Comeback, Be Here.

102 5 1
                                    

Ilang araw, ilang buwan, ilang taon ang lumipas ngunit ang pag-ibig ni Jazz ay hindi nagbabago. Marami ng lalaki ang gustong manligaw sa kanya pero hinihidian nya ang mga ito. Ang parati nyang sinasabi sa mga ito ay ... "May hinihintay pa ako." Hanggang ngayon ay umaasa pa rin sya nababalikan sya ng lalaking pinasaya sya noon at sinaktan rin sya noon. Pero para sa kanya hindi matatawag na pag-ibig ang naramdaman nya kung wala syang mararamdaman na sakit. Para sa kanya hindi nya bibitawan ang patuloy nyang pag-asa na may nararamdaman pa si Daryl sa kanya. Alam nya na naipit lang silang dalawa sa away na kanilang pamilya. Hindi sya naniniwala sa dahilan ng lalaki na para sa kinabukasan nya yon.

Natupad ang pangarap nya na maging isang doktor. Naging masaya sya dahil dito pero napapaltan rin ito ng kalungkutan dahil sa tuwing maaalala nya na wala sa tabi nya ang lalaking pinakamamahal nya at sumusuporta sa kanya. Kahit na wala sa tabi nya ang lalaki ay nagpapasalamat pa rin ito dahil sa sya ang naging inspirasyon nya sa pagtupad ng mga pangarap nya. Sa tuwing malulungkot sya iniisip na lang nya na darating ang lalaki sa di inaasahang panahon at oras. Kagaya ng mga nababasa nya sa mga libro. Simula ng maghiwalay sila natuto na syang magbasa nang mga libro tungkol sa pagkasawi sa pag-ibig.

Isang magandang umaga!. Sabi nya sa sarili nya. Umaga na at masaya sya dahil sa dumalaw sa panaginip nya ang lalaking pinapangarap nya. Pumunta sya sa kanyang working area. Tiningnan ang mga bagong e-mails na dumating. Napakarami nito at tungkol ito sa promotion at mga inaalok na trabaho sa kanya. Pero isa lang ang nakapukaw sa paningin nya. Pinindot nya iyon gamit ang cursor ng mouse. Matagal mag-loading ito pero alam nya sa sarili nya kung sino ang magpapadala ng ganitong e-mail.

Nang mabuksan nya ang e-mail. Bumungad sa kanya ang isang mala-nobelang sulat. Binasa nya ito.

To: Jassmine de la Paz

From: Daryl Lopez

Kamusta na! Nakuha mo na ba ang license mo sa pagiging doktor? Kung nakuha mo. Congratulations!. Maaring maiyak ka dahil sa sulat na ito o maari mo ring gawin ang ginawa ni Kenji sa 'She's Dating the Gangster'  na paborito nating basahin. Matagal ko na itong nasulat mga isang taon na ang nakakaraan. Nagtataka ka siguro kung paano ko na-isend. Natatandaan mo ba ang ginawa mong website na para sa letter ng mga lovers. Gumana sya!. Inayos ko lang sya. Sinulat ko dahil sa namimiss na kita. Ngayong araw na ito ang una kong birthday na wala ka sa tabi ko. Nakakapanibago nga. Pero okay lang kasi nandito naman ang family ko. Wag mong kakalimutan na kahit kailan hinding hindi kita inaalis sa puso ko. Nandito ko lang. Ikaw pa rin ang nag-iisa at one and only. Sana ganon rin ako sayo. Dahil birthday ko ngayon dinalhan ako nina Papa at Mama ng cake ung favorite mong flavor 'Vanilla'. Masarap pala talaga yon. Sa tuwing makakakita ako ng Vanilla Cake hindi ko maiwasang maaalala ka. Kaya nga nabili ako. Pero ngayon hindi na ako makakita ng Vanilla Cake. Bawal na kasi akong lumabas sabi ng doktor. Kailangan ko raw umiwas sa mga mikrobyo. Sana nandito ka sa America para alagaan ako. Sa totoo lang may sasabihin ako sayo pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ganito ko kasi...

Isang araw habang naglalaro ako ng basketball kasama ang mga kaibigan ko dito bigla na lang akong nahilo, ang alam ko normal lang yon sa taong Anemic pero kakaiba ang nararamdaman ko. Nanghihina na ako at natumba. Pagkagising ko nakita ko na lang na nasa isa akong ospital. Nandoon si Mama at Papa. Si Mama iyak ng iyak. Gusto ko sana syang patahanin kaso nga lang hindi ko magawang magsalita dahil sa nakalagay sa bibig ko. Nang makita ako ni Mama na gising na bigla syang tumawag ng nurse at chineck ako. Hindi ko inaasahan na mas matindi pa pala sa anemic ang nakuha kong sakit. Sabi nila may lukemia raw ako. Noong una hindi ako naniwala pero wla naman akong magagawa dahil sa ayon ang sinabi ng doktor.

Masakit man tanggapin pero may taning na buhay ko. Maaring sa susunod na taon mamatay na ako at hindi kita mabalikan. Maari rin na sa ngayon ay mamatay na ako. Hindi ako takot mamatay, handa na nga ako pero sabi ko sa sarili ko may maiiwan akong mahalagang bagay... at Ikaw yon. Dahil sayo lumaban ako sa sakit ko pero mahirap pala ilang chemo ang ginawa sa akin. Halos masuka na nga ako. Nawala na ang buhok ko at namayat na rin ako. Para na akong buto't balat. Kung sa ngayon pupunta ka dito baka magtago lang ako dahil sa ayaw kong makita mo akong nasa ganitong kalagayan. Sinabi na sa akin ng doktor kung  kailan ako mamatay sabi nya sa June 21, 2013 raw. Ngayong binabasa mo ito wala na ako sa mundong ito. Nasa langit na ako. Pero bago ako umalis may gusto lang akong sabihin sayo....

I love you Jazz. I miss you Jazz. But forget about me ... because you need to move on. Good bye my Jazz.

***

Natapos syang magbasa. Nabasa ang keyboard ng laptop nya. Inubob nya ang ulo nya sa may working desk nya. Umiyak sya ng umiyak. Walang humpay ang iyak nya. Para syang batang inabanduna o di kaya naman ay tutang iniwan sa umuulang kalsada. Kaawa-awa sya. Hindi niya lubos isipin na hindi na babalik sa kanya si Daryl. Hindi na nya muling makikita ang mga ngiti nito. Lahat na ata ng sakit naramdaman nya. Para syang pinagsakluban ng lupa. Hindi maubos ang mga luha nya. Maraming tanong ang pumapasok sa isip nya. Bakit lahat na lang ng sakit naramdaman ko? Bakit ako pa? Pwede pa ba syang bumalik?. Nadinig nya ang ringtone nya. Hindi nya iyon sinagot sa halip nakinig sya sa tugtog. Ang title ng tugtog ay "Come Back, Be Here by Taylor Swift."

Come back Daryl, Be here beside me.

Kung Mahal mo, Pakawalan mo. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon