[March 2010]
Eto na ang buwan kung saan aalis na ng school na to si pogi, new chapter na ng life niya ang kaniyang pupuntahan. Siguro gaya na rin ng ibang babae, halo halo ang nararamdaman ko lalo na at mababawasan ang oras na magkasama kaming dalawa, may mga bago siyang makikilala, pero siguro kailangan lang taasan pa ang "pagunawa" at higit sa lahat ay patatagin pa ang "tiwala"
Halos 10 months na kaming committed sa isa't-isa at hanggang ngayon, ayun happy pa rin at contented. Sana nga lang, di siya magsawa kasi para sa akin, siya na at di ko siya ipagpapalit. Mahal na mahal ko siya.
[Graduation Day]
1 year daw mag stay ang mama niya dito sa pinas kaya naman masaya si Macky boy at makakasama niya ang mama niya sa graduation day. Happy din naman ako para sa kaniya kasi isa to sa mga gusto niyang mangyari, ang mabigyan sila ng kuya niya ng oras ng mama niya para daw happy lahat :D
[After ng graduation]
Inimbitahan ako ng mama ni Macky na kumain daw sa kanila, sina papa naman hindi na sumama nahihiya daw sila eh kaya hinayaan ko na lang.
Maraming bisita sa bahay nila, mga kaibigan ng kuya niya, pati friends ng mama niya at iba sa mga faculty members ng school. May ilan din siyang classmate na pumunta pero uuwi rin daw agad.
Pagkatapos ng inuman, kwentuhan, music, kainan atbp.
[8pm]
Holding hands sa garden nila, wala nang masyadong tao nun halos mga kaibigan na lang ng kuya niya na nagiinuman pa at duon ata matutulog sa bahay nila.
"Kulit.." simula ni Macky, nakatingin lang ako sa kaniya habang paupo sa upuan nila sa garden.
"Kahit na grumaduate ako promise ko sayo na hindi ako magbabago, basta kung may problema ka man sa akin lalo na sa relasyon natin sabihin mo lang para maayos at hindi tayo magkaroon ng di pagkakaintindihan." sabi niya, natawa lang ako.
"Ang drama mo!" sabi ko sabay gulo sa buhok niya at takbo, hinabol niya ko at naabutan. "Basta kung anong meron tayo ngayon panatilihin na lang natin at kung magkaroon man ng pagbabago sa ating dalawa isipin natin kung makakabuti ba yun. Ok?" sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa bahay nila, "Ikaw ang madrama eh" sabi ni Macky sabay kurot sa ilong ko.
"Aray!" sabi ko, pinisil ko naman yung pisngi niya. "Aaahh.." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at halik sa akin "Hoy, Mr. Macky Ramirez sumosobra ka na ah. Puro kiss sa akin, ako wala pa ah." sabi ko sabay kiss sa kaniya. "Oh yan quits na.." sabi niya sabay hila na sa akin para pumasok sa loob.
[9pm]
"Uwi na ko.." sabi ko pagkatapos naming kumain ulit at manuod ng tv sa sala nila. "Halika na hatid kita" sabi naman niya sabay tayo namin.
Nagpaalam naman kami sa mama niya pati sa kuya niya at mga katropa nung kuya niya.
Pagdating namin sa bahay, gising pa si papa at mama. "Good evening po" sabi ni Macky pagkapasok namin sa loob, nagmano naman ako kila mama. "Oh, congrats" sabi ni papa sabay tayo at nakipag-shake hands kay Macky. "Congrats Macky" singit ni mama.
"Teka ma, magbihis lang ako ah." sabi ko sabay akyat pataas.
Pagkababa ko nagsabi si Macky na uuwi na siya "Sige kulit, text na lang kita" sabi niya "Hatid ko lang po siya sa labas ah" sabi ko kila papa.
Pagkalabas namin, "Oh!" sabi ko sabay harang ng kamay ko sa mukha ko, si pogi kasi hahalik na naman eh. "Enough for today" sabi ko sa kaniya "Para naman mamiss mo ko" sabi ko "Sige, good night" sabi niya sabay papunta na sa kotse niya. Parang nalungkot siya kaya naman eto..
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Novela JuvenilA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".