-2-

17 0 0
                                    

Makalipas lang ang dalawang araw ay naging maayos na ulit ako. Kung ang pagiging maayos ay ang pag-iyak tuwing gabi, ang pagtawa kahit nasasaktan na, ang pagngiti kahit kumikirot ang puso, masasabi ko ngang maayos ako-- maayos pa naman ako.

"Hay nako Tita hindi ko talaga maintindihan 'yang dalaga niyo! Nagpapakatanga pa rin siya kay Carlos! Jusko naman hindi na ba siya makakahanap ng iba? Bakit hindi ulit siya mag-try na mag-boyfriend?! " Rinig na rinig ko na agad ang boses ni Letty hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng kwarto. Palagay ko ay nakapagsumbong na siya sa nangyari no'ng nakaraang gabi. Sa kanila nga ako natulog no'n dahil lasing na lasing daw ako at mukhang hindi ko na kakayanin pang umuwi dito sa bahay namin.

"E hindi ko naman mapipigil ang puso niya--"

"Tama! Dahil kung napipigil lang 'to, " sabay turo sa aking puso, "ay matagal na sanang hindi si Carlos ang mahal ko! "

Hindi pa man tapos ang pagsasalita ni Nanay ay nagsalita na ako agad. Napairap lamang si Letty at naiinis na inilapag ang madumi kong damit na iniwan ko sa kanila. Mukhang malinis na iyon kaya dinala niya na rito.

Kinuha ko iyon at agad na nagpasalamat sa kanya. Muli lang siyang napa-irap at malakas na bumuntong hininga. Mahina lamang akong napatawa sa ginawa niyang iyon. Kahit kailan talaga'y never niyang sinuportahan ang feelings ko para kay Carlos. Ang sabi niya'y katangahan lamang daw ang ginagawa ko. Walang pagmamahal sa sinasabi ko dahil hindi daw kailanman naging pagmamahal ang pananakit sa sarili.

"Suportahan mo na lang 'tong kaibigan mo Letty, " medyo natatawang saad ni Nanay.

"Ano pa bang magagawa ko? Kahit tanga naman 'yan hindi ko 'yan iiwan 'no! " Malakas na napatawa si Nanay sa sinabi ng isa, ako nama'y nakitawa na lang din sa kanyang sinabi.

"Ramdam ko ngang mahal na mahal mo ko e, tayo na lang kaya? " biro ko pa sa kanya ngunit ang isa'y sineryoso yata ang sinabi ko at bigla na lamang ngumiwi na parang nandidiri sa aking sinabi. Kaya naman kami ni Nanay ay 'di maiwasan na muling matawa dahil sa kanyang hitsura.

"Jusko Shin kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo! " Malakas ang boses na sabi niya.

"Hindi naman mabiro ang pangit na 'to, " pang-aasar ko pa at lumapit sa kanya ngunit ang gaga ay bigla na lamang lumayo sa akin.

"Hoy Shin 'di tayo talo! " Ang gaga mukhang sineryoso nga yata ang sinabi ko.

"Tanga ka? Ipagpapalit ko ba si Carlos sa'yo? Syempre hindi 'no! Gagang 'to! Lalaki ang gusto ko Letlet! Lalaki lang ang mamahalin ko! " sigaw ko pa sa kanya at muli na namang napatawa. Nakikita ko naman ang mahina ring pagtawa ni Nanay habang nasa gilid namin at nanonood sa kabaliwan naming magkaibigan.

"Tse! Alam ko naman 'yon 'no! Sinasakyan ko lang 'yang biro mo! " sabi niya pa at muling umirap.

"Tse ka rin! Pangit! Letlet makulit pangit! " asar ko pa sa kanya at gaya noon ay hindi nagpatalo ang gaga!

"Shinshin makulit 'di love ni Carlos! " at humagalpak siya sa tawa. Sayang-saya talaga siya kapag sinasabing 'di ako mahal ni Carlos e 'no?

"Alam ko na 'yon Letlet! "

"Alam mo na pala bakit hindi mo pa itigil 'yang pagpapakatanga mo? " Seryoso ang mga matang tanong niya sa'kin. Ang kaninang magaan na pag-uusap namin ay tila bumigat dahil sa tanong niya na iyon.

"Mahal ko nga kasi, " simpleng sabi ko.

"At dahil mahal mo handa kang magpakatanga? Gano'n ba? "

"Anong gagawin ko? Mahal ko e, try mong magmahal gaya ng ginagawa ko baka sakaling maintindihan mo ko. "

"Wag na lang, kung ganyan lang din pala mas mabuting wag na lang akong ma- in love! "

"Hoy kayong dalawa itigil niyo na nga iyan, mag-almusal na lamang tayo, " pag-aawat sa'min ni Nanay. Tumango lamang kaming dalawa at sinumulan na ring kumain.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan namin ni Letty na magkulong sa kwarto ko. Pag-usapan daw namin ang nangyari nang gabing naabutan niya kong lasing na lasing sa bar niya.

"Ayon ang gago iniwan ba naman akong bigla! " Parang wala lang kung i-kwento ko sa kanya ang nangyari ngunit ang totoo ay nasasaktan ako-- nasasaktan pa rin ako.

That night umasa ako, I thought that somehow Carlos thinks that I can be his girlfriend pero mali pala ako. Hinding-hindi niya iisiping maging kami dahil mahal niya si Mica. Mahal na mahal niya iyon.

"Then anong nangyari after no'n nagpakalunod ka na sa alak? Walang bumalik na Carlos? "

"Tanga lang Letlet? Sa tingin mo ba kung may bumalik na Carlos maiiwan ba ko do'n? Sa tingin mo ba may masusundo kang Sheena sa bar mong 'yon? "

"Ito naman nagtatanong lang e! "

Muli sana akong magsasalita nang maramdaman kong tila may nag- vibrate sa ilalim ng inuupuan ko. Iniangat ko ang pang-upo ko at kinapa ang bagay na 'yon. 'Yong cellphone ko lang pala. 'Yong cellphone ko! Shete! Naupuan ko 'yong phone ko mabuti na lang hindi nabasag!

Carlos calling...

Tumatawag ulit siya. Ano na naman kayang problema? May nangyari na naman ba? Nag-away ba ulit sila ni Mica at kailangan na naman niya ko?

"O 'wag mong sasagutin 'yan! " biglang sabi ni Letty at agad na inagaw ang phone ko.

"T-teka akin na 'yan! " Pilit kong inaabot ang kamay niyang may hawak ng phone ko pero itinataas niya lamang ito o kaya naman ay ilalagay sa likurang bahagi niya.

"Ay hindi! Itong gago na 'to tatawag lang kapag may kailangan! Aba naaabuso ka na Shinshin at hindi na ko papayag sa ganyan! "

"Pero baka emergency...? "

"Anong emergency? Bahala siya sa buhay niya! " Nakita ko kung paano niya patayin ang phone ko at ihagis iyon sa akin na agad ko namang sinalo.

Muling nag- vibrate ang phone tanda na muli na naman siyang tumatawag kaya naman agad akong lumayo kay Letty at sinagot ko na rin ang tawag.

"O bakit napa--"

"N-akipag- break na s-siya sa'kin... W-wala na k-kami... "

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. At mas naguluhan pa ko dahil sa halip na malungkot ako dahil sa boses niyang puno ng hinagpis ay parang tanga ang puso ko na galak na galak dahil sa kanyang sinabi.

Bakit parang masaya pa ko?

---

Friend of Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon