanag niyang narinig iyon. Lihim na nagdiwang ang puso niya. Mahal siya ni Devlin. Bigla ay natuklasan niyang wala na ang sakit na dulot ng kabiguan niya kay Jaxon. At hindi na niya naiisip ang lalaki.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon