************************************
DEADLY SIN
************************************
(Rence's POV)
Heto ako ngayon naghihintay kay Jess na lumabas sa bahay. Ang tagal makapili ng swimming wear ah hahaha. Apat na klase kasi ang binili ko at syempre iba iba ang kulay may red, white, violet at saka---
Woahhh black. Sh*t ang ganda niya talaga. Mas lumalabas ang kaputian niya.
Lumabas na kasi si Jess at f*ck! Parang dyosa! Ang sexy niya parang ayaw ko tuloy ipasuot sa kanya yun.
"Bagay ba sakin?" Nahihiyang tanong niya sakin. Dahan dahan naman akong tumango saka tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Magbihis ka nalang pala" malamig kong tugon sa kanya. Why? Tsk sobrang expose katawan niya di pwede! Maraming manyak dito.
"H-ha?" Nagtatakang tanong niya.
"Ano ba talaga?"
"Magbihis ka ISA!""A-ano ba bat galit ka?!"
"DALAWA! JESS PAG UMABOT ITO NG TATLO? HUHUBARAN KITA ANO?!" Di ko mapilang singhalan siya. Nagulat naman siya sabay napayuko. Umamo naman ang tigreng ako nang makita ko siyang nakayuko na. Takte ano ba ang ginagawa ko?'Overprotected boyfriend?' Oo boyfriend niya naman ako diba? NGAYON LANG!
Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.
"Magbihis ka na... Sorry sa inakto ko.. Ayaw ko kasi tumingin ang mga lalake sa katawan mo--- g-gusto ko ako lang" paumanhin ko. At hinigpitan ang pagkayakap.
"Seloso hmmp!" Bumitaw na ako at hinayaang makaalis si Jess.
Umm ako lang ba? O nakita ko talagang nakangiti si Jess habang tumatakbo papasok sa rent house?(Jess's POV)
Habang nagbibihis ako ULIT. Nakita ko nalag sa salamin na may nakangiti. Hala? Bat nakangiti ako?
Napahawak ako sa dibdib ko...
"Ehhh hayst! Baliw na ako!" Di ko na naintindihan ang sarili ko. Ano ba naman yan! Arggg help! Ewan ko pero biglang sumaya ang puso ko ng makitang nagseselos si Rence. Ayy p*ta ano bang nangyayare sakin?
Lumabas na ako na may suot na manipis na T-shirt at short na kulay white. Hawak hawak ko ang t-shirt na maluwag habang papalapit kay Rence.
"Yan mas gumanda ka!" Makahulugang sabi ni Rence sakin at sinalubong ako ng yakap.
Namula naman ako. Pangalawang beses na yan sinabi niya sakin. At di ko naman mapigilan ang sarili kong mapangiti.
(Felix's POV)
"Ang tagaaaaaaaaaaal!" Reklamo ni Mana. Di ko siya tinapunan ng tingin dahil busy ako.
"Bwesit! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko. Pinadali niya kasi akong gawin tong nakakabwesit gawin sa opisina.Bat siya nagmamadali? Kasi gusto niya daw makita si Jess din sa BUGSAW RESORT? At bat niya nalaman? Ni-track niya lang. Dala dala kaya ni Jess lage yung cellphone. Hmm gps ba yun?
"Sige ka pagdi mo bilisan yan--- oh my! Si Jess tas si--- Rence nako baka---" pabitin na bulalas niya. Bigla naman uminit ang ulo ko. Arggg Mana!
*BOOGSH*
"Milagro!" Sigaw niya nung tinapun ko ang baso sa pader pero malayo naman sa kanya yun.
"Joke lang naman KUYA" nagpapacute niyang sabi sakin nung sinamaan ko siya ng tingin. Di magandang biro yun! Tang*na sasakalin ko to kahit kapatid ko pa ito!
"Hihihi lovebya!" Sigaw niya at hinalikan ako sa pisngi sabay kuha ng mga nakakabwesit sa lamesa ko.
Hayy salamat naman tutulungan niya ako. Gusto ko ng puntahan si Jess dun.
"Pero Felix paano kung magmilagre nga sila-- ayy bulate!" Tinapunan ko siya ng ballpen. Bwesit na eh. Hays bakit ba ako may kapatid na kulang ng buwan? Tas menopause pa?
Alam niyo? Ayy hindi pala hahaha. Pinuntahan ko si Jess sa bahay nila kaya lang ----_______---- wala siya. Nagdedate daw kasama si mukhang sh*t! At heto pa ah. Parang bet din nila si Rence. Aba di pwede yun! Dapat ako lang!
Bwesit!
Dapat matapos ko na to. 11:11 na pala haysss wait me there! Tatapusin ko lang 'to.
(Mana's POV)
Kyaaa Im so kilig! Monthsary namin ngayon ni Dundee kyaaa! Pang 13 months na ang relationship namin. Oyee alam ko walang nagtatanong bwesit. Hmmp!
Fast forward tayo and yes! Nakarating na kami sa Bugsaw Resort! Grabe kapagod umupo. Tinulungan ko kasi si Felix sa mga papeles na nakakabwesit daw kuno sabi niya kaya napabilis ang pagtapos namin dun. Awieee pasalamat siya bait bait kong kapatid.
"San na sila?" Di mapakaling tanong ni Felix at palunga linga sa paligid. Aww di naman halata na gusto na niyang makita si Jess nuh?
Mapagtripan nga--- wahahaha! Shhh kayo ha?
"Oh sh*t KUYA kakaalis pa lang nila!" Habang nakatingin ako sa laptop ko. Dun ko kasi makikita yung ano Tracker. Sinundot naman ako ni Dundee pero sinanyasan ko lang siya na tumahimik muna. May trip pa akong gagawin at tatapusin.
"WHAT?!" sigaw ni Felix. Arayyy shakit sa tenga ah. Ang lapit kaya namin sa isa't isa.
Narinig ko namang tumawa si Dundee. Yieee ang sarap sa ears ang tawa niya mga beks! Di tulad ni Felix parang tambotso! Wahahaha!
"You're kidding me right?!" Pinigilan kong di matawa ng maghilamod siya gamit ang kanyang kamay. Wahaha alam ko galit na yan!
"Sino si kidding? Ako o si ikaw? Gulo mo kausap KUYA" sabay ngisi. Sa mukha ni Felix ngayon gusto niya akong sakalin hahaha!
"Hahahaha joke lang pahinga muna tayo Felix di ka ba napagod umupo?" Hahaha parang natae si Felix sabay hilot sa sintido hahaha!
"Stupid kiddo" ayy aba gaya gaya kay daddy oh. Well may pagkapreho din naman sila ng ugali pero si Felix nga lang di mahilig sa trip namin ni dad. Awieee.
"Umalis ka na Felix! Magdedate pa kami ni Dundee. Blee walang girlfriend" pang-iinis ko ulit nito. Akmang huhubarin sana ni Felix ang tsinelas niya nang nakatakbo na ako este kami ni Dundee. Hilang hila ko pala siya. Hueehuee mas kilig ako pagkasama ko siya di tulad ni Felix hagard na hagard ako.
Maya na ako mag-isip ng plano date muna kami blee kayo!
************************************
I like Mana na hahaha! Ano na kayang mangyayare? What if magkita sila? Kung ikaw si Jess sinong pipiliin mo?
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)
Любовные романыAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...