CHAPTER THIRTY-ONE

11K 116 13
                                    


CHAPTER THIRTY-ONE

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Jess's POV)

Simula nung araw na nakilala ko si Mana. Mas lalo akong napapalapit sa kanya. Makulit siya. Minsan sweet saka minsan din parang demonyo kung magalit. Katakot siya promise! Kala mo kakatayin ka na sa sama ng titig niya sayo.

Kawawa nga si Felix eh. Siya lage ang trip ni Mana. Hahaha. Syempre pati din ako. Nakikisabay sa trip ni Mana.

Minsan naawkward ako kay Felix. Saka hindi na kumakabog ang puso ko na weird? Di ko alam kung bakit.

Makalipas ang ilang buwan. Hindi ko na nakikita si--- Rence. San na ba siya? miss ko na siya. Noong nagdaang araw napapaganipan ko yung gabi na lasing ako tas---

Arggg di ko --- nalilito ako. Sa tuwing napapaganipan ko yun napapaiyak ako tas ang weird ng kabog ng puso ko.

Naalala ko yung pagsalita ko ng I love you sa isang lalake. Sino ba yung lalake? Si Rence ba yun? Argg imposible, bat ko katabi si Felix pagkagising ko? Si Felix ba yung nasa panaginip ko?

"Ate Jess!"

Umasa ba ako na si---

"Ate Jess? Yohoo?"

Rence yun? Argg oh please tell me naman oh. Ano ka ba talaga sakin Rence? Bakit iba tong nararamdaman ko?

"Ate?" Napatingin naman ako bigla kay Mana ng hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinarap sa kanya. Nagkatinginan naman kami sa mata.

"You okay?" Tumango lang ako at pilit ngumiti. Hinawakan ko ng mabuti ang kamay ko kung saan doon sinuot ni Rence ang singsing.

'I miss him'

Napansin ko namang titig na titig si Mana sa kamay ko kaya itinago ko nalang ang kamay ko at pilit na ngumiti. Ngumiti din naman siya.

"9:00 pm Felix well fetch you ate" sabi ni Mana kaya't tumango ulit ako. Buti inulit niya sabihin yun. Hayy nakalimutan ko eh.

"Spacing out huh?" She pinch my cheek then smile. Parang may gusto siyang sabihin eh. Pero ewan siguro imagine ko lang iyon.

"Magsalita ka na baka mapanis laway mo niyan ate hahaha!"

"Hindi ah hahaha ikaw talaga Mana" tawa lang kami ng tawa tas kwentuhan. At pagkatapos ay nagpaalam na siya sakin. Pero kahit papaalis na siya alam ko may gusto siyang sabihin.

"Bye bye!" Kumaway lang ako at binabaliwala nalang yung iniisip ko.


FAST FORWARD

Pagkauwi ko ay humiga agad ako sa sofa. Nandito na pala si daddy tas si kuya Dave. Mamaya pa daw uuwi si mommy. Naggrocery lang daw.

"Oh buti umuwi ka na. Hinahanap ka ni mommy kanina. Magpapasama sana sayo" salita ni kuya Dave habang busy sa pagatype sa laptop niya.

Di ko nalang siya pinansin dahil mas pinili kong makipagtitigan sa kisame. Ehhhhh nalilito ako.

"Kapatid san na pala ang manliligaw mong torpe?" Tanong ni kuya Dave kaya napaangat naman ako ng ulo para tignan siya.

DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon