First Day

20 0 0
                                    

14:29

          Ang ingay, Lahat sila may kausap. Lahat sila may kadaldalan. Ako? Eto, pinapakinggan ko lang yung mga boses, sigaw at tawanan nila. Tinitingnan yung mga ekspresyon nila sa bawat kwento nila. Sila yung mga taong makakasama ko sa loob ng isang semestre pero ramdam ko, aloof ako sa kanila. Hindi kasi ako galing dito. Galing ako dun sa sinasabi nilang "creme of the crop", e kaso, hindi ako maayos nung 2nd sem kaya ako nalipat dito at bumaba ng konti yung GWA ko. Wala e, ganun talaga. Kilala ko naman yung iba dito pero parang lahat na talaga bago. Close ko rin yung iba dito kasi mga kaklase ko nung 1st sem ng 1st year kaso parang iba na talaga. Hindi ko alam pa'no ako mag-aadjust sa kanila. Masyado akong nasanay dun sa iba. Bagong buhay nanaman.

         "Bakit ka andito? 'Di ba magttransfer ka? 'Di ka welcome dito, alis! Tsssss."

       Bakit pa nga ba ako pumunta dun kanina sa pwesto ng mga kasama ko sa org? Bakit? Para lang saktan sarili ko? Bobo rin e. Nakakainis. Basta, hanggang ngayon, hindi ko parin alam bakit nila ako binubully e wala naman akong ginagawa sa kanila. Hayahayyy. Maghahanap nalang ulit ako ng bago kong tambayan. Yung mga naging kaibigan ko talaga dun, minsan ko nalang makakasama. Yaan ko nalang siguro.

     Anong oras na, wala parin yung prof namin dito sa Philippine History. Yung prof din namin sa Art App wala. Tas feeling ko rin, wala yung prof ko sa pang 3-4 at 4-5 na klase namin. Sabi kasi nung mga kaklase ko dati, wala pa raw kaming prof sa Media Writing (4-5).

    Ang tagal talaga. Grabe. Nagssoundtrip nalang ako dito sa phone ko. Puro Mayday Parade. Puro Senti. Lipat. Ed Sheeran. Yaaaan, chill lang. Nakakailang ulit na siguro ako ngayon netong "All of our Stars" at medyo naiiyak nanaman ako sa dami ng naiisip ko. Hayahayyy.

    CONFIRMED. Wala nga yung prof namin sa last two subjects at nagtext sakto yung kaibigan ko na magkita sa quadrangle. Aalis na muna ako ha? Bahala na muna lumipad siguro yung isip ko. Naiisip ko na naman si....... :( Sige na, ttry ko nalang rin sigurong matulog sa quadrangle. Pwede naman e. Hehe! :)

                                                                                                   14:40

    "I'll be okay, is that what you want me to say?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First DayWhere stories live. Discover now